59

113 1 0
                                    

pasko nanamang muli
kahilingan ko’y gano’n parin
umiba man simoy ng hangin
iyon at iyon parin ang hihilingin

ang makasama’t mayakap ka
kahit sandali‚
masilayan lamang ang iyong mga ngiti
kahit saglit lamang
madama ko lang muli ang iyong presensya

maramdaman ko lamang na nandyan ka
ngunit itong aking munting hiling
mananatili nalang bulong sa hangin
pagkat kahit ano pa mang gawin

ang lumipas na ay lumipas na
mag-iwan man ng bakas
ito’y walang kaila at parte na ng nakaraan
at maging ng wakas.

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now