Kabanata V

62 1 0
                                    

"SABIHIN mo muna sa'kin ang totoong rason mo para tanggapin ko ang pag-resign mo, Ms. Liray?" pagtatanong ni Jerome kay Rosalinda. Sa hindi malaman na dahilan ay biglang kumabog ng malakas ang puso ni Rosalinda. Masama rin ang kutob niya at tila may bumubulong sa kaniyang isipan na tila may alam ang lalaki na hindi dapat nito malaman.

Kasulukuyan siyang nasa harapan ng lalaki at lakas loob na inabot ang resignation letter niya. Napagpasyahan niyang tumigil sa pagtatrabaho bilang sekretarya nito sa takot na mabuking siya. Lalo na't unti-unting lumalabas na ang pagbabago ng katawan niya.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. "What do you mean, Sir?" kalmado niyang tanong nito kahit sa kalooban niya ay halos gusto na lamang niyang himatayin sa kaba.

"Hindi ko bubuksan ang resignation letter mo at ia-approve Ms. Liray hangga't hindi mo sinasabi sa'kin ang totoo," seryoso nitong sabi.

"Ano ba ang ibig mong sabihin, Sir? Kung hindi mo bubuksan ang letter na iyan, edi mas lalong hindi mo malalaman ang rason ko. Basahin mo muna kaya iyan." Hindi niya maiwasan na makaramdam ng iritasyon.

"Alam kong kasinungalingan lang naman ang nakasulat dito," anito at walang pagalinlangan na pinunit ang resignation letter sa harapan niya mismo ng walang kakurap-kurap.

Napanganga siya sa gulat at pagkatapos ay binigyan niya ng hindi makapaniwala na tingin ang lalaki.

"What do you think you're doing, Sir? Ba't mo pinunit? At isa pa, ano ba ang pinupunto mo? Ano iyong kasinungalingan na pinagsasabi mo? Alam mo ba kung ilang lakas na loob ang inipon ko para maisulat at maibigay iyan sa'yo, tapos pupunitin mo lang na hindi man lang binabasa?!" Malakas ang boses niyang bulyaw sa lalaki. Halos pumiyok rin siya dahil sa isang hikbi na kumawala sa bibig niya. Hindi niya napansin na umiiyak na pala siya sa harapan ng lalaki.

"Kung hindi mo tatanggapin ang resignation letter ko, puwes mas mabuting aalis na lang ako dito na hindi nagpapaalam. Gusto niyo po pala ng bastosan, edi sana sinabihan niyo man lang sana ako para hindi na ako mag-aksaya pa ng panahon at oras na harapin ka." Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay masama ang loob niyang tinalikuran ang lalaki.

Lalabas na sana siya ng opisina ni Jerome ng mapatigil siya dahil sa salitang binitawan nito.

"I know that you're pregnant with my child." Malamig sa boses na sabi ng lalaki.

Agad na nanigas sa kinatatayuan si Rosalinda at nanlalaki ang mga mata na hinarap muli ang lalaki. Nakita niyang nakatayo na ang lalaki sa kinauupoan nito at naglalakad papalapit sa may gawi niya.

"A-ano'ng ibig mong sabihin?" utal niyang tanong. Mabilis rin ang tahip ng puso niya.

"Alam kong buntis ka at ako ang ama ng dinadala mo, Rose." Paguulit nito.

"A-ano... Pa-paano mo na-" Naramdaman niya ang pagka-upos ng lakas niya. Wala rin siya sa sariling napaatras papalayo sa lalaki ng ilang dangkal na lamang ang layo nito sa kaniya.

"I remember it, Rose. May kalaboan man pero sigurado akong may nangyari sa ating dalawa. And how did I know? I saw you getting out from an ob-gyne clinic. When I ask the doctor about you, I found out that you're fucking pregnant. So tell me now the truth, Rose."  Halos napapikit siya sa may kagaspangan na pagsasalita nito.

"O-Oo. Buntis ako at ikaw ang ama, Boss. Are you happy now?" Mapait siyang ngumiti habang patuloy na bumubuhos ang mga luha niya.

Nakita niyang bahagyang itinaas ng lalaki ang kamay nito at sa takot na baka sampalin siya nito ay hindi na niya hinintay na dumampi pa ang palad nito sa pisnge niya. Lumuhod agad siya sa harapan nito at humingi ng tawad. "Patawad po talaga. Pinagsisihan ko na ang ginawa ko lalo na't kasalanan ko po ang lahat. At kung sasabihin mong ipapalaglag iyong bata, pasensya na po pero hindi ko magagawa ang gusto niyo. May konsensya po ako at hindi ko kayang kumitil ng inosenteng buhay. Wala pong kasalanan ang bata na nasa sinapupunan ko po. Alam kong hindi niyo po ako mapapatawad, pero sana po ay hayaan niyo po akong buhayin ang bata ng mag-isa. Ipinapangako ko pong habambuhay kaming maglalaho sa buhay niyo na tila hindi nagi-exist at hinding-hindi manggugulo sa buhay niyo ni Miss Jasmine." Basag na ang kaniyang boses at hilam ng luha ang mukha niya.

Accidentally Pregnant By My Boss (Boss Series #1)Where stories live. Discover now