PROLOGUE

4 0 0
                                    

01.

“Ma, lipat na kasi ako ng school sa senior high!”



Pagpilit ko kay Mama na busyng busy na maglinis ng isdang kabibili niya lang kanina para raw ulamin namin, “Bakit ba? Maayos naman diyan sa public ah, nandiyan ’di ba mga kaibigan mo ..” sagot niya habang naghihiwa pa rin



Napabusangot ako, “Ta’s ano pa nga tawagan niyo? To? Tropapips!” dagdag pa niya


Bumagsak ang balikat ko, alam ko kasing hindi ako papayagan ni Mama na lumipat ng school dahil magtatapos na rin naman daw, kaunti na lang


Eh ang kaso, ayaw ko ngang magtapos do’n

 

“Eh pa’no, ’Ma, ’pag kinuha ako ni Papa?” biro ko sa kaniya kaya siya nagtigil sa ginagawa, “Ulol! Asa siya! ’Yan ang malabong mangyari, mamamatay muna ako!” mataray na sabi niya at napataas pa ang hawak na kutsilyo


Napatawa na lang ako, “Ang oa, Ma, ha! ’Kala ko napag usapan na natin ni Papa na do’n ako mag senior high?” reklamo ko


Ngayon ay napalingon na siya sa akin, Matagal pa ’yon, ’wag mo muna isipin. Ang isipin mo ay ang pagbabalot ng gamit dahil pupunta tayo sa mga Tita mo, do’n tayo magpapasko.” mahabang sabi niya sabay balik sa ginagawa



Oo nga pala, babyahe kami bukas papunta kina Tita Beth sa Santa Cruz. Nakasanayan na kasi namin na do’n magpasko dahil wala naman kaming kasama sa bahay



Dati ay ayaw ko ro’n dahil makikita ko ang tatay ko, pero ’di naman pala napunta kaya g na g ako. Galit kasi ako dati kay Papa at iniwan ba naman kami, e kaso tumanda e, naintindihan ko rin mga nangyari



Pagka-prito tsaka pagka-sigang ni Mama sa tilapia ay kumain na kami agad tsaka nagpahinga, habang si Mama ay natutulog na sa kwarto niya ay umakyat na ako sa kwarto ko para maghanda ng dadalhin bukas



Maaga kasi kami dahil wala masyadong sasakyan papunta ro’n, ’di ko naman kasi pwedeng dalhin motor ko at ang haba ng byahe, wala pa rin akong lisensya dahil siyempre, third year highschool pa lang ako oy



Nilabas ko na ang backpack ko at ang tote bag na nakatabi sa cabinet ko, tiniklop ko muna ang mga pajama, t-shirts, pants, underwear, at extra crop top saka nilagay sa backpack ko, ang nilagay ko naman sa tote bag ay wallet, toothbrush, headset, pabango, tsaka iba pa



Natulog na rin ako dahil sa pagod at dami ng natiklop ko



Pagkagising ay nag ayos na agad kami ni Mama para makaalis na, pagkaligo at pag aayos ng sarili ay pumunta na kami sa may plaza sa sakayan ng tricycle papuntang terminal ng jeep



White maong pants at oversized purple t-shirt lang ang suot ko dahil mainit at madali rin ako pagpawisan



“Oh isa pa!” sigaw ng tricycle driver na sinakyan namin, sa tabi ko na lang kasi sa backride ang kulang, si Mama kasi ay nasa loob na dahil nasa kaniya ang mga dala naming bag



Mga ilang minuto pa nang magsalita ulit ang driver, “Oh, ’yan na. Dito ’toy sa likod, tali na lang natin bag mo.” nagmamadaling sabi ng driver



Hindi ko na natingnan ang sasakay dahil busy ako sa pagtipa ng reply sa maharot kong kaibigan

MESSENGER.

Dec 19, 2023
9:27AM

Me :
papunta na me sa terminal rn, hanap pogi 😍😍😍😍😍😍

iya burat :
ingat be ko, ihanap mo rin ako ah hehehehhe

Me :
yoko girl, baka magalit pa ka-mu mong kamukha ng tatay mo

iya burat :
HOY HINDJ KO KA-MU YPN AH GRABI K XA TATAY KU !!!!!!!!!!

Me :
sana all may tatay

iya burat :
wan ko sau.


 

Binitawan ko na rin naman agad ang cellphone nang naramdaman kong may umupo na sa tabi ko, ako kasi sa hawakan at do’n siya umupo sa tabi ng driver


Napatingin na lang ako sa kaniya nang magpatugtog muna siya ng “this is me trying” ni Taylor Swift atsaka isinuot ang headset


Teka, sa’n ko nga ulit napanood ’to? Wait, nabasa ko ata .. ’yung bumabagal ang tibok ng puso mo, tumitigil ang ikot ng mundo mo, at, at, gangshter! Ay, char!

Literal na napanganga at napatigil ang pagtingin ko sa paligid nang makita ang itsura ng katabi ko, mukhang mas matanda siya sa akin nang isa o dalawang taon


Kahit sino naman kasi kikiligin, ay, mali, masyadong mababaw ang word na ’yon, mai-inlove pala dapat!


Kahit sino mai-inlove kapag ganito katabi mo, yung lalaking malinis ang pagkakagupit ng buhok at halatang bagong ligo, mapungay ang abong mata, parang may lahi ang pagkatangos ng ilong, may kissable lips at halatang matangkad dahil nauuntog na siya sa bubong ng tricycle


Napansin ata nitong kanina ko pa siya pinagmamasdan kaya napalingon siya, “Ate?” at putangina, gago sorry sa mura, ay mura rin pala yon, basta, putangina! Ang lagom ng boses holy shyet!


Napapikit muna ako nang ilang beses, “A-ako?” pang-tangang tanong ko

Ate naman, malamang ikaw, ikaw lang katabi eh, ay ewan ko sa ’yo, Krystal, bobo ka talaga! Ay mura na naman?


Kita ko ang pag ngisi niya, ano ba naman ’yan, Kuya?! Kinikilig ka na agad sa akin eh wala pa ngang tayo! HEUY, char lang


“Mhm, you.” natatawang sagot nito

Gago ka talaga, Lord! Ay, joke pala. Basta I love you, Lord, mahal na mahal kita, ano bang ginawa ko ngayon at ang swerte swerte ko?! Love you, Papa Jesus, advance happy birthday!


“Para na po!” sigaw ni Mama mula sa loob na akala mo’y ang layo ng kausap, hoy sayang naman, may lovelife pa akong inaatupag dito oh?!


Napabusangot na lang ako dahil hindi ata rito bababa si poging nakatabi ko, sayang naman!







— KCreates.



Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Mar 03 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

Cruel Summer | 17SERIESМесто, где живут истории. Откройте их для себя