sage's prose and poetry

148 10 13
                                    

mga sinulat ko sa tissue ng jollibee @tissuenisage

balwarte mo ako.

ikulong mo ako sa pagmamahal mo. angkinin mo ako na para bang isa ako sa mga bagay na ayaw mong mawala sa 'yo. ipagdamot mo ako gaya ng mga awiting ayaw mong iparinig sa mundo.

habang ako, hayaan mo akong ipakilala ka sa bawat papel, tissue, karton, o kahit scratch paper. hayaan mo akong sumulat ng maraming tula at kwento na ilalagay ko sa bawat papel na makikita ko nang sa ganoon, makikita ng mundo kung paano kita nakikita, mahal ko.

— sage

mga sinulat ko sa tissue ng jollibee @tissuenisage

minsan napapaisip ako kung hinihiling ba ng araw at buwan na hindi na sila magsalisihan? o sumasabay na lang sila sa gusto ng kalawakan kung saan binibigyan sila ng sariling oras kung kailan sila sisibol at lilisan.

— sage

mga sinulat ko sa tissue ng jollibee @tissuenisage

Sa bawat pasada,
Sa lahat ng ruta,
Sa Pilipinas palagi ang punta
At pagbaba.

Hindi naman masama ang pag-angat
Hindi rin masama ang pagbabago
Pero sana sa bawat pagbabago,
Walang maiiwang mga Pilipino.

#notojeepneyphaseout

— sage

mga sinulat ko sa tissue ng jollibee @tissuenisage

how do you see yourself in the next ten years?

ano ba ang isasagot ko rito?
madali sa iba na sabihin kung ano sila
sa susunod na sampung taon
pero bakit nahihirapan ako?

magaling naman ako mag-drawing
pero bakit hindi ko nakikita ang sarili ko
na maging isang arkitekto?

magaling din ako kumanta
pero hindi ko nakikita ang sarili ko
na tumutugtog at gumagawa ng musika.

magaling din ako sa public speaking
alam ko ang lalabas sa bibig ko kapag nasa harap na 'ko
pero kahit ganoon
hindi pa rin gusto ng puso ko na gawin 'yon
sa susunod na sampung taon.

sino ba talaga ako?
ano ba talaga ang gusto ng puso ko?

bakit sa tuwing naririnig ko ang tanong na 'yon
hindi ko maiwasang makaramdam ng takot
natatakot akong maiwanan ng iba
natatakot akong baka sa susunod na sampung taon,
ganito pa rin ang sagot ko.

hindi ko alam. hindi ko pa alam.

— sage

tulak ng bibig, kabig ng dibdibWhere stories live. Discover now