prologue

1 0 0
                                    


Ang ganda ng langit. Ang ganda ng mga bituin. Ang ganda ng paligid. Tahimik. Nakakarelax. Sa sobrang sarap sa pakiramdam ng kinauupuan ko, parang ayaw ko na umuwi, gusto ko nalang manatili dito. Malayo sa ciudad. Malayo sa paligid na magulo. Malayo sa paligid na hindi mo matakas takasan.

"kamusta? it's been a week simula na maghang out tayong dalawa." tanong niya. I looked at him and smile. "I'm fine" maikling sagot ko. Katahimikan na hindi ko mababatid kung hanggang kailan.

"I'm sorry" Napatingin ako sa sinabi niya, tinitigan siya sa mga mata niya na nagtatanong kung bakit humihingi siya ng tawad saakin. "I'm sorry sa mga panahon na parang pinaramdam ko sayo na kinalimutan kita. I'm sorry sa mga panahon na naramdaman mo na hindi ka mahalaga. I'm sorry sa mga panahon na parang hindi ka naging importante saakin" sunod sunod niya na sabi saakin, hanggang sa hindi ko na mapigilan na umiyak at humikbi ng malakas.

Pinunasan ko ang mga luha na hindi mapigil pigil sa kakaiyak at tinititigan ang mga bituin na kumikinang sa itaas. I smiled without looking at him. "It's okay Bren, pangarap mo ang kalaban ko, hindi kita hahadlangan, hindi kita pagbabawalan, but I think it's better to separate and focus to our own" tinitigan ko na siya hanggang sa mabitawan ko na ang mga salitang matagal ko nang pinaghandaan, mabigat, masakit, mahirap. Pero yun lamang ang alam kong rason para hindi na kami mahirapan.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkalito at puno ng mga tanong. I smiled at little and hold his hands while looking at him. "I know that you're confused. But I think it's the best for us. I will always be your fan. I will always be by side. Hinding hindi ako magkakamali sa suportahan ka kahit saan mo man gusto. For now, for us, it's better to focus on our own. Makakatulong yun. Sayo at saatin." Hindi pa din siya makapagsalita kaya kinuha ko na ang huling regalo na maibibigay ko sakanya kasi ngayon namin cinecelebrate ang 1st anniversary namin. Napakasakit na anniversary.

"Here's my gift for you. Happy Anniversary " maikling bati ko sakanya sabay hinalikan siya sa pisngi habang hindi pa din mapigilan ang luhang bumubuhos.


@charmingcheeks

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MIDNIGHT RAINWhere stories live. Discover now