❀ CHAPTER 1 ❀

17 16 3
                                    

NATHALIE'S POV

ISANG linggo na ang lumips at bukas ay ang unang araw ko sa kolehiyo. Halos araw- araw ko nga palang inaabangan sa may hagnana 'yong lalake, pero hindi ko na ito mahagilap.

" Naisipan ko nga na doon na matulog sa hagdan makita lang siya ulit at nang makapag pasalamat man lang. "

Wal sa sariling lintayan ko habang nakaupo dito sa sofa at nakapangalumbaba na nakatingin sa labas ng bintana. Ala- singko na ng hapo at naghahanda nasi Maureen sa uulamin namin para sa hapunan.

Nagprisita kasi ito na siya na lang ang magluto ako na lang daw bukas. Narinig ko ang bahagyang pagtawaa ni Maureen sa may kusina dahilan nang pagbaling ko dito.

Natatawa nitong pinatay ang tubig sa gripo saka ito tumingin sa direksyon ko. Sumandal pa ito sa may lababo habang agpupunas ng kamay bago magsalita.

" Eh, bakit mo naman kasi gustong makita? May gusto ka dun noh? "

May halong panunukso pa na sabi niya. Pabiro akong umirap dito saka ulit ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Wala sa sarili ulit akong napangiti nang bumalik sa ala- ala ko ang poging itchura niya.

" Ooouy, Nakangiti! "

Nagulat ako sa biglang pagkalabit ni Maureen sa balikat ko. Lumundag pa ito paupo sa tabi ko at nakangiti nang sobra sakin bago nagsalita.

" Sabihin mo... yummy ba si kuya napkin? "

Puno nang pananbik na pagtatanong pa niya na may halo paring panunukso. Natawa ako sa tanong nito pero tumugon parin ako nang pagtango dahil toto naman na may kagwapohan 'yong itchura niya.

" Aaay! bongga ka, Nathalie! hahaha-- teka? hindi mo pala naitanong 'yong pangalan niya noh? "

" Ni- hindi ko nga rin siya napasalamatan. "

Buntong hininga na tugon ko dahil sa panghihinayang. Tumayo na si Maureen, at naglakad pabalik sa kusina.

" Hay, naku! Kung ako sa'yo kinatok ko na  ' Lahat ' ng pinto dito sa building. "

Rinig kong suhisyon nito sa siya namang ikinatawa ko ng bahagya. Habang nagmumuni- muni ay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Unknown number ang nakalagay pero alam kong sila nanay at tatay lang 'to kaya agad ko itong sinagot.

" Tatay! kamusta 'ho kayo dyan ni Nanay? "

Nakangiting bungad ko sa kabilang linya. Ngayon lang kasi ako nakatanggap ng tawag mula s kanila dahil wala naman itong nagagamit na cellphone. Isa rin sa dahilan ay hindi marunong ang mga ito sa paggamit nun.

" Tatay? "

Buong pagtataka na tanong ko kasunod nang pagtay. Bago ko napadisisyonan na lumabas ay suminyas muna ako kay Maureen at tumango naman ito bilang tugon.

" Hello, Tatay? "

Pag- uulit ko nang wala parin akong marinig na tugon. Tinignan ko ang screen ng cellphone upang tignan kung naka open call paba kami ni Tatay.

" Hmm... Hello, Tatay? naririnig mo ba 'ko? "

Humakbang ako at ngalakad ng kaunti palapit sa gilid ng terrace.  Ipinatong ko ang dalawang siko dito sa may simento habang inaantay parin ang pagsasalita ni Tatay.

[ " H- hel-- nak- thalie? " ]

Kunot noo kong itinaas ng bahagya ang pagkakahawak ko sa cellphone upang makahagilap ng signal.

" Hello, Tay? "

Malakas na pagkakasabi ko habang nilalakasan din ang volume ng cellphone.

[ " Hello, " ]

𝐋𝐎𝐕𝐄 by 𝐍𝐀𝐓𝐇𝐀𝐋𝐈𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon