Prologue

55 5 2
                                    


Sofia Pov

Papunta na sana ako sa labas ng Casa Silverio para mamasyal pero natigilan ako ng madaanan ko at makita ang
malaking portrait na nakalagay sa pader sa bandang kanan ko na hatalang matagal na itong kinunan.

"Sila ang familia Silverio." Narinig kong saad ni Manang Dolores.

Hindi ko alam kung saan ito nangaling, lumitaw na lang ito ng bigla.

"Kinunan walang taon na ang nakakaraan. Malalaki na ang mga apo ni Donya Margarita ngayon."

Sabi na nga ba, bata pa kasi ang mga apo ni Donya Margarita sa larawan.

"Ang familia Silverio. Ang perpektong pamilya ng New Town. Lahat sila kinikilala at tinitingala halos lahat ng tao sa aming bayan, dahil sa mga nakamamangha nilang galing at sa mga karangalan nilang natanggap at sa kabutihan nilang taglay."

Napangiti ako hindi ko akalain na ganito pala kainteresado ang pamilya Silverio.

Ang gandang lalaki pala ng anak ni Donya Margarita, napakakisig din nito panigurado maraming babae ang naghabol at sumamba dito nung kabataan nila at ang ganda din ng napangasawa nito isang dyosa sa lupa.

Tiningnan ko isat-isa ang apat na apo ni Donya Margarita. Lahat sila may taglay na kagandahan at kagwapuhan na hindi mo matatangihan, may mga pinagmanahan. Bata palang kita na ang kanilang gandang tinataglay. Pano kaya ngayon malalaki na din sila. Panigurado maraming sumasamba sa mga ito dahil doon.

Napatingin ako sa pinakamatandang lalaki sa apo ni Donya Margarita.

Sobrang gwapo nito, as in ang gwapo niya. Halatang matangkad, medyo may pakamoreno ito kung titingnan ang perfect nito, walang maipipintas. Bata pa lang may ipagmamalaki na, paano kaya ngayon malaki na ito. Panigurado maraming nagkakandarapa dito.

"Yan si Seniorito Matteo. Ang pinakamatanda sa apo ni Donya Margarita. Kilala bilang Ang Crush ng Bayan at The Great Son ng mga Silverio."

Wow, impressive!

Pero akala ko dito lang mapapako ag tingin ko pero hindi pala dahil nakua din ang interest ko nung babaeng nasa right side na katabi ng kamukha nito. Halatang kambal ito. May kambal palang apo ang mga Silverio.

Napansin ni Manang ang tinitingnan ko kaya narinig kong nagsalita ulit ito.

"Yan naman si Seniorita Sierra. Ang kakambal ni Seniorita Ciara. Ang kilalang The Good Daughter ng mga Silverio."

Sierra? What a beautiful and unique name.

So si Ciara at Sierra ang kambal na apo.

As in magkamukhang-magkamukha talaga ang dalawa, kung hindi iba ang damit nila. Panigurado malilito ka.

Napangiti ako.

Mukhang interesting ang dalawa, especially itong si Sierra.

Good daughter pala.

Ano na kaya ang itsura nila ngayon?

Mmm, interesting!

The Billionaire's Blacksheep Daughter (GL)Where stories live. Discover now