Chapter 6

32 5 2
                                    

Aside from ruining someone's self esteem and triggering girl's insecurities, the reason why the Date with the Noble is important, is because the gifts that they are giving us will serve as our individual budget. That's where we get our groceries and some things that we want. 

'Yon bale ang bumubuhay sa'min. So meaning, kung maraming ang suitor, mas marami ang maiibak na pang araw araw pati na rin mga extra luho. Ang mga Noble kasi ang gagastos no'n at hindi ang eskwelahan. 

Yung mga groceries, ibibigay nila sa Main Officers, at yung mga extra luho naman ay diretsong binibigay sa mga nililigawan nila.

Kaya kung medyo kaunti ang suitors, sakto lang din pang tawid sa buong linggo. At yung mga babaeng walang pumiling makipag date, wala din silang groceries at makakain sa supper area. Kasi kahit na sine-serve sa'min yung foods, isa-scan naman ang high tech bracelet namin para ma-monitor yung mga pinagkukuha namin.

Fuck up, I know. 

Because the prettier you are, the more you're going to live prettily. Buti nalang talaga ay mababait naman 'yung ibang mga matataas ang ranggo sa Visual Ranking. May palihim na nagbibigay ng snacks, ng mga naipuslit na pagkain pati ng ibang mga gamit na kailangan 'din ng iba. 

At kung minamalas nga naman, dahil mayroong punishment ang buong Spade Club, one month ding hindi gagana ang bracelet namin sa mga scanner.  Kami ngayon ang manghihingi ng pagkain sa iba naming mga schoolmates. 

"Aaaaaaaah!" 

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa panggawang ‘yon ni Val. Kita mo, nakapagbihis na kaming lahat at kasalukuyang nililinis ang supper area, pero heto parin siya at reklamo ng reklamo. 

Talagang naisipan niya pang mag low pigtails tapos magmamaktol kasi sobrang init.

“Val, huwag ka ngang gan'yan. Dali na tumayo ka at tumulong para mas madali tayong matapos.” Tinapik ko ang binti niya gamit ang walis tambo na hawak. 

Humandusay ba naman kasi sa long table at paguutusan ‘yong mga first year. Ni hindi ko nga alam kung bakit ang hilig niya mahiga sa kung saan saan na parang pusang gala. 

“No, I'm hungry.” Gumulong ito sa kabilang dako patalikod sa ‘’kin. And excuse me? Why does his waist look slimmer than mine?

Suminghal ako. “Pakakainin talaga kita ng tsinelas kapag hindi ka tumulong dito, isa!” 

Nakanguso siyang bumangon at hinablot yung feather duster sa sahig. Naririnig ko parin mga mahihina niyang ngawa pero bago pa man ako makapagsalita ay biglang may sumitsit sa gilid namin. 

Dahil malapit kami sa pinto palabas sa quadrangle, sinubukan kong sumilip at doon nadatnan ‘yong mga kaibigan ni Val na kumakaway. Sina Artemis at Noelle. 

“Val tawag ka ng mga kaibigan mo,” agad kong saad at magpapatuloy na sana sa ginagawa pero bigla din akong hinila ni Noelle. 

“Kasama ka, sira. Tawagin niyo rin iba niyo pang mga kasama, may mga dala kaming pagkain at tubig.” 

Pakiramdam ko ay kumislap ang mga mata ko dahil sa narinig at maging si Val ay agad na ring nagsisigaw at nagtatakbo para tawagin ang lahat. 

“Super thank you sa pagkain mga sissy! Huhu!” bulalas ni Aces nang nakapabilog naming pinagsaluhan ang mga pagkain. 

“No problem, alam kasi naming habang buhay na magdadrama ‘tong si Val kapag hindi siya pinakain,” natatatawang saad ni Noelle at sinulyapan si Val na tahimik nang kumakain ng tinapay doon sa isang sulok. 

Maliban kila Artemis, meron ding iba pang mga kaibigan ang iba naming club members na nagbigay rin ng mga pagkain. Sabi nila hindi naman daw sila pinagbawalan ng Main Officers na magbigay. Desisyon daw nila ang masusunod kung papakainin ba daw nila ang mga prankster na tulad namin. 

murder like a woman Where stories live. Discover now