Prologue

1 0 0
                                    

Prologue

Poisonous

"Philanthropist? Hindi raw iyon totoo. Ang sabi, there is this theory that the eldest was once an escort of the late President Mariano Gamboa. And when he died, dito na raw nanirahan sa Tingloy."

"Really?"

"She was then eighteen! No background in business pero sobrang yaman. Milyonarya at eighteen tapos in her twenties, it was affirmed that she was the first young bilyonarya."

Theories...

In Tingloy, Batangas, especially in Corona, hindi na bago na kami ang unang makilala kapag may mga bagong salta. Kalaunan, kapag nakikilala na, nawawala rin ang mga ganitong usapin dahil marami ang nagtatanggol.

"Totoo ba 'yan?" the police asked in disbelief. Nagkibit balikat ang isa pa niyang kausap na pulis, hindi rin sigurado. O meron pang ibang narinig kaya hindi rin alam kung ano ang papaniwalaan.

"Ewan ko rin. Marami pang kwento. May nagsabi ring mas mayaman naman ang babae kaysa sa presidente."

"Tumigil nga kayo, walang katotohanan 'yan!" sabi ng isang empleyado roon.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga kwento. At the end, nanatiling kwento-kwento lang iyon.

"Good morning," bati ko. Ngumiti at nagsitayuan ang iilang tao sa loob ng munisipyo. Bumati rin ang iilang matatanda na kaibigan ni Lola sa simbahan. Ang isang matanda ay binigyan ako ng snacks dahil break time nila at nagmemeryenda sila. I said my thanks. Ang matanda ay iniabot iyon kay Yaya Dulce.

Nahagip ng tingin ko ang bulong ng pulis sa kasama niya. I ignored it like the usual.

"Ano 'yan, miss?" lumapit si Isang, ang isa sa mga empleyado sa Munisipyo. Yaya Dulce gave me the paper bag with the cake inside of it.

"This is for you Isang, I asked Lola if I can bring my non-baked almond cheesecake for you." Lumaki ang ngiti ni Isang. I only looked at her formally.

"Naku, salamat! Diet ako pero kakainin ko 'to!"

"Nasa labas narin po ang saging at mga buko," she nodded happily and went outside with me. The town fiesta is already nearing reason why every one is busy. Isang buwan pa bago ang fiesta pero pero marami na silang pinagkakaabalahan para rito. At tulad ng nakagawian, I extend help right after I study.

It is a huge help that I am also homeschooled to do the other charity events I need to handle whenever Lola is not around.

Our pick-up truck is loaded with coconuts and bananas. It is also for charity we traditionally do for the poor people.

"Saan kayo galing?" our driver asked his friends who does electrical work.

"Sa mga Gatchalian, may pinaayos lang dahil uuwi ulit sila para sa fiesta. Kayo?"

"Sinamahan si Ma'am Sera para sa mga saging at buko. Si Sir Eduardo lang ulit ang uuwi?" tanong ni Kuya Lester.

"Buong pamilya ata silang uuwi. May mga nagi-install din kasi ng mga bagong aircon sa mga kwarto nang nagpunta kami."

When we reached home, Kuya Lester informed Lola about it.

"Baka pumunta kayo ng Lola mo niyan," bulong saakin ni Yaya Dulce, sinubo at nginuya ang isang pirasong mansanas na binalatan at naghintay muna ng ilang segundo bago tumango, saka lang ako kumain. I looked at her uninterested. Lagi namang pumupunta roon kapag umuuwi si Eduardo Gatchalian.

"Bakit kaya kasama ang buong pamilya?" hindi ko siya pinansin at pinagmamasdan ang mansanas bago iyon kainin.

"Sana may ka-edad mo para maging kaibigan?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Church GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon