• || Prologue || •

14 0 0
                                    

"WHAT the..?" Takang sabi ko nang makita ko ang childhood bestfriend kong hindi ko nakita for 20 years na naglalakad sa kalsada, na naka-alalay sa isang babae, na kung makahawak sa kaniyang braso eh 'kala mo girlfriend siya.

Iba't-iba yung ang emosyon naramdaman ko nang makita ko si Cj.

Para akong maiiyak na mututuwa, nakakaramdam ako ng galit dahil hindi niya man lang ako naisip bisitahin. Pero, gusto ko rin siyang yakapin ng sobrang mahigpit sa sobrang tuwa, dahil ito na ang hinihintay ko, binigyan na kami ng pagkakataon ng diyos na magsama ulit.

Lumapit ako kay Cj na medyo kabado dahil mahaba-haba rin ang 20 years.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ni Cj. Matutuwa ba siya? Maluluha? O kaya Magagalit sa akin?

Nagdadalawang-isip pa 'ko kung tatawagin ko ba siya, but I've been waiting for this moment for all the time of my life, ngayon pa ba ako magbaback-out? No, kaya fuck it. No matter what happens atleast I tried.

"Ceej!" I called out to him.

He turned to me curiously, na parang hindi niya ako maalala kung sino ako.

"Do I know you?" Ang sagot sa akin ni Cj still trying to figure out kung sino ako.

Inisip ko nalang na hindi niya ako maalala dahil marami na ngang panahon ang nakalipas. Kaya't sinubukan ko pang ipaalala sa kaniya ang aking pangalan.

"Ako to, si Miles! Kababata mo, nung nandoon ka pa sa hacienda niyo nakatira!" Sabi ko sa kaniya, sinusubukan kong ipaalala sa kaniya kung sino ako.

"Do you know her, Hun?" Tanong ng babaeng nakahawak sa braso ni Cj.

'Hun? Sila ba ni ate girl? '

"Well I don't think so, I don't recall any childhood friend named miles."

Sagot ni Cj sa babaeng nakadikit sa kaniya, na pinagtaka ko dahil paanong hindi niya ako maalala, eh hindi naman sa pagmamayabang pero, ako kaya pinaka matalik niyang kaibigan nung araw.

" Huh? Anong pinagsasabi mo? Paanong hindi mo ako maalala eh, binigyan mo ko dati ng promise ring noong 7 tayo yung nakuha mo sa drawer ng mama mo. "

"Sabi mo pa na kapag malaki na tayo at may trabaho na, papakasalan mo ko. Tapos mag a-adopt tayo ng 3 pomeranian. Naalala mo binigyan mo pa nga ako ng nickname na, Maymay?" dugtong ko.

"I'm sorry Miss, but I think you got the wrong person. I really don't remember you. I grew up in america, as for my knowledge, we never had a hacienda." sagot sakin ni Ceej.

"I'm really sorry, but me and my wife need to go now." dugtong pa niya't sabay alis.

"Wife...?"
Sinabi ko ng pailalim habang naka-tunganga sa gitna ng kalsada.

Gusto ko pa sanang habulin s Ceej para malaman ang mga nangyari sa mga nagdaang taon. Pero nung lumingon ako at hinabul si Christian, para sana malaman kung ano pa ang mga nangyari, pero hindi ko na sila nahanap nawala nalang sila na parang bula.

Hindi ko napigilan mapaisip, kung bakit hindi ako maalala ng aking pinaka matalik na kaibigan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stolen ChanceWhere stories live. Discover now