prologue

3 0 0
                                    

"sigurado ka na ba talagang lilipat ka ng strand?" tanong ng adviser ko habang pinapafill up ko sa kaniya ang papel ng pag lipat ko sa ibang strand.

kahit labag sa kalooban ko ay tumango ako. yumuko ako upang hindi makita ng guro na papatak na ang aking luha.

"oh eto nak, kung sakali mang maisipan mong bumalik sa STEM within this week kunin mo to sa magiging adviser mo then ibalik mo sa akin ha?" maalumanay niyang sinabi bago tapikin ang balikat ko.

ngumiti ako ng mapait at inabot ang folder ng papel.

nang makuha ko ito ay umupo ako sa mga upuan sa harap ng registrar habang iniisip kung tama ba tong desisyon ko o magkakaron na naman ako ng panibagong pagkamamali na siguradong mag papabigat sa loob ng aking magulang.

halos 20 mins na akong nakaupo rito at ng tignan ko ang relo ko ay saktong break na ng mga estudyante.

"kala ko nag jojoke ka lang!" sigaw ni Joya sa akin.

"kala ko rin e" natatawang sagot ko.

magkakasama silang apat, si Joya, Honey, Kayi at Diary.

sila ang naging kaibigan ko sa halos kalahati ng first quarter.

"Chiny sabi ko sayo tutulungan ka namin e, hindi mo naman kailangan mag shift dahil lang sa calculus" malungkot na inayos ni Kayi ang kaniyang salamin.

ngumiti na lang ako sa kanila, alam kong alam nila na hindi ko rin naman gustong lumipat.

"hoy ano ba Chiny, duwag ka ba? ako nga na hindi matalino walang balak umalis sa STEM, ikaw pa kaya na may taglay ding katalinuhan" sagot naman ni Diary.

"tigilan niyo nga ako, sa tapat lang naman ng building niyo yung magiging building namin, kung maka react kayo parang lilipat ako ng school ha" natatawa kong sagot sa kanila.

"pero Chiny kung ayaw mo na sa HUMSS pwede ka naming tanggapin ulit, kakausapin namin si ma'am Andrada para tanggapin ka ulit ha?" pang kukumbinsi ni Kayi sakin.

tumango na lang ako at ngumiti.

"Ms. Lopez" tawag sa akin ng registrar, inabot niya sa akin ng folder at don nakalagay ang strand at section na pupuntahan ko.

"bumalik na kayo sa mga klase niyo, si ma'am Liza pa naman yung susunod, diba may quiz kayo?" pag taboy ko sa kanila.

"bye Chiny, ingat ka ha? tsaka oo nga pala taas ka na lang sa room mamaya pag lunch na, we'll wait for you mwa" pag bababye nila sa akin with matching flying kiss.

I smiled with a taste of bitterness, how I wish I am brave like them to take the risk.

sa takot kong magkamali handa akong iwan ang kursong gustong gusto ko para lang maiwasang magkamali.

dinala ako ng registrar sa magiging section ko at kinausap na rin ang bagong adviser ko.

"salamat po ma'am, kami na po bahala kay Chiny" nakangiting sabi ng adviser namin.

"ok, handa ka na bang makilala mga bago mong kaklase?" she smiled sweetly so I just nodded my head and smile.

pumunta kami sa harapan at doon ako napatanong kung kaya ko ba.

the sweet smile I'm showing a while ago faded when that question popped up.

"I am Chiny Alliana Lopez, former STEM student" kabadong pakilala ko.

I felt relieved when I saw them smile.

"ok Chiny you can choose where to sit since maraming bakanteng upuan" itinuro niya ang mga bakanteng upuan.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now