20

116 5 0
                                    

20


"Akala ko ba kapag na-curfew ako, hindi mo ako tutubusin?"

He told me, and I still remember it, that he would not come to redeem me if I was curfewed. Akala niya ba makakalimutan ko ang bawat salitang binitawan niya na nagpakulo ng dugo ko? 

No and never.

"Ayaw mo ba?" Hindi niya ako hinintay sumagot at bumaling sa isang pulis. "Sir, binabawi ko na 'yong pantubos ko, ibibili ko na lang pala ng XBOX 'ya—"

Mabilis kong inilapat ang palad ko sa kaniyang bibig at mariin itong tinakpan. Madumi ang kamay ko at puno ng alikabok dahil sa makalawang na bakal na hinawakan ko—but I don't mind if it ends up on Xion's face.

"Hindi ka ba mabiro? Parang gago naman,"

"Don't curse," 

I wiggled my eyebrow. "Ilang beses mo na akong sinabihan niyan—siguro mga bente na. Mukha ba akong aso para utusan mo?"

He turned to face me and studied my entire face slowly. Nakita ko ang unti-unting pag-guhit ng ngiwi sa kaniyang labi bago tuluyang marahan na tumango.

"Kapal ng mukha—"

"Anong ginagawa mo sa labas ng gano'ng oras? Talagang may dalawang bote ng soju ka pang dala," His tone became serious as he suddenly changed the topic. "Paano kapag napahamak ka?"

Bahagya akong natigilan, scrunching my nose while heaving a sigh just to prevent the tears from wanting to fall.

Kanina ko pa gustong umiyak... pero dinadaan ko na lamang sa pagka-inis na nararamdaman.

"What the hell am I supposed to do if something happened to you?"

Umangat ang tingin ko at mabilis na nag-tama ang mga mata namin.

I smirked. "You sounded so worried to me, Captain, ha."

He gulped, mukhang na-counter ko ang lalaki dahil maging ang pag-kurap ng ilang beses ay ginawa niya. I saw that he clenched his jaw, causing me to tilt my head.

"B-Because it's obvious that I'm to blame when something happens to you,"

Inangat ko ang kilay ko. "Bakit naman?"

"Kasi... ako ang C-Captain... it's my duty to check on you all."

"Captain? Talaga ba? Pagiging Captain pa ba 'yan?" Lalo kong tinaas ang kilay ko, ang mata ay may nanunuksong tingin at ang labi ay may mapanlarong ngiti. 

Xion looked at me with a confused look.. "Bakit? Are you assuming more?"

Tumango ako. "Akala ko crush mo lang ako kaya ka gan'yan."

"Ikaw?" His jaw dropped, eyebrows shot upward, eyes went wide. He paused for a moment, looking shocked. As he swallowed one after another, his Adam's apple moved multiple times.

Mukha siyang tanga sa reaksyon niya. Gusto kong tawanan, pero baka mahuli ko siya at mapaamin na may gusto siya sa'kin. 

"What the fuck, hindi kita type 'no—"

"Wow," I clapped. "What the fuck? Really? Coming from the mouth of 'Don't curse boy'."

"Nakakagulat naman kasi mga pinagsasabi mo. It gives me goosebumps."

Umirap ako sa kawalan. "Ang arte, pa-deny deny pang nalalaman, e alam ko namang ako 'yong tinutukoy niyang nagustuhan niya sa Sweet treats kaso may anak."

He swallowed hard. Hindi ko tuloy napigilan na matawa sa reaksyon na pinakita niya sa'kin.

"H'wag mo ngang gawin 'yang ekspresyon na 'yan, para ka kayang nagpipigil ng tae."

Unveiling the vile behindWhere stories live. Discover now