01

6 0 0
                                    

Pinatawag ang mga pamumunuan ng organisasyon namin. Umirap ako sa hangin.

"Kayo na lang, kayo naman may kasalanan bakit tayo napatawag." I hissed trying to hide my nervousness. Bakit naman kasi ang impulsive ng president namin? I'm not a goodie-goodie but I don't want to be labeled as a villain either.

Kahit na hindi sinabi kung bakit kami pinapatawag ay alam ko na ang rason. Dahil iyon sa pag kick namin sa SBO PRO sa GC namin last three days ago, which is Friday.

Ang nangyari kasi ay biglang may nang add ng kung sino lang, whose name is Jean Raphael Cañales. Ang nag add ay iyong junior namin na SBO representative. Ang bastos pa at wala man lang paalam na may i-a-add sa GC namin. Edi siyempre, nagulat kami lahat. At kinabahan na rin dahil baka may mabasa siyang makakasakit ng kaniyang damdamin.

Idagdag pa ang inpormal na tono ng pakikipag talastasan ng junior na iyon sa GC.

Magpakilala ka naman muna diyan, kuya.

Really? That was very unprofessional and unethical.

And that PRO! Matangkad ba siya at bakit ang taas ng tingin sa sarili?

Good evening, everyone. I am Jean Raphael Cañales. Ang SBO-COE PRO.

Muntikan ko na talaga siyang pangaralan kung paano maging magalang. Nakakainis.

Kaya after a second or two, the admin, na si Dion, ay sinipa palabas ng GC namin ang SBO PRO.

Invasion of privacy iyon. Hindi sa takot kaming mag leak ang mga napag-usapan namin pero parang ganun na nga. Tsaka nagpaalam muna sana iyong junior bago nang add ng kung sino. And lastly, mahangin ang dating ng Jean Raphael Cañales na iyon. Wala man lang greetings of peace, hindi gumagamit ng po at opo at higit sa lahat, mataas ang tingin sa sarili.

Kaya deserve niya ang pagsipa namin sa kaniya.

At ipaglalaban namin ang paninindigan namin.

Pero huwag muna ngayon. May reporting ako mamaya at kapag pinatawag kami ngayon, ay hindi ko na matatapos ang PPT ko. I'm a slacker, I know.

"Ililigtas mo lang ang sarili mo, teh." May iritasyon sa boses ni Corey.

"May reporting ako mamaya kaya tumahimik ka." I hissed and rolled my eyes.

Umangal silang lahat. Kakatapos lamang ng lunchbreak namin. Good mood pa naman ako dahil nabusog na pero biglang nag-ingay ang phone naming lahat, indicating na may message sa GC namin.

Pumunta kayo sa office ko dahil may pag-uusapan tayo.

"Sabihin mo nalang na wala tayo rito. Umuwi na." Suwestyon ni Elsie. Sinungaling pero pwede na rin. Bago pa man ako tumayo para mag CR sana ay biglang pumasok ang club adviser namin sa room.

There's grim in her colored face. Makapal ang pagkakalagay ng kilay ni Prof. at pulang-pula ang labi niya. She's still pretty in her age but I don't like her attitude.

"May ideya na siguro kayo kung bakit ako nalang ang pumunta rito." She said. There is emphasis in her every word. Malumanay ang pagkakasabi niya pero dahil kilala na namin siya, alam namin ang totoong nararamdaman niya. Galit siya, o baka nga higit pa doon.

We spent the rest of our lunch break time listening to her nagging. And while into it, I secretly fished my phone from my pocket and finished my PPT. And I mentally cursed that darn SBO-COE PRO. Kasalanan niya lahat ng ito. If ever talaga na pag-initan kami boung taon ng boung COE ay iiyak nalang talaga ako. Nasa ikatlong taon na kami sa kolehiyo at hindi pa magiging magandang karanasan.

The Other Dreamer Where stories live. Discover now