Chapter 32: Second Time

1.8K 66 3
                                    

Chapter 32: Second Time




"Someone used the Sunstone and it has Healing power?" ulit na tanong ni Kazuki sa amin.

Sabay naman kaming napatango ni Kura. Sinabi namin lahat ng nangyari sa amin kanina. Lumubo naman ang nguso ni Fuma ng marinig ito, "Halos hindi kami kumain para lang mag-hanap!" ani niya.

Agad namang humalakhak si Kura, "Basta kami andami naming kinain!" tukso niyang ani.


Ngumuso lang si Fuma at hindi na sumagot sa kanya.


"So, they're planning to give it tomorrow?" tanong ni Kazuki at tumingin sa akin.

Tumango ako. "They insisted. Hindi nila ito ibibigay."

Tumango naman ito sa akin.

"Ang pangit rin kong sapilitan namin itong kukunin." dagdag ni Kura.


"Good. Let's rest for today." tanging saad ni Kazuki sa amin.

Napatango naman ako habang tumatalon sa tuwa sina Kura at Fuma. "Can we go out?" she excitedly asked.

Tumango lang si Kazuki sa kanya bilang tugon. "Tayo na, Haruka!"

"Let's go, Kazuki!"

Sabay pa nilang sigaw ni Fuma. Ngunit agad akong umiling, ngumuso naman ang dalawa at nakita ko ring umiling din si Kazuki. Napa-iwas naman ako ng tingin ng lumingon ito sa akin.


"I am too tired. Mag-iingat kayo." malamig na sagot niya.

Sabay naman kaming napalingon sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Patago akong napangiti.

"Mag-iingat? Nag-iba na si Kazuki!"

"Omo?"

They exclaimed. Napa-iling nalang ako at walang ganang tumalikod sa kanila. Gaya ko hindi na rin pinansin ni Kazuki sila Kura at humiga na ito sa isang kamang nandito.

"Bibili lang kami ng makakain natin!" malakas na sigaw ni Kura bago sila umalis ni Fuma sabay  sara ng pinto.


Namayani ang katahimikan pag-alis nilang dalawa. Pinigilan ko ang sarili kong lumingon sa gawi niya at tukuyin kong ano ang ginagawa niya ngayon.

"Look---"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Kazuki ng sabay kaming napatingin sa isat-isa. I sense a nyxia is approaching to us. This is not from Kura nor Fuma. Someone is coming for us. Napatitig kami sa may pintuan. Hanggang sa nakarinig kami ng paulit-ulit na katok.

Sabay kaming tumayo ni Kazuki. Siya na mismo ang nag-bukas ng pintuan at binungad kami ng humihingal na Maki. Kumunot ang noo ko ng makita ang itsura niya. Pinaghalong matinding takot at pagod ay bakas sa mukha niya.

"Who are you?" malamig na tanong ni Kazuki.

"Siya ang apo ng may-ari sa isang Sunstone." mahinahon kong sagot kay Kazuki. Inilipat ko ang tingin kay Maki. "Anong nangyari, Maki?" deritso kong tanong kay Maki.


"Si Lola... sapilitan siyang k-kinuha." nanginginig niyang ani.

Bigla kaming na-alerto ni Kazuki. It happened again. Someone was trying to get the Sunstone other than us. They're here again!

"Who are they?" malamig na tanong ni Kazuki.

"They're wearing a robe." tanging sagot ni Maki sa kanya.

Verdentia Empire: Endless RebirthΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα