Prologue

26 2 1
                                    

"Jos, ako naman yung piliin mo oh" pagmamakaawa ko.

Hindi ko kayang mawala siya, kung sasabihin niyang luluhod ako gagawin ko para hindi niya ako iwan.

"Mahal kita Summer pero kailangan ko siyang e ligtas" malumay niyang sabi.

"Mahal mo ako? pero hindi mo ako kayang piliin"

"Mahal mo ako pero siya ang priority mo!" sumbat ko sa kanya

"Ganyan ka ba magmahal Jos?! Imbis na ako na girlfriend mo ang unahin mo pero sino ang inuuna mo palagi? ang ex-grilfriend mo!" sinampal ko siya.

"Hindi naman sa ganun Sum pero kasi complicated yung situation ko ngayon" sabi niya na parang maiiyak na.

"Paano maging complicated? ang kailangan mo lang gawin ay mamili sa aming dalawa!" complicated mukha niya.

"Hindi mo kasi naintindihan Baby" akmang hahawakan niya kamay ko pero lumayo ako nang kunti.

"Mamili ka Jos, Ako o ang babaeng yun" Malamig kung sabi.

"Baby, wag ganito pls ang hirap pumili" He softly said. 

Shit na malagkit hindi mo ako madadala sa paganyan-ganyan mo Jos, Heh graduated na ako diyan.

"Mamili kana" tinaasan ko ito ng kilay.

Ilang minuto ang lumipas ay nakapagdesisyon na siya.

"Siya" sabi niya habang hindi  makatingin sa akin.

Is this really for real? akala ko ako yung pipiliin niya. Akala ko lang pala yun

"Ok" Malamig kung sabi at agad tumalikod.

"Summer!" tawag niya sa akin.

Hindi ko ito nilingon. Ilang segundo ang lumipas ay mayhumawak sa pulso ko, nilingon ko ito at nakita ko si Josiah.

"Baby, wag mo akong iwan please" pagmamakaawa niya.

Sasagot na sana ako pero bago pa ako maka sagot ay may tumili sa likuran ko.

"Jos, Babe!"

Nilingon ko ito, tama nga ang hinala ko ang linta pala ito. 

Akmang yayakapin niya si Jos pero hindi ito natuloy kasi nakita niya ako. Tinaasan ko ito ng kilay.

"So, the bitch is here, Ano ang ginagawa mo sa bahay ng babe ko?" taas kilay niyang tanong.

"Ako dapat ang magtanong niyan, why are you here? ex-girlfriend ka lang niya, ako girlfriend" nakangisi kung sabi.

Inikutan lang ako nito sa kanyang mata.

"Jos aalis na ako and muntik ko nang makalimutan sabihin I'm breaking up with you" tumalikod agad ako.

Narinig ko pa itong tinawag ako pero hindi ko na ito liningun. Sana panindigan mo ang desisyon mo Jos.


Kung Makita kita muli, pangako hindi na ikaw ang tinitibok ng puso ko.


Unknown Past (Unknown Series #1)Where stories live. Discover now