Chapter 7

808 14 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"MALAPIT na pala ang debut mo," ani Tiffany nang nasa canteen sila. Si Jason ay nasa counter at umo-order ng soft drinks.
"So, what are your plans?" dugtong na tanong ni Collete sa sinasabi ni Tiffany.
Nagkibit-balikat si Charlize. "Nothing definite. Pero natitiyak kong magpapa-party sina Daddy at Mommy."
"Wala ka bang balak na i-break si Jason?" singit ni Gracia sa marahang tono at sinulyapan sa counter ang pinag-uusapan. "Alangan namang siya pa rin ang partner mo sa birthday mo?"
Napatingin siya sa kaibigan. Mag-iisang buwan na silang magkasintahan ni Jason. And she had been so happy in the past few days. Jason was funny and romantic at wala siyang natatandaang nag-enjoy siya sa company ng isang lalaki maliban dito. Nakalimutan niyang katuwaan lamang kung bakit sinagot niya ang pag-ibig nito.
"Remember, sinagot mo lang si Jason upang maiwasan ang makulit at mayabang na si Benjie, Charlize. Bakit yata mukhang permanent fixture na sa buhay mo si Ichabod?" ani Collete sa patuyang paraan.
"Ano naman ang masama?" wika ni Tiffany. "Mabait naman si Jason, ah."
"Tiff, hindi na nanggugulo si Benjie. It's time naman na maghanap ng guwapo at presentableng boyfriend si Charlize," patuloy ni Collete. Pagkuwa'y tumingin sa nakatalikod na si Jason. "Ang hirap yatang magka-boyfriend ng nerd." At tumawa ito.
Natigilan si Charlize. Gusto niyang magalit sa pang-iinsulto ng mga kaibigan sa kasintahan. At isiping spoiled ang mga ito sa binata. Mula nang maging magkasintahan sila ni Jason ay malaking katipiran iyon sa mga kaibigan niya. Hindi pinahihintulutan ng nobyo na gumasta ang mga ito sa canteen. At malimit pang magyaya ang mga ito sa burger house sa Trinidad.
"Collete, mukhang nasasaktan si Charlize," panunuya ni Gracia at matiim siyang pinakatitigan.
Nanlaki ang mga mata ni Collete. "What? Don't tell me na na-in love ka na kay Ichabod Crane?"
Am I falling in love with him? She wasn't sure about her feelings. Pero natitiyak niyang hindi rin naman niya gustong i-break si Jason. Ganoon ma'y iba ang lumabas sa kanyang mga labi.
"Ano 'ko sira!" depensa niya. "Kayo lang naman ang inaalala ko, kahit paano ay may naglilibre sa inyo ng snacks kahit wala ako." She cringed inside. Hindi iyon ang gusto niyang sabihin. Gusto niyang isigaw sa mga kaibigan na sana'y tumigil na ang mga ito sa pangangantiyaw at nasasaktan siya.
"Charlize!" saway ni Tiffany. "Hindi ka na naawa do'n sa tao. Totoo namang sa akin nanggaling ang suhestiyon na sagutin mo si Jason pero umaasa akong matapos ang magandang pakikitungo niya sa iyo ay matututuhan mo siyang gustuhin."
Umikot paitaas ang mga mata ni Collete at inakbayan si Tiffany. "Napaka-romantic mo talaga, Tiff. Alam mo sa simula pa lang ang mga balak ni Charlize. At tama ka, ikaw ang naglagay niyon sa utak niya. That is why it's impossible for her to fall in love with a man, rich he maybe, nerd naman!"
"Bahala kayo!" Inis na tumayo si Tiffany at nag-walk-out sa kanila.
Nagsalubong ang mga kilay ni Jason nang makitang padabog na umalis si Tiffany. Sinundan ito ng tingin habang hawak sa mga kamay ang limang bote ng soft drinks.
"Bakit biglang umalis si Tiffany?"
"Napikon," sagot ni Gracia at napatingin kay Collete at sabay na nagtawanan ang dalawa.
Samantalang walang nararamdamang kasiyahan si Charlize. Parang gusto niyang sumunod kay Tiffany at iwan ang dalawang kaibigan. Pero kapag ginawa niya iyon ay para na rin niyang inamin sa dalawa na totoong unti-unti nang nahuhulog ang loob niya sa boyfriend.
"HI, GRACIA," bati ni Benjie sa dalagita na papasok sa gate ng kolehiyo. The smile on his face was enough to melt the Arctic.
"H-hi..." Nataranta si Gracia. At kung yelo siya'y natunaw na siya sa ngiting iyon.
"Puwede bang sumabay?"
"S-sure..."
Namungay ang mga mata ni Benjie sa pagkakatitig sa kanya. Tumaas ang kamay upang akbayan si Gracia. Napasinghap ang dalagita.
"Nagtatampo ako sa inyo," wika nito. At alam ni Gracia na ang "inyo" ay tumutukoy sa kanilang magkakaibigan. "Lagi na lang kayong umiiwas sa akin na para bang may communicable disease ako. O bad breath ako." Huminto ito sa paglakad at nilingon siya.
Napatingala si Gracia rito.
"May bad breath ba ako, Gracia?"
"B-bakit mo naman nasabi iyan? Wala siyempre!"
"Mabuti naman kung ganoon," marahang sabi ni Benjie at hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya at iginiya siya pabalik sa gate. "Maaga pa naman, tara muna sa labas ng campus. Doon sa restaurant ni Aling Suzy. Masarap ang pizza roon."
"IKAW ang pinakamagandang debutante ng taon, Charlize!" bulalas ni Jessa, ang baklang couturier, habang sinusukat niya ang gown na pinatahi ng mommy niya para sa kanya.
Napangiti si Charlize at tinitigan ang reflection sa salamin. She was glowing. Kahit ang mga kaibigan niya'y napupuna ang kakaibang kislap ng mga mata niya nitong mga nakaraang araw. Kaya tuloy nakakantiyawan siyang talagang in love siya kay Jason.
Sinuri ni Charlize ang bawat anggulo niya sa bagong gown sa malaking salamin.
"Wala akong masabi, chika! Hindi na tayo nagkakalayo ng beauty!"
"Ilusyunada!" nagtatawang sabi niya at hinubad na ang gown.
Tinulungan siya ni Jessa na hubarin iyon. Nakabihis na siyang muli at lumabas ng fitting room kasunod si Jessa. Inginuso ng bakla si Jason sa reception na nililibang ang sarili sa pagbabasa ng magazine.
"Boyfriend mo ba 'yan o manliligaw?" tanong nito sabay taas ng guhitang kilay.
"K-kaibigan ko lang," pagkakaila niya sa nakitang distaste sa mukha ng mananahi.
"Good. Akala ko pa naman ay wala kang taste," biro nito na hindi niya ikinatuwa. "'Pag hinipan ng hangin ang kaibigan mo'y tutumba iyan."
Agad siyang yumuko para hindi makita ng bakla ang pagsimangot niya. "Ipahatid mo na lang sa bahay ang gown the day before my party." Pahablot niyang dinampot ang bag at tumalikod.
WALANG kibo si Charlize sa loob ng sasakyan nang pauwi na sila ni Jason sa San Ignacio.
"Kanina ka pa tahimik," puna ni Jason at nilinga siya.
Hindi sumagot si Charlize at tumingin sa labas ng sasakyan.
Hindi pa rin maalis sa isip ang pamimintas ni Jessa sa kasintahan. At nagagalit siya. Hindi niya malaman kung kanino. Kung sa mga kaibigan niya, sa sarili niya, o kay Jason mismo.
Inabot ni Jason ang palad niya at pinisil iyon. "May problema ba sa pinatahi mo?"
