Chapter 1

113 5 0
                                    

Kindly avoid any grammatical error, please..

Lilianna Pov's

Isang nakakasilaw na araw ang nakasilip sa bintana ng aming munting kwarto dahilan para magising ako.. Well ganto talaga ako magising kapag weekend, sun ang pampagising ko.. Wala lang trip ko lang.

Bumangon naman na ako kaagad at inayos ang pinaghigaan namin.

Hindi naman kasi ako nag iisa dito sa kwarto, kasama ko rito yung kakambal ko at bunso naming kapatid.

Yes may kambal ako.. Siya si Alianna Cruz and we're seventeen years old, ang bunso naman na si Athena cruz ay sampung taong gulang pa lamang.

hindi kona isisiwalat ang buong sulok ng bahay at pamilya ko.. Makikilala niyo naman sila maya maya.

"teh, bilisan mo raw diyan at mag gagayak pa tayo ng labahin" bungad nitong si alianna sa pinto ng kwarto. "oo susunod ako, tapusin ko lang toh" saad ko na kaagad niya naman akong nilayasan.

Kaagad kong tinapos ang pag-aayos ng hinigaan at ng matapos ay mabilis ako lumabas para maghilamos at mag toothbrush.. Wala na akong ibang routine sa umaga kundi ang pag hihilamos ng maayos at toothbrush ng maayos.

well I'm pretty in every ways kaya hindi kona need ng beauty products. That's the honest, swear!

"teh sama kaba?" biglang tanong ni alianna. "saan naman?.. wag mong sabihing may lakad na naman kayo nina trisha?" pag kukumpirma ko.

"hindi teh, ang minimean ko sa pag enrol sa monday! Parang ano naman toh, may lakad agad?!" Naiimbyerna niyang saad.

Hay naku, parang ang sarap batukan netong kambal ko eh. Alangan namang hindi ako sumama sa pag enrol, buti sana kung sipagin siya at siya na lang mag enroll sakin.. Diba!! para masaya!

tsk.

By the way.. Senior high school na kami this coming school days.. Grade eleven, both.

"Sasama ako syempre, buti sana kung sisipagin ka.. pwede mo naman akong isabay" nakangiti kong saad. Ngiting nangloloko.

"may paa ka, kaya pumunta ka!" saad niya sabay tayo at inilagay na yung basong pinagkapehan niya sa lababo.

ako naman ay inubos na ang kape dahil nga sa maglalaba pa kami. Panigurado sasakit na naman likod ko neto.

Ng mailagay kona ang baso ko sa lababo ay sumunod na agad ako kay alianna sa kung saan ang pwesto namin para mag laba.

"teh ikaw sa puti ha, ako naman sa mga dekolor" saad niya na tinanguan ko nalang at nag hummed.. Well sanay na akong ipinapasa niya sakin yung nga puting damit.

Nagsimula na kaming mag laba at pasalamat sila ginaganahan ako sa paglalaba dahil sa hindi mainit ang pwesto at maaliwalas pa ang simoy ng hangin.

alas syete palang eh..
.
.
.
Hours passed ng matapos na kami sa paglalaba... Nagpahinga muna ako bago maligo.

"Teh tutal sabado palang naman ngayon, bakit hindi na tayo ngayon bumili ng school supplies natin?" suhestyon niya.

"remember alianna, tomorrow is Sunday kaya hindi tayo pwedeng umalis. Church day bukas!" paalala ko sa kanya.

"ay hala oo nga pala" nagkakamot batok niyang saad.

"may isang linggo pa namang natitira satin kaya sa Tuesday nalang tayo umalis. Isama nadin natin sina trisha" saad ko na ikina tango niya naman.

"great idea teh.. Makaka gala na naman tayo" she said. Puro nalang talaga toh gala.

"ikaw si gala ka talaga eh.. Mamimili tayo, hindi mag gagala!" imbyernang saad ko sa kanya.

RLS: ACCEPTANCE #1;Lilianna Cruz__(Tagalog story)Where stories live. Discover now