Prologue

47 5 1
                                    

Stephanie

Pinagmasdan ko ang suot kong napaka-ikli at hapit na dress sa aking katawan, kitang kita ang kurba ng aking bewang at ang kalakihan ng aking dibdib

"Naku dapat galingan mo mamaya, madaming big time ang nandito ngayon" ani ni Josh, siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon

"Hindi ka nagkamaling sumama saakin Stephanie, milyon milyones ang kikitain mo dito" dagdag niya pa

Pilit akong ngumiti sa kaniya at bumuntong hininga

Wala naman akong choice kung hindi pumunta dito, isa lang ang dahilan kunh bakit ako nandito at iyon ay pera

Kailangan ko ngayon ng pera para sa hospital bill ni lola, bukod pa don ay kailangan ko nang magbayad sa mga taong nautangan ko, lahat gagawin ko para kay lola. Siya nalang ang nag-iisang pamilya ko sa buhay, bata pa lang ako nang namatay si mama, si papa naman iniwan ako at may sarili nang pamilya

"Josh ano na hindi paba handa yan, mag-uumpisa na"

Nagising lamang ako sa katotohanan ng sumingit ang babaeng nakasalamin sa pintuan ng dressing room, mukhang siya ang organizer ng gaganaping bidding ngayon

"Ayan na okay na siya" nagmamadaling ani ni Josh at inayos ayos ang buhok ko

Mas lalo along kinabahan ng hilain ako ni Josh papunta sa backstage, kagat kagat ko ang sariling labi ng marinig ang boses ng emcee

"Galingan mo huwag kang kakabahan, okay?" Pagpapatatag ng loob saakin ni Josh

Tumango ako

"Kaya ko to" bulong ko at nagsimulang maglakad ng tawagin ako

"Our special woman for these night, Jennie... She's a virgin and has a flawless skin... The bidding starts by 200k" sigaw ng emcee

Kinabahan ako ng mag-umpisa na ang bidding, naroon lamang ako sa stage. Nakatayo habang hindi kayang i-angat ang tingin sa mga taong posibleng makakabili saakin ngayon

Ramdam ko ang titig ng mga mata nila sa bawat parte ng aking katawan ngunit wala akong magagawa

"500k pesos for that virgin lady"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin ng marinig ang malaking pera at agad natagpuan ng kaniyang mata ang isang matandang kalbo, kumindat ito sa kaniya ng magtama ang tingin nila

Mabilis niyang binaba ang tingin sa sahig

"One million pesos" muling sigaw ng isang matanda

Napakagat siya ng labi at nilaro ang daliri, isang milyon lang ang kailangan niya para mabayaran ang lahat ng utang at hospital bill's ng kaniyang lola

"One million pesos, may gusto pa bang humirit diyan?" Dagdag ng emcee

Ang akala niya ay iyon na ang pinakamataas ngunit nagkamali siya dahil naging sunod sunod ang pagtaas  ng halaga ng pera

"1.5 million"

"Two million along with acces to my shop in L.A" sigaw ng isang lalaking mataba dahilan upang matahimik ang buong paligid

Rinig na rinig niya ang singhap ni Josh na hindi lamang kalayuan sa kaniya, kahit siya ay hindi makapaniwala

Nagsimulang tumaas baba ang kaniyang dibdib para maghabol ng hininga, malakas ang dagundong ng kaniyang dibdib

"Two million with the access of shop in L.A, anyone who wants to bid higher or none?"tanong ng emcee

Humigpit ang hawak ni Stephanie sa laylayan ng kanyang suot habang pinagmamasdan ang lalaking mataba na punong puno ng balbas ang mukha, malagkit ang titig nito sa kaniyang katawan habang nakangisi

Nag-iwas siya ng tingin dito, hindi niya alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito pero alam niyang hindi niya iyon magugustuhan

Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang sarili nalang niya ang aasahan niya para sa kaniyang lola na nasa hospital

"Two million going once going twice goi----" naputol ang linya ng emcee sa isang malalim na boses

"Five million pesos plus my share on two of my company in Italy and Spain" ani ng isang malalim at nakakatakot na boses

Nahigit niya ang kaniyang hininga at agad na hinanap ang lalaking iyon

Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig, 5 million pesos? Nagbibiro ba ito?

Rinig na rinig ang bulungan ng mga tao sa paligid ngunit naagaw ng kaniyang pansin ang lalaking ngayon ay malalim ang mga matang naka titig sa kaniya

Agad na nagsitayuhan ang kaniyang mga balahibo habang pinagmamasdan ang lalaking ngayon ay hindi niya maaninag ng husto dahil nakatago ito sa dilim pero alam niyang kakaiba ang awra at itsura nito 

"Five million pesos for Jennie, the bidding is now closed" 

Hindi padin siya makapaniwala habang inaayos ni Josh ang kaniyang buhok, nasa dressing room na sila ngayon 

"Hindi nga ako nagkamali, sabi ko na nga ba at pa-patok ka sa mga customer ngayon" masayang masaya si Josh dahil mataas ang kaniyang comission ngayon 

Gustuhin  mang magsaya ni Stephanie katulad ni Josh ay hindi niya magawa, kailangan niyang ibigay ang pagkababae niya sa lalaking nakabili sa kaniya ngayon 

Nang makarating siya sa kwarto ay patuloy pading dumadagundong ng malakas ang kaniyang dibdib, hindi siya mapakali at hindi niya alam ang gagawin lalo na at mag-isa lamang siya sa kwarto. Kasalukuyan niyang hinihintay ang lalaki na a-angkin ngayon sa kaniyang birheng pagkababae 

Madilim ang loob ng kwarto at tanging isang lamp shade lang ang nag sisilbing ilaw sa ,adilim na paligid 

Hindi niya mapigilang maluha habang iniisip ang mga sakripisyong ginawa niya para sa kaniyang lola ngayong araw, hindi madali sa kaniyang pasukin ang ganitong pagkakataon pero alam niyang ito ang makakatulong sa kaniya at sa kaniyang lola

Agad siyang nataranta ng marinig ang mga tapilok ng sapatos palapit sa kwarto, kinagat niya ang kaniyang labi at hinintay ang pagpasok ng lalaki 

Napaigtad siya ng bumukas ang pintuan at malakas din itong sumara, isang anino ng makisig na katawan ang lumapit sa kaniya 

Dahil sa maluha luha niyang mata ay hindi niya nakikita ng maayos ang lalaki kaya mabilis siyang nagpunas ng luha ngunit bago niya pa iyon magawa ay agad na siya nitong nilapitan at hinapit ang kaniyang bewang 

Napasinghap siya sa ginawa nito at napatitig sa mukha ng lalaki, kahit na madilim ay kitang kita niya padin ang guwapong pag mumukha ng lalaki

Para itong isang anghel dahil sa napaka perpekto nitong mukha 

''You're mine tonight"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lucian's ObsessionWhere stories live. Discover now