CHAPTER 09

72 35 0
                                    

CHAPTER 09

Sa sumunod na mga araw, ipinaramdam kaagad sa akin ni Daddy ang galit niya. Like he said, I was really grounded. Bawal akong lumabas unless school ang pupuntahan ko. I was also forbidden from talking to any of my friends, especially with Priel, no communication at all.

Hanggang sa school ay bantay sarado ako. Hatid sundo ako ni Kuya Raul hanggang sa classroom gaya ng utos ni Daddy. Even Shalene has been following me constantly and accuses me right away for even the smallest movement.

All of my moves are being monitored now, even the little ones. Kahit yata paghinga ko inirereport nila kay Daddy. That's why I can't try to resist because I know what will happen if I do. I donʼt have any choice right now but to obey them.

“Bakit hindi ka namamansin?” si Aven isang araw nang maabutan akong mag-isa at nakatambay sa field.

Ilang linggo ko na siyang iniiwasan at hindi kinakausap. I still havenʼt talked to her after our escaped last Saturday. Hindi ko pa nasasabi sakanya o kahit kanino kung ano ba talaga ang nangyari. Basta ko nalang silang iniwasan at hindi pinansin.

Sinubukan ko naman silang palihim na kausapin noʼng mga unang araw pero bantay sarado talaga ako ng mga kapatid ko. If I try to come near them, even just an inch or so, it will immediately reach my father and we all know what will happen to me.

Nagkatinginan kaming dalawa muli at hindi ko na nakayanan pa. Just this once. I badly need to tell her everything.

Mabilis akong luminga sa paligid. Nang masiguradong walang kahit anong bakas ng mga kapatid ko, mabilis kong hinatak si Aven patago sa mga puno.

“Bakit tayo nagtatago?” she looked so confused.

Hindi ako tumigil sa paglinga. Baka kasi nasa malapit lang si Kuya Raul o Shalene. “Baka makita tayo ng mga kapatid ko...”

“And so? Bawal mo na ba akong kausapin ngayon? Huh?”

Kinagat ko ang labi ko bago siya tiningnan at tumango. Nanlaki ang mata niya sa gulat at halatang ayaw pa akong paniwalaan.

“What? Are you serious right now, Sorelle Ariena?”

Mabilis akong tumango. Naguguluhan pa rin ang mukha niya kaya napagdesisyunan ko nang ikwento sakanya lahat ng nangyari.

“Nahuli nila ako noʼng saturday. Alam na nila ang tungkol sa amin ni Priel and as expected, Dad was fuming mad. Grounded ako at bawal na akong makipagkita sakanya o kahit sainyo. I donʼt have my phone. Bantay sarado rin nila Kuya Raul ang galaw ko kaya hindi ko kayo magawang kausapin.”

Natulala siya habang nagkikwento ako. It took her minutes to finally digest everything that I said. Nang matauhan, sinuri niya kaagad ang mukha at buong katawan ko.

“Kaya ba...” nahinto ang mata niya sa bibig ko. “... may sugat ka dʼyan sa labi? Did he hurt you again?”

Mabilis kong kinapa ang naiwang sugat sa labi ko dahil sa sampal sa akin ni Daddy. No matter how much ointment I put it still doesn't heal. Ganoʼn siguro talaga kalakas ang pagkakasampal niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin. I remained silent and she was able to get the answer through that.

“Hindi ka niya dapat sinasaktan!” she frustratedly said.

Huminga ako ng malalim at umiling. I tried to keep my face light for her to see that I am fine with it. “You know my Dad, Aven. Alam mo kung paano siya magalit. Besides, itʼs my fault. Kasalanan ko dahil nagrebelde ako.”

“But still! Pagbo boyfriend lang naman ang ginawa mo. Itʼs not like your pregnant or something!” she then started to calm down. “Do you want me to talk to Tito Arthur?”

FORGOTTEN MISTAKE Where stories live. Discover now