𓇢𓆸 PROLOGUE 𓇢𓆸

23 14 2
                                    

❀ PROLOGUE ❀

MINSAN sa buhay kailangan natin na lumayo at humiwalay sa mga taong mahal natin. Labag man ito sa kalooban natin pero kinakailangang gawin para maabot ang mga pangarap natin.

Napabuntong hininga ako kasunod nang pag-ngiti, andito nga pala ako sa kwarto ko, tahimik na nag- iimpake ng mga dadalhin kong gamit paluwas ng manila. May natanggap akong scholarship doon at napakalaking tulong nun sa'kin lalo na't kapos kami sa buhay.

Gusto kong makapagtapos at mai-ahon sa hirap sila nanay at tatay. Pambawi ko narin sa magandang pag-aalaga at pag-papalaki nila sa'kin. Marahan kong inilapag sa sahig ang malaking bag dahil iniiwasan kong makalikha nang ingay upang hindi magising sina nanay at tatay mula sa pagkakatulog.

Alas tres pa lang ng madaling araw kaya hanggat maari ay iniiwasan ko ang makalikha ng ingay at baka magising ko pa sila. Habang ptapos na 'ko sa pag- sisilid ng mga gamit sa bag ay bigla na lang nag vibrate ang cellphone na nasa tabi ko, indikasyon na may tumatawag.

" Oh? akala ko tulog ka pa. Hindi ka nakatulog noh? "

Wala sa sarili akong napangiti kasunod nang paghikab matapos kong marinig ang boses na iyon ng kababata kong si Maureen sa kabilang linya.

" Oumm... kinakabahan ako, Maureen. "

Tugon ko saka tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Narinig ko ang bahagyang pagtawa nito dailan nang pagbuntong hininga ko.

" Bakit ka naman kinakabahan? eh, hindi naman kita ibubugaw sa maynila. Hahaha! "

Bahagya akong natawa at napailing na lang habang nagsisindi ng panggatong upang makapag-painit ng tubig.

" Hayaan mo, mawawala din 'yan pagdating natin doon bukas. "

" Anong bukas? "

Natatawa na tanong ko habang abala sa pagpapa-apoy.

" Este, mamaya pala. Sige na, tutulungan ko pa sila mama na magluto ng almusal para mamaya. "

" Sige, mamaya na lang ulit. "

" Bye, bye! "

Ibinaba ko na ang cellphone at inilapag ito sa mesa. Saka naman ako naglakad papuntang kusina upang tignan kung ano ang p'pwede kong lutuin para sa almusal namin. May nakita akong apat na perasong tuyo at mga kamatis.

" Kasya ba 'to? "

Sa isip- isip ko habang nakatingin sa isang balot ng tuyo. Napabuntong hininga kasunod nang muli kong pagsilip sa bayong na nakasabit kung saan ko rin nakuha ang tuyo, nagbabakasakali na may makita pa ako na pwedeng lutuin.

" Oh, ikaw pala 'yan. "

Napapitlag ako nang marinig ang boses ng isang matandang babae mula likuran ko at agad na napatingin doon.

" Nanay... 'wag ka naman manggulat. "

Sambit ko habang nakahawak sa dib-dib. Pano ba naman kasi, nakasuot pa ito ng bistidang puti at nakaladlad ang buhok.

" Gulat? eh, ikaw nga itong nakakagulat. Akala ko eh, nilooban na tayo. "

Giit naman nito kasabay nang paglalakad palapit sa may lababo at kumuha ng tubig mula sa galon.

" Nagising ko po ba kayo? "

Malumanay na tanong ko dito habang hinahanda ang mga gagamitin ko sa pagluluto. Hindi ito sumagot at tumabi lang sa inuupuan ko.

" Ano ba itong lulutuin mo? "

Tanong pa nito habang nakasingkit ang parehong mata na inuusisa ang mga nakalapag na rekado sa mesa.

𝐋𝐎𝐕𝐄 by 𝐍𝐀𝐓𝐇𝐀𝐋𝐈𝐄Where stories live. Discover now