WARNING SIGNS #8: Beware of the words It's okey

10 3 0
                                    

"Erich at Aaron! Erich at Aaron! Erich at Aaron!" paulit-ulit na isinisigaw ng mga ka-trabaho namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Erich at Aaron! Erich at Aaron! Erich at Aaron!" paulit-ulit na isinisigaw ng mga ka-trabaho namin.

Nandito kami ngayon sa isang birthday party. Birthday kasi ngayon ng boss namin at nagpa-party ito. Syempre, invited lahat ng mga nagtra-trabaho sa kanya.

Mag-iisang taon ko nang boyfriend si Aaron. Sweet naman siya sa'kin at mabait. Actually, yung relationship namin ay tago. Secret relationship lang muna kami dahil hindi pa kami handang ipaalam sa lahat.

Hindi siya showy sa'kin kapag nakaharap kami sa mga ka-trabaho namin at naiintindihan ko yun. Pero sweet naman siya sa'kin kapag kaming dalawa lang.

"Erich at Aaron! Erich at Aaron! Erich at Aaron!" sigaw ulit ng mga ka-trabaho namin.

Ang game naman kasi ngayon ay yung magtatapat yung mukha ng dalawang player at sa gitna nila ay may ilalaglag na maliit na papel. Kapag nasalo ng bibig nilang dalawa, panalo. Pero kapag hindi, magdidikit ang mga labi nila.

"Erich at Aaron! Wag na kayong mga kj diyan."

"Ohhh... hell no!" kunwaring maarteng tanggi ni Erich.

"Mga pre, hindi na. Hindi na ko sasali diyan. Kayo na lang..." pagtanggi naman ni Aaron.

"Tss! Ang k-kj naman. Tayo na kayo bilis!"

Parehas silang hinila patayo ng mga ka-trabaho namin. Paayaw-ayaw pa si Erich e parang gustong-gusto naman.

Napalingon sa'kin si Aaron na para bang nagtatanong at nagpapaalam sa'kin. Tumango ako at sumenyas ng thumbs up.

"It's okey..." bulong ko.

Nginitian ako ni Aaron at kinindatan. Nagkatitigan na sila Erich at Aaron na para bang may chemistry na ipinipilit ang mga ka-trabaho namin.

"Go, Erich at Aaron! Kaya niyo yang dalawa!"

Pumwesto na yung dalawa na magkaharap. Yung mga ka-trabaho namin, masayang-masaya at kilig na kilig. Habang ako, lihim nang nasasaktan at naiinis at napipikon at naasar.

Hindi lang ito ang unang beses na nangyari ang gan'to. Madaming beses na. Ilan sa mga nangyaring gan'to e nung araw na nag vacation kami sa boracay tapos sila Erich at Aaron ang pinagtabi sa kama.

Isa pa, nung araw ng pasko. Sila Erich at Aaron ang ginawang partners. At madami pa! Basta sobrang daming beses na. At nasasaktan ako.

Sinabi ko na kay Aaron na mas magandang sabihin na namin ang totoo para hindi na siya ipares pa sa Erich na yun. Pero ang sabi niya, napakaaga pa raw.

Sa totoo lang kasi, nasasaktan na ko sa mga nangyayari. Yung mga ka-trabaho namin, patuloy sila sa pangangantsaw sa dalawa. Syempre, hindi nila alam na may gf na si Aaron e.

Lumingon pa sa'kin si Aaron at ngumiti. Nginitian ko siya pabalik at tumango. Nagulat pa siya nang biglang hawakan ni Erich ang pisngi niya at iharap sa harapan. "Focus, Aaron..."

Nagsimula nang ipwesto sa gitna ang maliit na papel. Magkaharap na ang dalawa at nagtititigan. Mga titig sa isa't-isa na para bang may ibig sabihin.

"One, two, three..." at binitawan na ang papel.

Napaigtad ako nang hindi nasalo ng mga labi nila ang papel. Naglapat ang labi ng dalawa. Balak na sanang alisin ni Aaron yung labi niya pero tuluyan na yung hinalikan ni Erich. Mapusok, malagkit, may halong pagmamahal.

Dahan-dahan akong napa-atras ng lakad dahil sa nakikita ko at hindi ko sinasadyang masagi ang vase. Sabay-sabay na napalingon sa'kin ang lahat, maging sila Erich at Aaron.

"Thea..." banggit ni Aaron sa pangalan ko.

Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya at nilapitan ako. Tuluyan na ngang nagbagsakan ang mga luhang pinipigilan ko. Nanginginig ako ngayon at pinaglalambutan ng mga tuhod.

Pilit akong hinahawakan ni Aaron pero agad ko na siyang iniiwasan. "I'm sorry, Thea. Hindi namin sinasadya yun."

Agad ko siyang nasampal dahil sa sinabi niya habang pinaglalandasan ng mga luha. "Hindi sinasadya? HAHA! Wag ako, Aaron... please. Wag ako ang lokohin mo..."

"W-wala lang talaga yun, Thea..." umiiyak na rin si Aaron ngayon.

"Para ka namang tanga, Thea. Parang yun lang e. Ano naman kung halikan ni Erich si Aaron?" tanong ng isa sa mga ka-trabaho namin.

Dinuro ko ito nang may halong panggigigil. "Hindi ako tanga! Boyfriend ko si Aaron! Boyfriend ko siya! At nasasaktan ako sa tuwing ipinapares niyo siya diyan sa babaeng yan! Nasasaktan ako!"

Pilit pa rin hinahawak ni Aaron yung mga kamay ko pero iniiwas ko na yun sa kanya. "I'm sorry, Thea..."

Inalis ko yung mga kamay niya sa braso ko. "Sorry, Aaron... pero ayoko na. Masyado nang masakit ang lahat. Masyado nang sagad. Pagod na ko, Aaron. Ayoko na..."

Mabilis akong lumabas sa kwarto kung nasaan kaming lahat. Tanging stereotype speaker na may tugtog pang-disco at iyak ni Aaron ang naririnig sa kwarto.

Agad na kong umalis sa lugar kung nasaan sila. Magre-resign na ko dahil ayoko na silang makita pa.

Kasi... pagod na kong magpanggap na ayos lang ako. Pagod na kong makita silang dalawang magkasama. Pagod na kong marinig ang mga boses ng mga ka-trabaho namin na kinakantsawan sila. Pagod na kong itinatago lang.

Ayoko na. Pagod na kong magsabi na okey lang ako. Actually, it's not okey to say 'it's okey' lalo na kung hindi ka naman talaga okey.

WARNING SIGNS ⚠︎Where stories live. Discover now