Prologue

5 0 0
                                    

"Kaya mo na ba dito?" tanong sa akin ng pinsan ko nang naibaba na namin lahat ng bagahe ko dito sa dorm.

Hindi ko pa siya kaagad sinagot dahil hinihingal pa ako galing sa pagbubuhat ng dalawang suitcase mula ground floor hanggang 5th floor gamit ang hagdanan.

Kaya siguro ito kinuha ni tiyo para sa akin. Mura nga pero luma naman tapos di pa nagana yung elevator.

Nakakuba pa ako dahil sa pagod subalit kaagad din ako umayos ng tayo.

"Andito na ako eh." ani ko at tinignan siya. "Dapat kayanin ko." sabi ko at binigyan siya ng maliit na ngiti.

Tinitigan niya pa ako ng sandali bago mag buntong hininga.

"Hindi ka ba natatakot, insan? Maynila 'to, hindi mo 'to lugar..." ani niya na parang may gustong sabihin pero hindi kaya klaruhin.

Umiwas ako ng tingin at napameywang habang pinagmamasdan ang magiging tirahan ko sa ngayon.

"Alam ko, kaya nga ako g na g dito eh." makahulugan sabi ko.

Narinig ko pa ang munting pagtawa ni Trixia sa akin sinabi. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-ayos niya rin ng pagtayo bago hawakan ang dalawang beywang at sinabayan akong pagmasdan ang buong kwarto.

"Oo nga pala, sa kalsada nga hindi ka takot—Maynila pa kaya."

Patago akong ngumisi sa sinabi niya. Tama siya.

Ang dami ko nang naranasan kung saan nagdusa at naghirap ako nung andoon pa ako. Kaya bakit pa ako susuko o matatakot ngayon kung nasa mas magandang lugar na ako?

"Nakapagpaalam ka ba kay Tiyo?"

Umiling naman ako. "Bakit pa ako magpapaalam kung alam naman na niyang dito rin ako mapupunta." sabi ko bago siya harapin.

"Basta hintayin niyo ko ha—tiyak na pagkagraduate ko, hahanap kaagad ako ng trabaho at isasalba ko rin kaagad yung talyer. Hintayin niyo lang ako."

Napangiti naman si Trix.

"Alam naman namin 'yon pero syempre isipin mo rin sarili mo noh!"

Natawa ako. "Kayo lang meron ako, tyaka wala naman akong kailangan. Ano pa ang dapat kong isipin?"

"Syempre future mo!"

"Future ko ang talyer. Pamilya ko kayo. Kayo ang uuwian ko pagkagraduate ko." seryosong sabi ko.

Natahimik naman siya sa aking sinabi at tinignan ako ng makahulugan.

Ilang minuto pa ng katahimikan ang lumipas bago siya magsalita ulit.

"Eh pangangarera? Diba pangarap mo yo—"

"—hobby." pagcocorrect ko. "Hobby ko lang 'yon. At sa tagal ko dito sa Maynila, sigurado naman mawawala rin ang pagkakagusto ko doon."

Napakibit balikat naman siya na para bang may sense rin ang pagkakasabi ko. Tsaka paano rin naman ako makakapaggawa non dito?

Yung kotse nasanla na, tapos Maynila pa 'to—wala masyadong space para gawin 'yon.

Tsaka okay na rin yon na magpapahinga muna ako mula sa pangangarera. Baka masapok pa ako ni tiyo kapag nalaman niyang gagawin ko pa 'yon dito. Mas strikto pa naman sa Maynila kompara sa probinsya pagdating sa mga ganoong bagay.

Pagkatapos namin ayusin ang mga gamit ko ay kaagad nang umalis si Trix para habulin ang huling byahe ng eroplano patungo sa probinsya namin. Uwian din kasi siya dahil may pasok pa iyon kinabukasan.

Nang naayos ko na ang mga gamit ko ay nagpasya akong umupo muna sa kama ko kung saan may bintana sa tabi nito. Tinaas ko ang mga paa ko at yinakap ang mga binti ko at tahimik na pinagmasdan ang unibersidad na papasukan ko na sa ikalawang susunod na buwan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once In Every MomentWhere stories live. Discover now