❀ Chapter 2 ❀

17 19 2
                                    

NATHALIE'S POV

UWIAN na namin, tahimik lang akong naglakad sa isang hallway habang ang iba ay masayang nakikipag kuwentohan sa mga bago nilang kaklase't kaibigan. Biglang pumasok sa isip ko 'yong lalaking katabi ko kanina habang pababa ng hagdan.

“ Asuncion? ”

Wala sa sariling usal ko habang patuloy ra pag hakbang pababa. Pagdating sa ground floor ay mas lalo pang dumami ang mga studyanteng kakalabas pa lang ng kanya-kanya nilang classroom. Huminto ako pansamantala at nilibot ang tingin sa paligid saka bahagyang napangiti.

" Nakakatuwa "

Ang saya lang isipin nang mapagtanto kong andito na pala ako sa lugar kung saan magsisimula ang pangarap ko na mabuo. Napabuntong hininga ako bago ulit nagsimulang maglakad. Sa paglalakad ay na aninag ko ang pigyura ng isang pamilyar na lalaki sa di kalayuan.

Nakatalikod ito mula dito sa kinatatayuan ko pero alam kong siya 'yon. Humugot ako ng isang malalim na pag-hinga at lakas loob na naglakad para lapitan siya at pasalamatan sa ginawa niyang kabaitan sa'kin. Chance na rin ito para humingi ng pasensya sa nagawa ko kanina. Nang dahil sa'kin nahuli siyang natutulog at napagalitan pa.

Nakangiti akong naglakad palapit sa kanya. Hindi paman ako nangangalahati ay napahinto na agad ako nang makita ang ko 'yong babaeng nakasabunotan ko kanina. Masigla itong lumapit sa lalaki at saka ito mabilis na hinalikan. Agad napatalikod dahil sa gulat.

“ Girlfriend niya? ”

Gulat na gulat na pagkakasabi ko sa sarili saka ulit nagsimulang maglakad paalis. Hindi na ko lumingon pa at dumeretsyo na sa pag-uwi. Pagka-uwi ko ay naabutan ko si Maureen na abala sa ginagawa niyang pagluluto.

“ Welcome home, anak! Kamusta ang first day of school? ”

Pabirong sabi pa nito habang nakangiti ng sobra. Napa-iling na lang ako habang nakangiti ng bahagya saka naglakad papasok at dumeretsyo nang upo sa sofa. Dahil sa pagod ng pagbyahe ay napahilata agad ako.

“ Huy, sa school ka ba talaga galing o sa trabaho? Daig mo pa full time worker! ”

Pagsita pa nito. Gumalaw ako at tumagilid paharap sa direksyon niya saka ako sumimangot at nagbuntong hininga.

“ Ang malas ng araw ko, Mau... ”

Buntong hininga na sambit ko na siya namang ikinakunot noo niya. Saglit nitong tinakpan ang ang niluluto sa kaserola at saka pinahinaan ang apoy bago naglakad palapit sakin.

“ Bakit? May nang away ba sa'yo-- sino 'yan nang magantihan? ”

Paninidigan pa nito kasunod nang pagsalampak sa sahig upang mag-pantay ng mga mukha namin.

“ Hindi lang 'yon... ”

Sambit ko at mas lalo pang napasimangot nang maalala ko ang pagkikit namin ulit nung lalaki. Parang nag flashback lahat ng nangyare sa kanina. Ang sakit sa ulo isipin.

“ Huy! Magkuwento ka nga. Nagmumukha kang baliw sa pagmumokmok mo dyan. ”

Pagsita nito na sinabayan niya pa nang pabirong pag-hampas sa balikat ko.

“ Haayy... Ang sakit sa ulo isipin. 'Wag na lang natin pag-usapan-- ”

“ Anong hindi?! Hindi pwede! Walang kakain hangga't di ka nag kukuwento. ”

Natawa ako sa naging reaksyon nito kaya nalabalikwas sa pagkakahiga at naupo. Sumenyas ako sa kanya na tumabi sakin at mabilis naman itong lumipat sa tabi ko. Nakasandal ako sa balikat nito habang ikinukwento ang mga nangyare sa akin ngayong araw.

May nakakatuwa at meron din namang nakaka-inis. Kakatuwang isipin na sa maiksing panahon na pananatili ko dito sa manila ay ganoong pagsubok na agad ang naranasan ko. Alam kong hindi pa ito 'yon, alam kong hindi lang ito 'yon, marami pa at kahit anong pagsubok pa man 'yan, hinding hindi ako aatras.

𝐋𝐎𝐕𝐄 by 𝐍𝐀𝐓𝐇𝐀𝐋𝐈𝐄Where stories live. Discover now