Ako'y Tila Nagbago Na

4 3 0
                                    

Sana'y kaya kong ibalik ang panahon
Para pigilan ang mga bagay na unti unti ng nababaon
Kay bigat ng aking damdamin
Hindi ko na alam ano ang dapat gawin

Dati'y ako'y nagagalak pang sumalubong ng kahit anong okasyon
Ngunit ngayon ay tila hindi ko na kayang sumabay sa saya ng panahon
Gusto ko na lamang humiga at isarado ang aking baba't tainga
Matulog at ng hindi ko na maisip ang lahat ng problema

Hindi ko na alam ano ang aking gagawin
Tila'y hanggang dito nalang talaga ang aking mithiin
Ang kalugkutan sa puso't isip koy di ko na malaman
Gusto ko na lamang sumabay sa ihip ng panahon at hayaan na lamang ito magpakailanman

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Tula Ng Aking BuhayWhere stories live. Discover now