03

2 0 0
                                    

We kept it as a secret. Ayoko sana pero sinunod ko nalang ang kagustuhan ni Elsie. Ayon sa kaniya, ayaw niyang ma back fire sa kaniya ang nangyari. Kung ano pagpapakahulugan niya doon ay hindi ko alam. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil alam ko namang sa aming dalawa, siya ang pinakagustong kalimutan ang nangyari.

Pero hindi naman talaga dapat kalimutan ang nangyari. Lalo na ang huling pag-uusap namin ni RJ. Ano? Kasalanan namin bakit kami nababastos?

Suminghap ako at sinuntok ang bintana ng room namin. At pinagsisihan iyon agad dahil sumakit ang kamao ko.

We're back at school, others still hyped from the event, unlike us, who are shrinking from life. That sounds dramatic, right?

Marami pa kaming ipapasa at tatapusin. Walang hanggang kapaguran.

Sinubukan kong kalimutan ang mga salita ni RJ. Galit ako. Naiinis ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nagkita kami ulit. Iiwasan ko ba o iirapan?

Pero hindi nangyari ang alin man sa dalawang iyon dahil hindi na kami ulit pa nagkita. Medyo nakakalimutan ko na rin naman iyon. Pero sana lang talaga tigilan na niya ang pag victim blaming.

Naglalakad na kami pauwi nang biglang tumabi sakin si Arie Mitski. Sabay-sabay kasi kami kapag naglalakad at medyo hindi ko close si Arie kaya nagtaka ako kung anong rason niya para tumabi sakin?

"May lihim akong sasabihin sa'yo, Sor." Bulong niya. Umirap ako sa hangin, bahagyang natatawa.

"Lihim pala 'yan, ba't mo sasabihin sakin?" Sana pala hindi ko na tinanong sa kaniya iyon dahil pinalo niya ang braso ko.

"Hindi kasi. May intramurals at bukas mukhang magpupulong na naman tayo." That got my attention.

"Talaga? Finals week na ah. Bakit naisip pa nilang mag intrams?"

She shrugged.

"At saan mo naman nakuha ang impormasyong iyan? Dapat may sanggunian ang pagpapaliwanag mo, ha." Nag-aakusa kong tanong. There's no way that she'll catch news like that. Unless..

"Chat-chat kayong, Gov no?" Usal ko. Nanlamig ang mukha niya at pinalo na naman ako sa braso.

"Hindi, ano bang pinagsasabi mo."

Aasaran ko na sana siya pero may biglang may humatak sa bag ko. Bumangga ang likod ko sa katawan ng humatak. Nanlilisik kong tiningnan ang may sala, si Gabriel. Pero napawi iyon ng sinigawan niya ako.

"Tumabi ka kasi, magpapakamatay ka ba?!" Unang beses niya akong sinigawan kaya napanganga talaga ako at hindi makasagot. Hanggang sa nag part ways na kami ay namamangha pa rin ako sa kaniya. Akalain mo 'yun, may ilalakas pa ang boses niya. Kapag demo kasi ay halos hindi ko na marinig ang boses niya dahil sa hina.

True to Arie Mitski's words, nag meeting nga kaming mga executives sa sumunod na araw. Kaunti lang ang dumalo, abala siguro ang iba sa ibang mga bagay. Sa organization naman namin ay kami lang ni Arie Mitski ang dumalo. Si Dion, ewan ko kung saan na siya inilagay ng Panginoon.

May lumapit saming mag-aaral, na naka MASTS shirt. Kumunot ang noo ko upon recognizing his face.

Wala ba siyang ibang t-shirt?

Arie Mitski nudged me to write both of our names in the attendance sheet but I disagreed.

"Ang pangit ng sulat-kamay ko, Pres." Inirapan niya ako pero sinulat rin naman ang pangalan naming dalawa. Inaway ko pa siya dahil mali ang baybay ng ikalawang pangalan ko.

What she wrote was Soraya Jean Jorquia.

"Ayos na, 'yan. Hindi naman 'yan diploma." Napanganga ako sa sinabi niya at narinig ang bahagyang pagtawa ng lalaking naka MASTS shirt. Lumipad ang mata ko sa kanilang dalawa at bumagsak ito sa lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko ulit. Si Raphael Jean Cañales.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jan 07 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

The Other Dreamer Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu