Who are you? the real you!

3.8K 109 0
                                    


"Sam Pov"

"Moo tahimik mo kanina ka pang umaga ganyan, gusto mo pag usapan?" kanina ko pa kasi napapansin ang pagiging tahimik niya. Mas lalo pa itong tumahimik pagbalik niya galing faculty.

Tinanong namin kong sino yong taong pinuntahan niya sa faculty, pero ang sagot lang niya ay may taong kumukuha sa kanya para kumanta.

Pero tinanggihan niya dahil ayaw niyang siya lang mag isa one for all, all for one nga daw sila kaya walang iwanan.

"Diba? Sabi ko ikaw lang ang nasa mind and heart ko. Kaya don't worry love, ikaw lang talaga.'' Ngumiti ito pero alam kong fake smile ang ngiting yon at sa likod niyon parang ayaw ko malaman pa kong ano ang tinatago ng ngiting yon.

"Bolera! Wag mo nga akong daanin sa ganyan. May kasalanan ka pa sa akin kanina." Bumangon ako sa pag-kakahiga nandito kami kasi ngayon sa apartment niya at nakahiga sa kama habang naayakap sa kanya.

Minsan dito na ako natutulog may mga damit na nga ako dito.

May mga nalaman na rin ako sa kanya simula sa likes and dislikes niya, alergy lahat yon inalam ko kong ilan silang mag kapatid at nasa other country mom niya pero pag dating sa dad niya, iniiba niya ang usapan pero hinayaan ko nalang.

"About that sorry, tinutukso na kasi tayo kanina e." paliwanag niya.

"So kinakahiya mo pala ako?" with taas kilay.

Bumugtong hininga naman ito nakatitig lang ito sa akin. Nakakapaso yong mga titig niya.

"Aiiiiiiiii!!!!!" Tili ko dahil sa pagkakagulat.

Bigla ba naman ako hinila, kaya napadapa ako sa dib-dib niya at kong makayakap parang mawawala naman ako.

"Kahit kailan always remember that hinding hindi kita ikakahiya alam kong bakit?" umiling iling lang ako.

"Kasi maganda, mabait ka kahit hindi yon alam ng iba. Minahal kita kasi ikaw si samantha Liu dahil your the one na nagpatibok nang mabilis sa pihikan kong puso at kailan man hindi kita ikakahiya kasi minahal kita bilang ikaw at pinapakita mo kong sino ka talaga . Kaya mahal na mahal kita." Grabe ha kong magpakilig talaga tong moo ko wagas aiiiiii..... Kaya mahal na mahal ko ito e.

Bilang ganti sa sinabi niya niyakap ko nalang ito ng mahigpit tumagal kami sa ganong position ng mga limang minuto siguro napa upo ulit ako dahil sa may naalala ako.

"Moo wala ka bang nalala lng occasion sa susunod na araw?"

Sandali itong nag isip at naka lagay pa sa baba niya yong daliri niya.

"Wait mmmmmhh, wala naman ahh. why?"

Wag niyang sabihin na kinalimutan niyang sa susunod na araw monthsary namin.

"Wala ka talagang na aalala kahit ano?"

"Wala nga ano ba kasi yon?"

"Nothing tulog na tayo!" Pagalit na humiga ako sa tabi niya at nag talukbong ng kumot. Bweset siya talagang kinalimutan niya sa lahat pa talaga ha! Yong important day namin ang kinalimutan niya.

"Okay goodnight!" Sagot nito.

Ah so ganun nalang yon? Hindi niya ako pipilitin na sabihin kong ano yon! Bweset! Nakaka BV kaya hinayaan ko nalang natulog nalang ako bago tuluyang pumikit ang mga mata ko naramdaman kong may yumakap sa akin.

Napangiti ako mahal ko talaga itong katabi ko.

---------------------------

Nagising ako nang may humahalik sa dulo ng ilong ko. Kaya napamulat ako at niyakap ang taong nagpapasaya sa akin ngayon.

Be mine Ms. Brat [editing] (GXG)Where stories live. Discover now