Endless lust 58

943 2 0
                                    


Aira: PUTANGINA NAMAN! MGA HAYUP KAYO! MAMA?! BAKIT?!

Sumisigaw na si Aira sa loob ng kwarto. Galit na galit habang tumutulo ang mga luha.

Wala kaming imik ni tita.

Aira: Kailan nyo pa ginagawa itong kababuyan na 'to?! Kailan nyo pa ako niloloko?! Huhuhuhu!
Mama?! Magsalita ka! Paano mo ipapaliwanag ito?! Huhuhu!

Naupo si tita sa gilid ng kama habang nakatakip sa kanyang katawan ang malaking unan. Seryoso ang kanyang mukha at nakatitig sa kanyang anak.

Tita Anne: Alam ko na maling-mali ito at alam ko na walang kapatawaran ang ginawa namin.

Nangangatal ang boses ni tita. Parang may nakabara sa lalamunan at pinipigilan nyang umiyak pero walang luha na natumutulo sa kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Wala sa loob kong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

Aira: Huhuhuhu! Napakahayup nyo. Kinasusuklaman kita!

Hindi na napigilan ni tita ang kanyang sarili at napahagulgol sya ng iyak. Sinapo ng kanyang dalawang kamay ang kanyang mukha at ang kanyang balikat ay umuuga dahil sa kanyang pag-iyak.

Hindi ko napigilan ang aking sarili dahil sa sobrang awa. Para syang bata na umaatungal ng iyak. Iniangat ko ang aking kanang kamay at hinimis-himas ang kanyang likuran.

Tahan na, tita.

Aira: Wow! At parang kayo pa ang naagrabyado ngayon?! At ikaw, bakit naman pati ang nanay ko ay pinaginteresan mo? O baka inakit mo sya, 'ma?

Tita Anne: No! Huhuhuhu! Tama na, please? Hindi ko sya inakit, anak. Huwag muna natin pag-usapan ngayon.

Aira: No, 'ma! Kailangan kong malaman ang lahat ngayon! Tama ba ako? Nilandi mo ba ang boyfriend ko?! Tangina naman! Napakaraming lalake dyan bakit yung boyfriend ko pa?!

Napaangat ang ulo ni tita dahil sa narinig sa kanyang anak. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Basang-basa ng luha ang kanyang dalawang pisngi pero ang kanyang mga mata ay matalas ang pagkakatitig sa kanyang anak.

Tita Anne: Gusto mo talagang pag-usapan ngayon ito? Sige, pagbibigyan kita. Tama ka, napakaraming lalake dyan na pwede kong makarelasyon pero ang nangyari sa amin ay dala lang ng kalungkutan.

Medyo napaisip ako sa sinabi ni tita at biglang nagflashback sa isip ko yung unang beses na may nangyari sa amin sa clinic.

Aira: Anong kalungkutan? Hindi kita maintindihan. Ang malinaw sa akin ngayon ay harap-harapan nyo akong niloloko.

Tita Anne: Oo. Hindi mo na kailangan na ipamukha sa akin yan.

Aira: Ano nga yung gusto mong sabihin?

Tita Anne: Wala kang alam Aira. Hindi mo alam ang nangyayari sa amin ng daddy mo. Hindi na sya katulad ng dati. Masyado syang naging busy at unti-unti syang nawalan ng oras sa akin.

Nagkaroon na ako ng ideya sa gustong tumbukin ni tita. Eto na siguro ang naisip nya na tamang panahon. Gagamitin nyang depensa ang seskwal na relasyon ng mag-ama para sa aming dalawa.

Aira: Wala nga akong alam pero sapat na dahilan na ba yun para patulan mo ang boyfriend ko? Bakit sya pa?!

Biglang tumayo si tita at lumapit ng bahagya sa harapan ni Aira Nakatakip pa rin ng unan ang kanyang harapan pero nakabuyangyang ang kanyang hubad na likuran.

Tita Anne: Alam ko na hindi mo ito paniniwalaan pero ang nangyari sa aming dalawa ay hindi talaga namin inaasahan. Pareho kaming mahina at nangungulila. Hindi kita sisisihin kung kamumuhian mo ako. Maaaring hindi ito tama sa iyong mga mata pero hindi kami nagkasala sa …

Shush Series (Book 3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें