02

6 0 0
                                    

Nagsinungaling ako.

Hindi ako tumigil sa paglalakad nang araw na iyon dahil sa pagkalimot ko sa IMs. Kundi dahil sa mukha, tindig, at porma niya.

Talaga bang college student siya? Bakit ang fresh niya tignan?

Ngayong nasa harap ko na siya, at nakatitig sa mga mata ko ay iyon pa ring mga katanungan ang lumilipad sa isip ko.

Ang unfair talaga ng mundo.

I was only pulled from the gravity of his eyes when Dion pinched the skin of my arm. Aray ha.

Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

"Samahan mo naman ako mag CR, oh." Yeah right. Pagkabalik namin ay iba na ang nagsasalita at mukhang malapit nang matapos ang pagpupulong na ito. Mayamaya nga ay nagbigay na kami ng mungkahi tungkol sa susuotin sa Acquaintance Party. Marami ang nagbigay ng mungkahi at sa huli ay nag pasya nalang kami na magpabotohan nalang sa mga mag-aaral thru gform. Nagpicture kami for PhotoOp at tapos na rin sa wakas.

"Jabee tayo." Biglang aya ni Arie samin nang pababa na kami. Nasa ikalawang palapag palang kami at wala na masyadong tao sa hagdanan. Siguro dumaan sa ramp ang iba.

I eyed her.

"Mukha ka talagang Jollibee kahit kailan." I uttered. Ngumiti lang siya at pinilit kami.

The following days are kinda chill. Not really. Ang dami talagang gawain at gusto ko nang matulog nang maayos. Second subject na namin pero gusto ko na talagang umidlip, legit. Pero bastos naman kung matutulog ako habang may nagka-klase sa harap kaya dinaan ko nalang sa pasimpleng inat. I arched my back, rested my head on the chair as I raised both of my hands when I stopped. Someone made me stop.

Nahagip ng mata ko si Jean Raphael Cañales na naglalakad sa hallways namin. Kasama niya ang babaeng hindi pantay ang kilay.

Baliktad siya sa paningin ko dahil sa porma ko sa upuan. Nagsalubong ang mata namin at pangako, nakita ko kung paano umangat ang gilid ng labi niya, as if seeing something funny. At ako ata ang something funny na iyon.

Kinabahan na naman ako kaya umayos na ako ng upo at nakinig na sa instructor.

Pero habang nakikinig sa aralin ay humahalo sa boses ng instructor namin ang mga katanungan sa isip ko: bakit sila napadaan sa floor namin? Sa pagkakaalam ko, hindi siya taga third floor dahil never ko pa siyang nakita rito. At sino iyong kasama niya? Girlfriend ba niya? At higit sa lahat, bakit niya ako pinagtatawanan? May nakakatawa ba?

Shit, bakit ko ba iniisip ang mga bagay na iyon? Ano ngayon kung gusto lang nilang dumaan sa hallways ng third floor? Ano naman ngayon kung kasama niya ang babaeng hindi pantay ang kilay? Ano naman sa akin iyon?

Pero malaking kaisipan talaga kung bakit siya masaya. Bawal magsaya ang mga educ.

Humupa na ang kaba ko at nagpanggap na nakikinig. Parang biglang nawala ang pagka sleepy ko dahil sa nangyari.

"Alam mo, deserve nating uminom sa Gen. Ass." Nasa 7/11 Casi kami at kumakain ng ice cream. Just a little treat dahil flop ang quiz namin kanina. Bakit ba naman kasi walang lumalabas sa pinag-aralan namin.

"Ang B.I mo talaga kahit kailan." Wika ko kay Engel. Kay bait ng pangalan tapos ang sama ng ugali. Siguro dahil mali ang baybay ng pangalan niya.

"Okay lang, 'yan. Ilalagay ko naman sa tumbler." Seems like hindi na talaga siya papapigil.

Tumango-tango nalang ako para matigil na siya. 

Isang linggo nalang at Gen. Ass na. Pinagsabay nila iyon sa Acquaintance Party na gagawin pareho sa hapon. Ang nanalo pala sa botohan ay ang Academia. Ang init na nga sa Malaybalay tapos iyon pa ang theme.  Nakakainis. Mga pauso talaga ng mga bata. I'm twenty years old pa naman pero hindi ko talaga minsan maintindihan ang mga ka edad ko.

The Other Dreamer Where stories live. Discover now