Chapter 30

14 0 0
                                    

Engaged



"Are you sure about that?" tanong sa akin ni Mommy. Napagdesisyonan kong ihinto ng dalawang taon ang pag-aaral ko dahil gusto kong ifocus muna sa magiging baby ko. Huli kaming nagkausap ni Aurelius ay condo niya ako.

Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakausap.

Two months na rin.

"Kuya..." tawag ko sa kay Kuya Cutler at ngumiti ito sabay yakap.

"Are you okay now?" malambing na tanong sa akin ni Kuya Cutler at tumango naman din ako. Nararamdaman ko rin ang lungkot sa kaniyang mata nang iwanan din siya ni Leslie. Hindi ko rin siya mapapatawad, naiinis ako sa kaniya.

Bakit niya ginawa ito kay Kuya Cutler? Kuya Cutler is almost perfect, perfect na talaga siya dahil marami siyang pera at mabait pa.

Hindi ko alam bakit nagawa pa siyang iwanan ng girlfriend niya, ngayon ko lang din nalaman dahil binalita sa akin ni Jerald. Kasama ang kaibigan niyang si Sol, nakipagbreak din siya kay Kuya o si Kuya Augustus ang may ayaw.

I don't know pero ang sabi sabi namatay daw ang parents ni Hera at dahil daw iyon sa mga kaaway ni Kuya Augustus, nuong una hindi ko pinaniniwalaan dahil alam kong maganda ang relationship ni Kuya Augustus sa mga tao.

Umiyak din si Jerald nang malamang wala na nga rin daw si Hera, nuong una ay hindi na rin ako naniniwala na baka mamaya ay sabi sabi lang nila iyon.

"Ayos ka lang ba diyan, Jerald?" tanong ko sa kaniya sa kabilang linya. He was in pain now, for sure alam ko kasi ang pagbuntong hininga niya na 'yon. Alam kong umiiyak siya dahil nga may pinagsamahan naman silang dalawa at alam ko rin na wala ng feelings si Jerald dito.

Nararamdaman ko. Mahal niya na ang babaeng binuntis niya.

"Huwag na muna tayong maniwala sa sabi sabi, alam kong nag-aalala ka dahil may pinagsamahan kayong dalawa ni Hera. Hangga't wala pang bangkay huwag ka munang malungkot...

"Hmmm yes, hindi pa muna..."

"Hindi mo pa rin ba nahahanap si Chelsea hanggang ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"N-no... h-hindi ko pa siya nahahanap, Navi..."

"It's okay. Mahahanap mo rin siya for sure pero siguro kapag handa na rin kayong dalawa... ba-bye na muna..."

"Pumunta si Relius dito, hinahanap ka niya..."

"Sabihin mo sa kaniya we're over na, Jerald. Don't say na nandito ako kila Mommy." Sagot ko sa kaniya at tumugon naman ito.

"Bakit hindi kayo mag-usap? Alam ko namang mahal mo pa rin si Relius?" tanong niya ulit. "Sinabi mo ba sa kaniyang sa iba pang lalaki 'yan, Navs?" alalang tanong niya.

"Iyon lang ang paraan."

"Pero sinabi kong sa inyo, alam kong wala kang lalaki dahil kilala kita..."

"Jerald! Bakit mo sinabi 'yon!" sigaw ko sa kaniya at natawa na lamang ito sabay baba sa kabilang linya. Hindi ko maproseso sa isip ko ang mga nangyayari ngayon. Takot na takot pa ako pero nararamdaman kong nag-aalala sila Mommy sa akin.

Medyo nagalit lang nung una dahil inamin kong archi ang kinuha ko sa ateneo.

"Kuya..." tawag ko habang inaalagaan pa ako nito. They are too caring, lalo na rin si Kuya Augustus na matamlay din. Alam kong mga may pinagdadaanan sila sa kani-kanilang babae.

"Anong gusto mong pagkain, Navi?" tanong ni Kuya Augustus.

"I want watemelon..."

"Sure, bukas na lang at baka sumakit pa ang tiyan mo." Sagot naman ni Kuya Cutler at umirap na lamang ako.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now