06

31 2 0
                                    

"Let's go".

Isinakbit nya na ang kanyang bag at akmang kukunin ko na ang bag ko ngunit naunahan nya ko at sya ang nagdala nun sa harapan nya.

Hindi ba ako ang personal maid dito? E bakit parang ako ata ang pinagsisilbihan nito?

Kahit nalilito ay hindi ko na nagawa pang magtanong dahil hinawakan nya na ang aking kamay at hinila ako palabas ng room. Magkahawak kamay kami hanggang sa makarating na kami sa carpark.

Inilagay nya muna sa likuran ang mga bag namin at bago ako pagbuksan ng pinto na mas lalo kong ikinalito. "Nasaan ang driver mo?" Tanong ko. Sya kasi ang nagdrive kanina at mukhang sya ulit ang magd-drive ngayon.

"I gave him a day off since we're not going straight to home". Sagot nya. Kanina pa ko litong lito sa inaasta nya at sa nangyayari pero ipinanatili ko ang pagiging tahimik dahil mukhang wala din naman syang balak sagutin kung magtatanong man ako.

"Tutunganga ka na lang ba dyan? Wala ka bang balak na sumakay?" Tanong nya. Sumakay na ako sa shotgun seat at Hindi na nagsalita pa.

Umikot naman sya at sumakay na sa driver's seat bago nagsimula nang magdrive. Dumungaw na lamang ako sa bintana at hinihintay kung saan man nya ko dadalhin.

Natigilan ako nang maramdaman Ng mainit na palad na humawak sa aking palad. Muli nyang hinawakan ang aking kamay, nang lingunin ko sya ay nakatingin lamang sya sa daan at focus sa pagd-drive.

Magtatanong sana ako ngunit tumigil na ang sasakyan. Nang muli kong tingnan ang bintana ay nasa tapat na pala kami ng isang malaking seafoods restaurant.

Is it a date?

Lumabas na Steven at muli, pinagbuksan nya ako sa pinto. Lumabas naman ako at nalilito syang tiningnan.

"I-im just craving for something like this, don't think anything elese". Sagot nya. "Hindi kasi ako marami kumain kaya naisip ko na isama ka".

" so gagawin mo lang akong taga-ubos ng pagkain?" Sarkastiko kong tanong. Kikiligin na sana ako kung dinala nya ko dito for a date e kaso mukhang may pagkademonyo ang lalaking to.

Pasalamat ka walang laman ang cards ko ngayon edi sana ikaw ang aalipinin ko.

"Hindi pero pwedeng ganun na nga". Sagot nya. Sasagot pa sana ako ngunit muli nyang hinawakan ang aking kamay at hinila ako papasok sa restaurant.

Pang ilang beses na ba nyang hinawakan ang kamay ko?

Agad kaming winelcome ng crew ng restaurant. Kapansin pansin na kami lang ang tao rito at marami nang pagkain sa isang table.

Mukhang balak nya 'kong pahirap

Ipinagisod nya ako sa upuan na dumagdag na naman sa kalituhan ko. Naupo naman ako doon at nakita ko ang pagkunot ng noo nya.

"I'm about to sit there but you sit first". Bulong nya. T-teka?! Para sa kanya pala talaga ang upuang ito! Jusko! Nakakahiya!

Umupo na sya sa upuan kaharap ko at lumapit naman ang waiter para lagyan ng wine ang mga wine glass namin. PPurosea  foods naman ang nasa mesa. Matagal na din nung huli akong kumain ng sea food... Allergy kasi ako sa seafoods.

Loving The School Hunk (Montefalco Brothers Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant