Chapter 4

0 0 0
                                    

Supplier

I woke up very late in the morning. Mag-aalas diez na nang nagising ako. Kung hindi pa umakyat si Hanita para gisingin ako, baka hanggang alas onse tulog pa ako.

"Hanita... isang ginger juice please", utos ko na nakapikit parin ang mga mata.

I was really exhausted and tired.

Tamad akong bumangon at pumunta sa bathroom. Halos isang oras pa akong nagbabad sa bath tub.

Pagdating ko sa kusina, naabutan ko si Mommy na umiinom ng tea. Humalik ako sa pisngi niya at umupo.

"How's your sleep?"

"Good."

"Wait..." she paused. "Ano pang ginagawa mo dito? You have meeting with the supplier."

Napatayo ako sa sinabi ni Mommy.

"What!? Bakit ngayon niyo lang sinabi, Mommy?"

"I already told you last night", pabalang na sagot niya.

"Aish. I forgot. Anong oras po ba ang meeting namin?"

"Twelve noon."

Oh gosh! It's already twelve thiry.
Buti na lang I'm wearing black skirt and off-the-shoulder top.

"Saan po ang meeting place!?",

"Gerardas."

Mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan. Pero agad din akong napatigil nang may maalala.

"I almost forgot to drink my ginger juice", ani ko.

Dinig ko na napasinghap si Mommy.

"Hanita!", tawag ko.

Agad namang dumating si Hanita bitbit ang isang baso.

"Heto na po, Ma'am."

I quickly get the glass from her and drink at it. Nang maubos ko na yon at ibinalik ko naman ito sa kanya at tumakbo ulit papunta sa parking.

Kahit pa mabilis ang pagpapatakbo ko, late na late pa rin talaga akong nakarating sa Gerardas. Marami na ring tao sa restaurant kaya mahirap nang malaman kung sino ang supplier na imemeet ko. Kaya ang ginawa ko, inisa-isa ko ang mga taong mag-isa lang. Hashtag single.

Una kong nilapitan ang isang babaeng sopistikada.

"Hi, sorry I'm late", nakayukong sambit ko.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. I saw her raised her eyebrows.

"Are you mocking me?"

Umismid ako. Problema nito?

"No, miss. I'm sorry I'm late. You're  the supplier, right?"

"Damn you! Hindi na nga ako sinipot ng kadate ko paglalaruan mo pa ako!?", bulyaw niya bago umalis.

Gagi. Na-ghosted pala yon.

Sunod kong nilapitan ang isang lalaki.

"Hi, sorry I'm late", nakangiting bati ko.

He licked his lower lip.

"It's okay. So, let's go?"

"Saan?"

"In my condo", he glanced at my legs and bit his lower lip.

Puta, manyak pa. I'm pretty sure he's not the supplier.

Nakangiwi akong lumipat sa ibang table. Isang matandang babae ang sunod kong nilapitan.

"Hi, sorry I'm late."

"A-Anak? Ikaw na ba yan?"

"Ah, I'm not your daughter. By the way, you're the supplier, right?"

Kumunot ang noo niya. "Anak matagal na akong hindi nag-susupply ng droga. Nagbagong buhay na ako."

Ay putek. Addict pa ata tong matandang to.

"Ah", pilit akong tumawa. "Sorry po, akala ko po kayo yong supplier."

"Pero, anak, may kilala akong supplier ng marijuana."

Gosh!

"S-Salamat na lang po", dali-dali akong lumipat sa ibang table.

Naku sana naman ito na talaga ang supplier.

"Hi, sorry late", nakayukong sambit ko.

"It's fine."

Inangat ko ang tingin ko nang narinig ang isang pamilyar na boses.

"Doc Zer!", gulat na sigaw ko.

"Oh, you know me?"

I smiled sweetly and immediately answered.

"Yes! Ako yong pasyente sa hospital na tinulungan mo."

"Ah... so you're my client?"

"Yes!", bigla akong na-excite nang malaman na siya pala ang supplier. Kung alam ko lang na may gwapo pala kaming supplier. Di sana dati palang, ako na ang nag-manage ng business namin. Di bale nang bumagsak ang negosyo namin sa pamumuno ko basta palagi kong makikita si Doc Zer.

"So, I heard na oorder daw kayo ng strawberries."

Umayos ako ng upo dahil sa narinig ko. I fake a cough. Paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko ang sinabi ni pabebe nurse. Mahilig si Doc Zer sa mga practical. Ibig sabihin, dapat umakto akong matalino.

"Yes. My Mom and I already talked about that", I spoke fluently full of confidence.

Taray. Bagay pala akong business woman.

Mukha namang nagulat si Doc Zer sa change of mood ko.

"I didn't know you were business minded. I mean... hindi halata."

I laughed exaggeratedly. Talagang tumayo pa ako para lang hampasin ang braso niya.

Kaya lang nang mag-sink in sa utak ko ang ginawa ko, agad din akong tumayo ng tuwid at mabilis na umupo.

"Sorry for that", tipid akong tumikhim.

"So, ilan ang kukunin niyong strawberries?"

Naku, patay! Ilan ba dapat? Fifty? Sixty? Seventy? Eighty? Ninety?

"Ah, mga one hundred sana."

"One hundred lang?"

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nag-isip ng sagot.

"Two hundred!"

"Two hundred?"

"Ah, sige, five hundred!"

"Five hundred?", litong tanong niya.

"Two thousand!"

Siguro naman sapat na yong two thousand.

"Ah, trial nyo pa lang ba to?"

"Uhm, oo e", sagot ko kahit na hindi ko naman alam kung anong trial ang pingsasabi niya.

"Ah, kaya pala. Sige see you next meeting."

I nodded.

Tumayo na siya at umalis. Tumayo na rin ako. Paalis na rin sana ako nang may lumapit na waiter sa akin.

"Ma'am, heto na po ang bill niyo."

"Ano!? Bill?"

"Opo."

Putek. Anong bill? Hindi nga ako nakaorder, ni tubig nga wala akong nainom.

"What?"

"Kasi po Ma'am, ito po yung bill nang kasama niyo kanina."

So ano to? Ako ang magbabayad nang inorder niya? Pero okay lang, crush ko naman sya. Hashtag marupok.

Liliana, A Mischievous Pretty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon