I'm back

272 11 2
                                    

RING!! RING!!

"Why is she not answering? May nasabi kaya akong masama the last time we talked," bulong ni Archie sa kanyang sarili nang may halong pangamba.

RING!! RING!!

"Yes, Archie? Si Ria to."

"Uhm, is Roxy there?" tanong ni Archie.

"Nasa Delivery Room si Roxy, nanganganak na siya!" sagot ng kapatid ni Roxy.

"What?!!!" sigaw ni Archie.

Sa delivery Room....

"Push, Roxy, lumalabas na yung ulo ng bata!" sigaw ng doctor.

"Aaahhhh!!!! Walang hiya ka Archie! Sinasabi ko sayo hinding hindi ka makakaulit! Ahhhh!!!!!" sigaw ni Roxy.

*baby crying

"Congratulations, Ms. Roxy. It's a girl," sabi ng kanyang doctor.

Pagod na pagod ang kanyang katawan at nais na lamang niyang matulog. Nang inilapit ng Nurse ang bata sa kanyang kanang balikat, napangiti si Roxy na para bang napawi ang lahat ng sakit at hirap.

"Ang ganda niya," naluluhang sambit ni Roxy.

Matapos ang dalawang araw sa ospital....

*Knock Knock

"Roxy, andito si Sky," sabi ni Ria habang nag aayos ng gamit dahil ilang oras na lamang ay ididischarge na si Roxy sa ospital.

"Sky? Pa..paano mo nalaman?" sabi ni Roxy na labis ang gulat dahil wala naman siyang pinagsabihan ng kanyang pagbubuntis ngunit narito si Sky.

"Sosorpresahin sana kita dahil pumunta ako dito sa Batangas para saglit na magbakasyon. Hindi ka na kasi nagpaparamdam o nagmemessage. Tinanong ko si Ate Ria at nalaman kong nandito ka....Roxy, kaibigan mo ako. Hindi kita ijajudge kung ano man ang nangyari sa inyo," sabi ni Sky habang hawak ang kamay si Roxy.

"Nahihiya ako sa iyo. Baka sabihin mo ang tanga ko," umiiyak na sabi ni Roxy.

"Alam na ba ni Archie?" nag-aalalang tanong ni Sky.

*knock knock

"ROXY!" sigaw ni Archie.

Pagkakita ni Archie kay Roxy, agad niya itong pinuntahan at mahigpit na niyakap.

"Ano ka ba Archimedes Aguerro? Ang OA mo. Di pa ako patay. Nanganak lang ako okay?" sabi ni Roxy matapos na pilit na kumawala sa yakap ni Archie.

"Okay fine. Pwede bang nag-alala lang? I came here from US tapos susungitan mo pa ako," sabi ni Archie.

"Maiwan muna namin kayo," paalam ni Sky at Ria habang papalabas ng kwarto.

Panandaliang tumahimik ang paligid. Matapos ang siyam na buwan, ngayon lang uli sila nagkaharap.

"Namiss kita," sabi ni Archie habang nakatingin sa mga mata ni Roxy.

"Ha? Eh kausap lang kita nung isang araw sa telepono ah," sagot ni Roxy.

"Iba naman iyon. You are physically in front of me. Nung nalaman kong nanganganak ka na, I booked the earliest flight to Manila."

Napatitig lang si Roxy kay Archie tila hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot.

Sa loob ng siyam na buwan, hindi nakalimot si Archie na kumustahin ang kalagayan ni Roxy. At ngayon, hindi siya nagdalawang isip na bumalik para lang makita ang mag-ina.

"Roxy, nasaan siya?" tanong ni Archie.

*Knock knock

Pumasok ang nurse dala ang anak nila. Agad naman itong kinarga ni Roxy sa kanyang mga bisig.

Tinitigan ito ni Archie habang nakabukas ang kanyang mga labi.

"Anong pangalan niya?" tanong ni Archie.

"Arianne," sagot ni Roxy. "Gusto mong buhatin?"

"Hmm hindi ako marunong magbuhat," natatakot na sagot ni Archie.

"Subukan mo lang," sabi ni Roxy habang dahan-dahang inililipat sa bisig ni Archie ang bata.

"Arianne. Arianne Cristobal Aguerro," nakangiting sambit ni Archie habang buhat buhat ang anak nila ni Roxy.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 21 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Colored Clip meets Darkgray (Roxchie in another story)Onde histórias criam vida. Descubra agora