Chapter 1: Kid

17 1 0
                                    

Chapter 1: Kid


Naalimpungatan ako nang dahil sa kaliskis na gawa ng mga tuyong dahon sa aking paligid. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata at nagsimulang makiramdam. Hindi ko sila nakikita ngunit naririnig ko ang kanilang paghinga. Ang mumunting tunog na nagmumula sa kanilang mga naghuhurumentadong dibdib ay nakabibingi. Unti-unti kong sinuri ang kapaliguran ngunit wala sila sa kapatagan.

"I thought vampires don't sleep," i heared some whispers. "Do they snore?"

How did they even know I was a vampire?

"Wag kang maingay," saway ng isa. "Baka magising siya."

Napatingala ako at tanging nadatnan ay ang mga dahong pumoprotekta sa akin mula sa sikat ng araw. Kitang-kita ang marahang pagsayaw ng mga dahon sa ihip ng hangin at rinig din ang mga ibong nag-aawitan sa loob ng kagubatan.

"She doesn't look scary at all," dagdag pa nito. "Does she bite?"

That kid is a curious cat.

The older boy answered, "She'll suck all your blood. It's better not to be around them."

Ang akala ko ay lingid sa kaalaman ng mga mortal na mayroon pa ring mga bampira. At labag rin sa batas namin ang ipaalam sa kanila ang aming tunay na anyo, kung sino mang lalabag ay mapaparusahan ng kamatayan.

Does the same rule apply to me? Well, yes. I am no exception. It's like a treaty between vampures and humans, it protects us both. Some vampires harm people, they hunt and crave for human's blood. I belong to those vampires who hunts animals to satisfy my thirst for blood, i don't harm human unless they has something to do with my business too. Human lives in those centuries at peace without knowing our existence. They never had any idea that there is something out in the woods whose abilities are beyond human kind— well that was I thought.

The only thing that made me different among kind is that, Satan and I are friends.

"I lived for hundreds of years and I will live a thousand more. I have lived long enough and I'm no longer afraid to die." I blanched at the thought.

"You woke her up," the smaller kid sounded upset.

The older one said, "She's never asleep. They don't do that, don't be fooled."

We do not sleep but our bodies are no exception from getting worn out. We also deal with unconsciousness whenever gotten into a huge-bad-fight.

"Does their fangs cut their tongue when eating?"

I almost blanched at the thought.

Wala akong balak patulan ang mga iyon dahil bukod sa wala silang laban ay hindi rin mapapawi ng mga dugo nila ang uhaw ko. Masyado pa silang maliit at hindi iyon sapat para sa akin. Kakaiba pa naman ako mabitin.

Nanatili ako sa ganoong posisyon at muling ipinikit ang aking mga mata. Sa aking pakiwari ay wala namang magagawang ikamamatay ko ang mga 'di hamak na mas mahihina sa akin. Ilang sandali pa ako nabalot kami ng katahimikan, wala na akong naririnig na mga bulung-bulungan ngunit naroroon pa rin ang tunog ng naghuhurumentado nilang dibdib.

"Para siyang anghel—"

Bago niya pa man iyon matapos ay parang kidlat sa bilis ko siyang dinikwat sa kwelyo. Ini-angat ko siya sa ere gamit lamang ang iilang daliri. Sa labis na pagkagulat ng kasama niya ay nagkumahog itong umalis at iniwan itong kasama niyang gusgusin.

That was insulting. I should be called the devil and not some weak lamb.

Nang magtama ang paningin namin ay walang kaemo-emosyon ang bata, hindi man lang ito natinag sa ginawa ko. Hindi ako makaamoy ng takot o kahit katiting na pagkabahala. Kung ibang tao ito ay baka nahimatay na habang yapos ko. Halata namang sa bilis ko ay hindi ako pangkaraniwang tao ngunit animo'y sa mga mata niya ay iisa lamang kami. Sa paraan ng pagtitig niya ay parang kaswal na pagtatagpo lamang ito ng isang bampira at ang mortal na katulad niya. Mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kaniyang kwelyo at mas iniangat pa siya sa ere ngunit walang nagbago sa ekspresiyong nakapaskil sa mukha niya. May kakarampot na pag-awang ng labi ngunit iyon ay pagkamangha sa kaniyang nakikita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marionette's SlaveWhere stories live. Discover now