US

288 14 2
                                    


Kakatapos lamang maglive ni Roxy nang nakita niya ang mensahe sa kanyang cellphone.

Maligno:
We are about to take off. Please take care of yourself and our baby.

Roxy: Rereplyan ko ba?

Hindi mapakali si Archie sa kanyang cellphone at naghihintay ng reply, nang bigla itong tumunog.

Roxy: Ingat ka rin.

"Ready for takeoff."

Unti-unting lumipad ang eroplano sakay sina Archie, Z at Sasha.

"Babalik ako Roxy. Babalik ako," ibinulong ni Archie sa kanyang sarili habang nakatingin sa bintana ng eroplano.

Sa buong dalawang buwan mula ang kanilang paglapag, naging abala ang mga Aguerro sa treatment ni Z at pag-asikaso ng papeles para sa pagpasok ni Archie sa kanyang bagong paaralan.

Ate Ria: Di ka na kinokontak? Kala ko ba sabi niya di siya maggigive up?

Roxy: Bat naman ako itetext non? Tulungan mo na lang ako Ate sa mga pinamili ko.

Hindi muna nag-enroll si Roxy sa college. Umuwi sila ng Ate niya sa probinsya para walang makakaalam ng kanyang pinagbubuntis.

Bago matulog si Roxy, nakatanggap siya ng mensahe.

MALIGNO: How are you Roxy?

Hindi ito pinansin ni Roxy. Pinatay niya ang kanyang ilaw sabay humiga sa kama.

Ilang minuto, nagulat siya sa malakas na tunog ng kayang cellphone.

MALIGNO CALLING

Napabangon si Roxy at nag isip kung sasagutin ba ang tawag ni Archie. Sa ikalawang tawag, sinagot na niya eto.

Roxy: Ano ba Archimedes Aguerro alas onse na ng gabi!

Archie: Hi Roxy, kumusta?

Roxy: Anong kumusta? Ginising mo kaya ako

Archie: oh sorry. Sige sleep ka na uli. We can just talk some other time.

Roxy: Ano ba yun?

Archie: I just want to ask if you are okay... if our baby is okay. Do you need anything , like vitamins? Or nagpacheck up ka na? Or—

Roxy: okay kami Archie. Di mo kami kailangan intindihin

Archie: No Roxy. Ako ang father niyan. If you need something I can send it there.

Roxy: hindi na Archie. Okay kami. Intindihin mo na lang ang pag aaral mo diyan. O sya matutulog na ko. Good bye.

Matapos ang 5 araw.

"Tao po."

Ate Ria: Sino yan?

"Delivery po!"

Nagulat si Ria sa isang malaking box ng delivery sa harapan niya.

"Para kay Ms. Roxanne Cristobal po."

Roxy: Kanino galing to—-Archimedes Aguerro?

Nang binuksan ni Roxy ang package ay nagulat siya sa laman nito- vitamins, samut saring damit at gamit ng sanggol.

Dali-dali siyang tumawag kay Archie.

Archie: Hello?

Roxy: Ano tong pinadala mo Archie?

Archie: Check mo account mo, nagtransfer ako ng allowance. Use it for your check up and for meds na irereseta sayo.

Roxy: Hindi, Archie. Ibabalik ko to. Di ko kailangan to.

Archie: pero kailangan ng baby natin yan. Please Roxy, hayaan mo ako magbigay. Im not there. Di kita masasamahan sa doctor. Accept it please? For our baby? Please.

Colored Clip meets Darkgray (Roxchie in another story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon