"Hindi ka na dapat nag punta."

Tipid kong nginitian si Paul na nakatitig sa akin gamit ang mga matang nag aalala.

"Okay lang ako." Saad ko bago pilit sinilip ang simbahan sa kanyang likod. He tried to block my view.

Pumalatak siya, "Tol, alam mo ang bawal sayo."

Tumango ako sa kanya. I know what he's trying to do and I appreciate it. Pero gusto ko. I think this is what I need to do.

"I know, Kuya Paul. I just... want to."

Tinitigan niya ako at sa huli, wala siyang nagawa sa gusto ko. Inalalayan niya ako habang tahimik kaming pumapasok sa simbahan.

Sabi nila, Manila Cathedral is one of the most beautiful churches in the Philippines and in my opinion, dapat isali din nila ang Metropolitan Cathedral of Saint Sebastian or also known as Cathedral de Lipa sa isa sa pinaka magagandang simbahan sa buong Pilipinas.

In a Latin cross layout, the cathedral was built in Neo-Renaissance style. Sabi nila, nasira na raw ito noong World War II sa panahon nang mga Hapon at inayos na lang muli noong 1957. Dahilan para mas mapaganda pa ito lalo.

Mas maganda pa ito ngayon dahil puno ito ngayon ng mga puting mga bulaklak. Naupo kami sa gitnang parte ng simbahan habang nag sasalita ang Pari sa unahan. Mahaba ang aisle ng simbahan na ito kaya kung pipiliin kong sa dulo maupo ay hindi ko na makikita pa ang unahan.

Hindi ko mapigilan hindi titigan ang mga tao sa pinaka unahan. Hindi ko man makita nang malinaw, alam ko kung sino ang taong 'yon.

Who would've thought? Hindi ko rin naman inasahan na ganito pala ang mangyayari.

"Ace,"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Umupo siya sa tabi ko at marahan na tinapik ang aking balikat.

"Christian." Pag bati ko sa kanya at saka siya nginitian.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan pinisil 'yon. Kumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Nasaan ang asawa mo?" Tanong ko sa kanya.

Naging ka-close ko lang naman si Christian n'ong panahon na kami pa nang pinsan niya. Nag uusap pa rin naman kami, pero hindi na palagi. Minsan, kamustahan na lang din.

"Nasa bahay. Masama ang pakiramdam dahil sa pag lilihi kaya hindi ko na naisama. Dumalaw ka minsan kasi sa amin." Aniya

Ngumiti lang ako at itinuon ang sarili sa nagsasalita sa unahan habang nag usap naman si Kuya Paul at si Christian.

Tahimik ang buong simbahan habang nagsasalita ang Pari. Minsan ay mag tatawanan dahil sa joke nito pero mas madalas ang katahimikan. Masaya ang lahat.

Alam ko rin naman sa sarili ko na masaya rin naman ako para sa kanya, ngunit, hindi ko maipagkakaila na may sakit pa rin akong nararamdaman.

Tumayo ang bride at groom sa unahan hudyat na ng palitan ng singsing. Maganda ang bride sa postura nito at lalo na dahil sa gown nitong suot. Puting puti at mahabang mahaba katulad ng veil niyang lumagpas pa nang hagdanan ng altar.

Dahan dahan ko nang nararamdaman ang kutsilyong ako mismo ang nagtarak sa puso ko na bumabaon pa lalo sa akin.

"Levi, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Kira, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habang buhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Christian at napapikit na lang. Ayokong marinig ang sagot niya ngunit alam kong ito ang kailangan ko upang makalimot na.

"I do," Mahinang sagot niya sa Pari ngunit rinig na rinig ko ang bawat salita.

Isang malakas at pinong tunog ang sunod kong narinig mula sa aking tenga. Para bang may sariling utak ang tenga ko para mag labas ng isang tunog na ako lang ang makakarinig at hindi na makarinig pa nang ibang tunog bukod d'on.

Niyakap ko ang ingay at katahimikan ng buong puso at sobrang higpit hanggang ang bigat na nagmumula sa aking puso ay iwanan pati ang aking kaluluwa.

Hindi ko na napigilan ang humagulgol nang tahimik habang panay ang pag alo nang dalawang kaibigan sa aking tabi. Hindi ko alam kung paano ko nagawang umiyak gayong walang kahit na anong tunog ang lumalabas sa aking bibig.

Hinawakan ko ang sariling dibdib upang maibsan ang sakit na nagmumula rito, ngunit kahit na anong haplos at hawak pa ang gawin ko, hindi na mawawala pa ang sakit nito.

Hindi ko na halos maintindihan mo ang mga sunod na nangyari pa. Ang alam ko na lang ay binibitawan ko na ang mga salita mula sa vow na ginawa ko noon para sa kanya.

Ako ang pinangakuan niyang pakasalan, ngunit hindi ako ang kasama niya ngayon sa altar.

Nagpalakpakan ang lahat at tumayo isa-isa ang mga bisita. Tapos na. Tapos na ang kwento naming dalawa habang mag uumpisa pa lang ang kanila.

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan at naglakad na palabas ng simbahan bago pa ako maunahan nang lahat.

Isang lingon ang ginawa ko para makita siyang muli at alam ko na sa pagkakataon na 'yon, nagtagpo ulit ang aming mga mata. Isang ngiti, katumbas nang pang habang buhay na pagpapaalam sa kanya, sa kwento namin dalawa, at sa pagmamahal kong inilaan lamang para sa kanya bago ako tuluyang naglakad palabas nang simbahan.

Bumungad agad sa akin ang malamig na simoy nang hangin ng Pebrero sa lungsod na ito. Bagong panimula.

Itinapon ko sa gilid ang sulat na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya na hindi ko nagawa. Wala na rin naman kwenta kung ibibigay ko pa. Huli na. Tapos na.

Hanggang sa muli. Hanggang sa susunod na buhay.

Paalam, mahal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken RomanceWhere stories live. Discover now