Chapter 21

73 3 0
                                    

I'm Home

3rd Pov:

Mainit na sinag ng araw ang tumama sa muka ni Charles, nagpupungas pungas pa itong bumangon mula sa kama. Didirestso sana ito papuntang restroom ng mapansin niyang parang may kalakihan ang kaniyang suot na pantulog, umikot ang mata niya sa buong paligid at hindi siya nagulat sapagkat sobra pa sa gulat ang naramdaman niya sa mga sandaling iyon.

Dahil sa kawalang hiyaan' niyang nagawa kagabi ay dali dali siyang lumabas ng kwarto at tumatakbong lumabas sa Presidential Suite. Pinagtitinginan siya ng mga taong nandon, maging ang mga naging kasamahan niya sa elevator ay nakaarko ang mga labi.

"Jusko, ang mga Kabataan nga naman" saad ng matanda na kasama niya sa elevator, dahil sa hiya ay tumalikod na lang siya sa mga ito at humarap sa isang sulok.

Tingggg..."

Tunong ng Elevator hudyat na nasa Ground Floor na sila, sa pagkakataong iyon ay hindi na nagpatumpiktumpik pa si Charles at dali dali na siyang tumakbo sa labas ng hotel. Narinig niyang tinatawag siya ng mga Receptionist pero hindi niya na yon pinagka abalahan pa.
Nang makarating siya sa labas ng Hotel ay daglian siyang nagpabook ng Taxi at sa kabutihang palad ay may malapit na Taxi sa lokasyon niya. Kalabog niyang isinara ang pintuan ng taxi at agaran niyang sinabi sa Driver ang kaniyang Destinasyon.

"Silvasmith Villa"

___

"Hey couz' where have you been? Oh my goodness!! I am so sleepless because of you, I was searching for you for the whole fucking night" pambubulyaw na salubong ni Akisha kay Charles.

Nang makarating siya sa Villa ay kanina pa siyang sinusundan ni Akisha and as usual palaging histerical and over exaggerated ito magsalita.

"Mmmmm... How was Granpa?"

Pag iiba ng topic ni Charles, sumiring naman ang mga mata ni Akisha dahil alam niyang iniiba nito ang topic.

"He's not here,
Thanks God! Because I know who will be at the tip of the boat if Granpa is present last night."

Histerical na saad na naman nito, siya kasi ang may pakana ng mga bagay bagay binigyan niya ng ideya si Charles kung paano magpa labas ng Stress in a sociable way, pero kahit alam niyang mali ang kanilang ginawang pagtakas ay masaya pa din siya' sa kadahilanang lagi na siyang may kasama ngayon' at masayang masaya siya sa pagdating ni Charles for being "Partner in Crime" niya.

Hindi na lang pinansin pa ni Charles si Akisha dahil gusto niyang mapag isa muna, nagtimpla siya ng Classic Brewed Coffee at pumanhik kaagad siya sa balcony ng kaniyang kwarto.

Habang nakatingin sa mga naggagandahang bulaklak at kulay berdeng mga damo sa kanilang hardin ay may mga ala alang pumuslit sa kaniyang isipan na' parang kailan lang naganap.

"At last, Feels like Home" saad ni Charles sa kaniyang sarili habang nakatingin sa Hardin.

Ito ang kaniyang pinapangarap simula ng mamulat siya sa karahasan ng mundo, kahit alam niyang imposible pang mangyari ay hindi pa rin siya naniniwala na walang paraan para matupad at mahanap ang pamilya niya.

Nang sandaling magising siya simula ng insidente ay ibang muka ang bumungad sa kaniya, nagpakilala itong lolo niya, sa umpisa ay hindi siya naniniwala pero nang dumating si Akisha at pinaliwanag ang lahat sa kaniya ay naramdaman niya ang sinseridad ng mga ito.

Base sa salaysay ni Akisha ay binabantayan na siya nito simula pa lang nang mag aral ito sa kanilang eskwelahan na pinapasukan, masasabing ito ang ibinigay na utos ng kanilang lolo sa kaniya pero ito ay kusang loob na ginawa ni Akisha dahil nananabik siyang makita at makasalamuha ang kaniyang nagiisang pinsan. Ginawa niya ang misyon sa abot ng kaniyang makakaya. Inaamin niya sa sarili niya na gustong gusto niya nang salakayin ang bahay ni Mathias nang mga sandaling pinapahirapan nito si Charles, pero dahil sa bilin ng kaniyang lolo at biglang pagsulpot ni Alexander sa kaniyang harapan ay ikinalma niya ang kaniyang sarili dahil hindi lang naman sila ang nakamasid kay Charles kundi may ibang tao pa.
At kung magkamali sila ng hakbang sa mga sandaling iyon ay malabong makuha nila si Charles.

Pinaliwanag din ni Akisha sa kaniya na ang kaniyang Ina at Ama ay isang Pribadong siyantipiko na nag aaral sa kung papaano tumatakbo ang oras at espasyo sa buong kalawakan. Hindi lang din basta bastang siyantipiko ang mga magulang nito sapagkat masasabing malaki ang porsyentong nagtagumpay ang mga ito ngunit ang naging kapalit nito ay ang kanilang buhay.

Pinag aagawan si Charles ng ibat ibang panig ng mga pribadong organisasyon sapagkat nasasalamin nila na kapag dumating ang tamang panahon ay makukuha nila ang sikretong formula mula rito.

At ayon sa kanyang lolo ay ang dalawa niyang anak na lalaki kasama ang ama ni Charles ay nasawi sa parehong sikretong laboratoryo. Ang ina naman ni Charles ay isa ring makasay sayang tao ngunit nang tinanong ni Charles ang pagkakakilanlan ng kaniyang ina ay biglaang iniba ni Akisha ang topic, hindi na nag usisa si Charles sapagkat alam niyang iniiwasan ng dalawa ang topic na iyon at iginagalang niya pareho ang desisyon ng mga ito.

May ibinigay din ang kaniyang lolo sa kaniya na isang Jade Bracelet na nag iisang naiwan daw sa lugar na iyon matapos ang pagsabog. Alam nilang pagmamay ari ito ng kaniyang Ina sapagkat minsan na nilang nakita ito sa kaniya.

Ang Jade Bracelet ay maihahalintulad lang sa pangkaraniwang bagay walang espesyal dito kundi ang mga pattern lang nito na animo'y linya na magkakakonekta sa isat isa, manipis lang din ito na ikinataka ng kaniyang lolo sapagkat kahit ang mga bato sa ilalim ng Pribadong laboratoryo ay nabasag at nagkaroon ng pabilog na hukay ay bakit iisang bagay lang ang narecover nila.

Ibinigay ito ng kaniyang Lolo kay Charles bilang alala at memento mula sa kaniyang ina. Ngunit alam niyang may paggagamitan ang bagay na ito at iyon ang daan para mahanap niya ang kaniyang mga anak, dahil ikinonsidera lang ng mga taong nakakita na patay na lahat ng mga taong nasa loob ng laboratoryo ngunit wala silang nakitang kahit isang bangkay o anumang pwedeng ibedensiya ng mga ito.

____
Going to Sci-fi tayo guys, and also do you know na ang story na ito ay inspired talaga sa Fantasy. Hehe!!



EVILNESS OF PSYCHO'S OBSESSION (BL Edition)Where stories live. Discover now