17.

422 38 4
                                    



Roni's POV

After one week...

Nagising ako nang wala sa tabi ko si borj at phoebe habang si matteo mahimbing parin natutulog sa kwarto niya. Dali-dali akong bumaba ng living room. Nagbabakasakaling nandun sila.

Saan nagpunta yun?

Naisipan kong pumunta sa garden namin. Napangiti ako nang makita ko doon si borj na pinapaarawan si phoebe.

"Looks like you're enjoying looking at your baby girl, huh?" Walang atubiling sabi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Looks like you're enjoying looking at your baby girl, huh?" Walang atubiling sabi ko. Napalingon ito sa pwesto ko. Napangiti ito nang makita ako.

"Gising kana pala, love." ani borj. Nakangiti itong tumayo at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi. "Pinapaarawan ko lang si Phoebe. Sabi kasi ni mommy healthy daw yung sinag ng araw every morning." dagdag pa nito.

"Wala ka bang gagawin? I mean hindi ka ba busy?" tanong ko dito.

"Hindi naman. Bakit mo natanong?" - borj. Kunot-noo itong tinignan ako.

"Nothing." Sagot ko dito at nagkibit-balikat na lang ako. Naglakad ako papunta sa pwesto ko nang mapatingin ako sa bahay nila mommy na nasa harapan lang namin.

Natawa ako nang makita si mommy and daddy na nagsasayaw. Napailing na lang ako. Routine na talaga nila yung sumayaw every morning noh.

"Ay!" gulat akong napatingin kay borj. Hinigit kasi nito ang bewang ko at nilapit maigi sa katawan niya.

"Let's dance too." nakangiti nitong sabi sa akin.

"Hay naku! Ayoko. Ballroom. Baduy." reklamo ko. Iniwan kong nakasimangot si borj. Nilapitan ko si phoebe na mahimbing na natutulog.

"Damot mo." borj said. Nagpouty lips pa ito.

"Mabuti pa ipasok na natin si phoebe. Baka magising na din ang panganay mo e." suhestiyon ko. Mabilis naman nakalapit si borj sa amin. Inagaw nito sa akin ang stroller ni phoebe at siya na ang nagtulak papasok ng bahay.

Saktong pasok namin sala. Nakita namin si matteo na nakahiga sa sofa at tahimik na nanonood ng cartoons sa TV.

"Goodmorning, love." masayang bati ko dito. Napatingin ito sa akin. Tumayo ito at lumapit sa akin para humalik sa pisngi ko.

"Goodmorning mommy, daddy." malambing na sabi nito.

"What do you want to eat?" tanong ni borj dito. Binuhat nito si phoebe paalis sa stroller at inilipat sa crib na nandito sa sala.

"I want vegetables soup, daddy." sagot nito. Naglakad na ito pabalik sa sofa at nahiga muli ito doon.

Mabilis naman nagtungo si borj sa kusina para ipagluto si matteo ng gusto nitong pagkain.

"Ikaw love? May gusto ka ba ring kainin?" tanong nito sa akin.

"Same na lang din siguro nung kay matteo. Since need na ni phoebe magbreastfeed." sagot ko dito. Chineck ko pa yung diaper ni phoebe if may poops na ba siya. Buti na lang wala.

Through the Years (The Unconditional Love Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon