|| Pagsisisi ||

62 5 7
                                    

A/N: Regalo part 3.
Wala ng kasunod toh☺.
____________

" Lira! Mira! "

Sigaw ng mga naroroon ng biglaan nalamang bumagsak ang dalawang sang'gre sa sahig.

Nilapitan ng mga pamilya ni Lira at Mira silang dalawa, sinusubukang gisingin.

PIRENA: Mira!Lira! Gumising kayo mga warka!

Sigaw nito sa dalawang parang natutulog lamang na Sang'gre, pag-aalalang lumilitaw sa mukha ni Pirena.

AMIHAN: Pashnea ano ba ang nangyayari?!

Luhang tumutulo sakanyang mata ng hindi niya napapansin.

YBRAHIM: Lira!

Niyuyog-yog pa nila ang dalawa, ngunit hindi parin ito gumigising.

AMIHAN: Danaya gamitin mo ang iyong brilyante!

Sugo ng Hara Durye ngunit parang nakiki-usap din ito.

DANAYA: Masusunod.

Inilabas ni Danaya ang kanyang brilyante at sinugo ito upang pagalingin ang dalawang Sang'gre ngunit...

DANAYA: Brilyante ng Lupa, isinusugo kitang pagalingin ang aking mga Hadiya.

Kalmado nito sinabi, hindi man lang gumalaw ang kanyang brilyante na ipagtaka naman niya.

PIRENA: Danaya ano na?!

DANAYA: Brilyante ng Lupa! Isusugo kitang pagalingin o gisingin ang aking mga Hadiya!

Pag-ulit niya, ngunit wala parin.

Nag simula ng magtaka at mag-alala ang mga naroroon, bakit hindi gumagaling ang dalawang sang'gre? bakit walang nangyayari? hindi ba gumagana ang brilyante ng lupa? Ang mga tanong na ito ang umiikot sa kanilang isip.

Lumapit si Danaya sa dalawang sang'gre at hinawakan ito, inilabas niya ulit ang kanyang brilyante.

May sinabi si Danaya na dalawang salitang na dahilan ng pagtigil ng mundo ng mga naroroon, habang siya'y napaluha nalamang.

DANAYA: Wala na sila..

Doon na pumasok sa isip at puso nila Alena ang pagsisisi, kung bakit namatay ang dalawa nilang pinakamamahal na sang'gre, nais man nilang sisihin si Mithena ngunit kasalanan rin nila, kung kina-usap muna nila ang dalawa wala sanang mangyayaring ganito.

The End..

|| Enca Short Story ||Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt