simula

4 0 0
                                    

"Pinagsasabi niyo? Hindi ko gusto si JR, okay?"

Naranasan niyo na bang mag confess in public? Well, not really in public. Let's say na sa harap ng kaklase at ibang mga kakilala. Nasa canteen kami at nagkukulitan hanggang sa may naasar na nga. At oo, ako iyong naasar.

Pero ang totoo, gusto ko talaga si JR Cañales.

Ayaw ko lang aminin.

Hindi ko lang talagang kayang aminin sa mga kaklase ko ang totoo dahil hindi ko makakayanan ang pang-aasar na aabutin ko sa kanila. Sigurado ako na kakalat lamang iyon sa boung COE at baka pa nga sa boung university. I can't handle that. Hindi ko ugaling mang-asar kaya ayoko nang inaasar.

Siguro nga hindi ko pa siya ganoon ka gusto dahil hindi ko siya magawang i reveal nang bongga. Unlike my other crushes na kulang nalang ipagkalandan ko sa boung departmento ng Filipino ang pagkabighani ko.

Iba siya.

I want to keep my feelings as a secret.

But sometimes I want to let people know.

Jean Raphael Cañales. Social Studies Major at PRO ng Student Body Organization. Nasa ikalawang taon na siya and a year younger than me. Gwapo siya at miyembro ng Baseball Team ng Bukidnon State University.

I dreamily sighed as I think of him. I wonder if he knows my name? Kahit iyon lang sana. Iyon lang ang hinihiling ko, ang malaman niya ang pangalan ko. Pero ang hindi ko alam, ay hindi ko pala lubos na ikakasiya ang katuparan nang munting kahilingan ko.

Lunch break at naisipan naming sa canteen nalang kumain ng lunch instead na sa klasrum. Nakaugalian na namin iyon pero gusto naman naming subukang kumain sa canteen ng school. Wala naman palang espesyal dito. Maraming kapwa mag-aaral na kumakain at maingay. Ayoko sa maingay kaya halos lukot na ang mukha ko habang hinihintay na matapos silang kumain.

Ang ingay kasi talaga at nauubos ang energy ko.

"Alam mo, pogi rin 'yong si JR, no." Napalingon agad ako kay Corey nang sabihin niya iyon.

"Yeah, pero ayoko sa mas bata sakin, eh." Sagot ni Dion. Bumaling siya sakin at tinanong ako. "Ikaw? Diba pumapatol ka sa mas bata sa'yo?"

Iniwas ko ang tingin ko.

"Ayos lang naman, pero isa hanggang dalawang taon lang ang agwat namin sa isa't isa." Kaswal kong sagot. Sana hindi nila nahalata ang kaba ko. Bakit na kasi nila binanggit ang pangalan nj JR.

"Edi gusto mo siya?" Mapangasar na tanong ni Corey. Ginatungan pa ito nang iba naming mga kaklase.

"Pinagsasabi niyo? Hindi ko gusto si JR, okay?" Bahagyang tumaas ang boses ko at alam kong narinig iyon ng mga kalapit namin ng pwesto. Bahayga akong hinihingal kaya suminghap ako.

"Ba't ka naman nagagalit?"

'Hindi naman ako galit. Naiinis lang ako sa inyo.' Gusto kong sabihin iyon pero pinigilan ko ang sarili at nag-isip ng kapanipaniwalang palusot.

Sabihin ko kayang naiihi lang ako?

Magsasalita na sana ako ngunit natigil nang biglang may lumapit sa table namin at nakipagtitigan sakin. Natahimik kaming lahat. Hindi naman ganoon kalakas ang pagkakasabi ko para marinig niya, hindi ba? At kailan pa siya dito sa canteen? Hindi naman siya mahilig pumunta rito.

Napalunok ako sa kaba nang tumigil na siya at paglalakad palapit samin at itinukod ang kaliwang kamay sa mesa.

Nakakainis. Nakakakaba na ang tagpong ito pero hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya. Ang cool niya! Pwede bang ulitin?

"Don't worry," Dumaan ang mata niya sa mukha ko pababa sa ID ko. Kinabahan ko. Naririnig niya kaya ang lakas ng tahip ng puso ko? Sana hindi, sana oo. Hindi para alam niyang hindi ako natatakot sa kaniya. Kinakabahan lang. At oo para sana alam niya ang espesyal na nararamdaman ko sa kaniya.

He read out my name, "Soraya." My name rolled out on his tongue like it's a poison. Masakit man pero nahimigan ko ang disgusto sa pagbigkas niya sa pangalan ko.

Nanikip ang dibdib ko at lalo pa itong lumala nang sinabi niyang, "Hindi naman kita type."

At iyon mga kaibigan, ang simula ng pagiging makulay, masalimoot, at komplikado ng huling dalawang taon ko sa kolehiyo.

The Other Dreamer Where stories live. Discover now