CHAPTER 9

0 0 0
                                    


   
ZACHARIOUS  POV

   
    "Ikaw na gumising"

   
    "Ayoko nga ikaw na"
   

    "Kayo na nga"
   

    "Aba bat kami kayo na"
   

    "Ark ikaw na"

   
    "Gago bat ak–"

   
    "Ako na" ani ko, ang ingay tsk

  

    "Sige bro ikaw n–" mukhang natauhan naman sila "a-ahh bro haha gising kana pala " Kurt, bahagya pang kumamot sa batok

   
    "Tsk" bumaba na ko at nilibot ang tingin sa paligid, nakarating na pala kami, napadako ang tingin ko kay Elle, She's beautiful wait what? The hell argh nevermind

   
    "Clev" I look at Ylaine, This girl never failed to make me smile and laugh. I love her and no one can change that fact even my so called wife on paper, Tsk.
   

    "Hm?" I shook my head and gave her a bit of smile
   

    "Let's go? Nandon na yung iba oh" i nod and place my arms in her shoulder before walking through Elle's direction
   

    While walking through their direction i can see the pain in her(elle) eyes, i know her feelings towards me but i don't care. She's such a desperate brat who's willing to do anything and everything just to have me, She even ask her parents to ask my parents for her damn want to be my wife but i don't give a fvck cause because of her Ylaine can't be mine. Nang dahil sa kanya hindi ko maligawan si Ylaine kahit na hindi ko sya (elle) mahal dahil si Ylaine ang mahal ko wala akong magagawa kase sa mata ng pamilya at batas asawa ko sya at asawa nya ko, hindi ko naman gustong mag mukhang kabit ang taong mahal ko.
   
   


   
ASTHERIELLE POV
   

   
    Nakarating na kami sa resort, ang ganda dito sobrang ganda, sana maging maganda ang 2 linggong bakasyon namin dito, yup 2 weeks kami dito kase 3 weeks naman ang break kaya walang problema kung 2 linggong pa kaming mamalagi rito
   

    "Ano tara na? Nasabihan ko na rin yung manager ng resort namin na dadating tayo kaya naka check in na tayo,tara na pumasok para naman makapag pahinga na tayo tsaka para maayos na natin yung mga gamit natin"Cia, tumango naman kami at mag umpisa ng mag lakad, napatigil ako ng mapadako ang tingin ko kina Zacharious, nakaakbay sya kay Ylaine, hindi ko man aminin pero ang laki ng inggit ko kay Ylaine kase nakakasama, nakakausap, at nakakalapit sya ng ganyan kay Zacharious samantalang ako hahaha wag na nating pag-usapan, umiwas naman ang ng tangin ng makita kong bumaling sakin ng tingin si Zacharious
   

    Hayst ano ba to kung ano ano na namang iniisip ko ako lang ang nahihirapan eh bakit ba kase nag hirap nyang kalimutan, Ang sakit pa din pala kahit iniiwasan ko na sya aishhh!
   

    "Elle? Tara na" tumango na lang ako at sumunod na kina Xyra
   

    Napaigtad ako ng biglang mag kumuha ng maletang dala dala ko

   
    "Tulungan na kita" napangiti naman akong bumaling kay Ken, nag pasalamat naman ako rito

   
    Kasalukuyan na kong nakahiga sa kama ko, kakatapos ko lang mag ayos ng mga gamit ko

   
    "Gutom na ko" tiningnan ko naman si Cia na kakapasok lang sa kwarto ko
   

    "Edi kumain ka" anas ko at pinikit ang mata, ramdam ko ang pag-upo nya sa kama ko dahil bahagyang bumaba ang ibabang parte ng kama
   

    "Samahan mo ko tulog kase sila Xyra eh" bumuntong hininga naman ako bago imunulat ang mata
   

    "Pagod ako" ani ko na lang at bahagyang umupo "tsaka malaki kana pumunta ka dun sa baba sa may kusina tapos buksan mo yung ref tingnan mo kung may pagkain kung wala mag luto ka na lang" dagdag ko pa pero nginusuan lang ako nito
   

    "Hayst tara na nga" aya ko at umuna ng lumabas, rinig ko pang tumili ito at tinawag ako pero agad na kong bumaba at nag tungo sa kusina, naabutan ko pa ron si Arkin na nakasandal sa lababo at nakahawak sa baba, mukhang malalim ang iniisip
   

    Nakaisip naman ako ng kalokohan at dahan dahang lumapit sa pwesto nya
   

    "HOY!" Napatawa naman ako ng bahagya syang napatalon at sinamaan ako ng tingin
   

    "Hahaha ginagawa mo? Lalim ng iniisip mo ah" tinalikuran ko ito bago tingnan kung may pagkain ba sa ref, di naman ako nabigo at may nakita kong vegetable salad kaya nilabas ko yon at pinatong sa mesa bago kumuha ng lalagyan na pwedeng pag salinan, kumuha rin ako ng Orange juice at baso
   

    "Para sakin ba yan?" Tinaasan ko naman ng kilay si Arkin ng lumapit sya sakin
   

    "Anong sayo? Kay cia yan kumuha ka don"napasimangot naman ito bago pumunta sa ref at kumuha ng ice cream

   
    "Ano to???" Cia,Nakababa na pala sya "damo?" Kunot noong aniya
   

    "Gaga anong damo kumain ka na nga lang" asik ko, napabusangot naman sya, hindi nya kase gusto yung lasa non kaya ganon reaksyon nya damo tawag nya sa vegetable salad kesyo ayaw nya daw non kase pagkain daw ng hayop tsk tsk tsk
   

    "Ayoko nyan" reklamo nya kaya kinuha ko yung vegetable salad at ako na lang ang kumain sayang eh, kumuha naman sya ng pagkain nya

   
    "Ayaw pa rin ng gulay?" Tiningnan ko si Arkin na nakaupo na sa harap kong upuan,di ko na lang sya pinansin at binilisan na ang pagkain

   
    Maya maya pa'y bumalik na si cia na may dala dalang kanin tapos chicken
   

  "ito" tinuro nya yung plato nyang dala dala "ito yung tunay na pagkain hindi yang damo na kinakain mo" inirapan pa ko bago umupo sa tabi ni Arkin na nasa harap ko, eh?
   

    Umiling iling na lang ako, rinig ko ang pigil tawa ni Arkin at tumikhim pa, tinapos ko na ang pagkain ko at uminom

   
    Nagpaalam na kong aakyat sa taas at matutulog nandon naman na si arkin kaya may kasama na si cia
   

    Pag pasok ko sa kwarto ko dumaretso ko sa banyo, nag toothbrush muna ko at nag linis ng katawan bago mag palit ng damit ang mahiga sa higaan ko

   
    "Argh kapagod" daing ko bago tuluyang makatulog

Hopes In Love (retrouvaille series) Where stories live. Discover now