❀ CHAPTER 3 ❀

5 2 0
                                    


PAUL'S POV

" Sup, dude! "

TUMANGO ako kay Ivan bilang tugon kasabay nang pakikipag- feast bump ko rito, kararating pa lang nito na agad rin naupo matapos akong batiin. Umupo ito sa bandang unahan ko, naging abala naman agad ito sa pakikipag daldalan kaya napadikwatro na lang ako dahil sa sobrang pagkabagot. Kaninang alas- dose pa 'ko nandito sa second subject ko, which is philosophy.

Kaninang alas- dyes naman nagsimula ang fisrt major subject ko kaya palagi ako ang nauunang makapasok sa subject na 'to. Napahikab ako nang makaramdam ng kaunting antok kaya isinandal ko muna ang ulo sa may bintana at saka pumikit.

" Hey, Paul! "

Kalabit sa akin ni Ivan pero hindi ko ito pinansin at ipinagkrus lang ang parehong braso saka humalukipkip sa gilid nitong pader.

" Your girlfriend, Fiona. She asked me to say this to you. ” panimula pa nito kasunod nang pag tikhim. Bahagya akong nagmulat para tignan ang sunod na gagawin nito. “ Tell him that... I want him to eat lunch with us ok? co'z I missed him so damn much! got it? ”

Dugtong nito habang ginagaya kung paano gumalaw at magsalita si Fiona. Napaismid lang ako kasabay nang pag iling saka muling ipinikit ang mga mata. Kahit nakapikit ay napapa-isip parin ako kung bakit parang pakiramdam ko ay nagbago ng sobra si Fiona. Pakiramdam ko ay nawala na nang tuluyan iyong babaeng minahal ko ng sobra.

" Hindi na siya tulad ng dati... She changed a lot. "

Saglit akong napabuntong hininga kasunod nang marahan na pagmulat matapos kong maamoy ang isang mabangong bagay.

Palihim akong napatingin sa gilid ko at doon nakita ko si Nokia na kakarating lang din at umupo na sa katabi kong upuan. Napatitig ako sa mahaba at tuwid nitong buhok na halatang- halata sa pagiging natural.

" I mean ... You can clearly see that all her aspects are so natural. "

Sa isip- isip ko habang nakatitig pa rin rito. Kitang kita ang pagiging natural sa itsyura nito, kahit kolorete sa mukha ay wala. May pagka morena ang balak nito. Mapupungay din ang mga mata nitong nahahawig sa kulay ng kalawang kapag- nasisinagan ng araw.

" Bakit? "

Biglang sambit nito dahilan para mapagtanto ko na nakatingin na rin pala ito sa akin. Mabilis kong iniwas ang mga tingin sa kanya at ibinaling ito sa labas ng bintana. Hindi ko na inalis pa ang mga tingin ko doon dahil sa kahihiyan hanggang sa magsimula na ang klase.

Habang nagsisimula na sa lesson ang prof namin ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mapatingin sa puwesto ni Nokia. Hindi ko alam kung anong problema nitong mga mata ko at bakit sa gawi pa ni Nokia palaging napapatingin.

" Maybe because of her, being so natural and funny sometimes? "

Sa isip- isip ko. Wala sa sarili akong napa- ismid na naging dahilan para makuha ko na naman ang nagtataka nitong atensyon. Mabilis kong ibinalik sa harapan ang tingin at nagkunwari na walang nangyare.

Nagawa ko pang sumulyap sa kanya ulit na agad ko ding pinagsisihan. Napako ako sa sariling posisyon nang makita itong nakatingin pa rin pala sa akin.

" What? " Patay malisya at naka kunot-noo na tanong ko. “ Is there something special about my face for you to stare at? ” Pairap itong nag- alis nang tingin sa'kin saka ibinaling ang atensyon sa mga sinusulat nito sa notebook. Nagbuntong hininga ako at palihim na napapikit ng mariin.

" What the hell, Paul?! umayos ka nga! "


❀❀❀

NATHALIE'S POV

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐋𝐎𝐕𝐄 by 𝐍𝐀𝐓𝐇𝐀𝐋𝐈𝐄Where stories live. Discover now