"Wala," halos padabog niyang sagot sabay bawi sa kamay. "Nawala lang akong bigla sa mood..."
"Nang walang dahilan?" May amusement sa tinig nito at muli siyang sinulyapan. "Nakangiti ka kaninang pumasok tayo sa shop na iyon. Surely there must be a reason for your swing of mood. Hindi ba ayos ang fitting ng gown mo?"
"Walang dahilan!" angil niya na hindi napigil ang sarili. "Huwag mo na lang akong kausapin muna."
Natigilan si Jason at napabuntong-hininga. Ini-on ang car radio. Pumailanlang ang isang lumang awitin.
If you loved me half as much
as I loved you...
You wouldn't worry half
as much as you do.
You're nice to me when there's no
one else around
You only build me up
to put me down...
If you loved me half
as much as I loved you...
You wouldn't stay away
half as much as you do...
Marahas niyang ini-off ang radio. Suddenly hating the old song na tila ba pinatutungkol sa kanya.
"Pati ba naman sa kanta, antigo pa rin ang gusto mo!" she snapped.
Bahagya lang umiling si Jason at hindi kumibo. Nanatili silang tahimik hanggang maihatid siya sa bahay. Walang salita na bumaba siya ng kotse, ni hindi inanyayahan ang binatang pumasok man lang. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa gate at hindi lumingon.
She was angry. Hindi niya makuhang magalit sa mga namimintas sa kasintahan dahil totoo naman ang sinasabi ng mga ito. And she knew she was being unfair with Jason.
"IS THIS seat vacant?"
Nag-angat ng mukha mula sa iniinom na soft drink si Charlize. Biglang sumimangot nang makitang si Benjie ang naroon. Hinila nito ang upuan sa tapat niya at naupo roon.
"Hinihintay ko lang sina Tiffany, Benjie, at reserved na ang mga upuang iyan para sa kanila," pormal niyang sabi.
"Hindi naman ako magtatagal, Charlize," wika nito sa mababang tono. Nahihiyang ngumiti sa kanya. "Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa iyo sa mga kasalanang nagawa ko. Hindi ko dapat ipinamalitang mag-on na tayo. Akala ko kasi ay makukuha ko ang atensiyon mo sa ganoong paraan."
"Well, you're wrong!"
"Eh, iyon nga ang dahilan kung bakit narito ako sa harap mo ngayon. Gusto kong humingi ng sorry..." nagpapakumbabang sabi nito.
Hindi agad nakapagsalita si Charlize sa narinig. Tila ibang Benjie ang kaharap niya. Wari'y maamong tupa.
Nagpatuloy si Benjie. "Nakikita natin ang isa't isa araw-araw dito sa campus. Ayoko namang nagagalit ka sa akin. Kung hindi man kita naging totoong girlfriend, baka naman puwedeng friends na lang?" He gave her that engaging smile.
And he looked and sounded so sincere, alanganing gumanti ng ngiti si Charlize. "S-sure, why not?"
Benjie looked relieved. "Salamat, Charlize. Pinagaan mo ang dibdib ko." Itinaas nito ang kamay para sa high five. Bagaman nabigla ay game na nagbigay ang dalagita at sabay na nagtawanan.
"I'll go ahead," wika nito at tumayo.
"See you," aniya, nakangiti pa rin. Nakadalawang hakbang na si Benjie nang may maalala siya at tinawag ito. "Wait!"
"Kung ililibre mo ako ng snack ay i-postpone mo na muna, may klase pa ako," biro nito.
"Punta ka sa debut party ko on Saturday night. Ibibigay ko ang imbitasyon mo bukas..."
Sandaling natigilan ang binata na tila ba hindi agad naintindihan ang sinabi niya. Then pleasure all over his face.
"Thank you, Charlize. I wouldn't miss it for the world..." At nagpatuloy na ito sa paglabas.
Sinundan niya ito ng tingin. Katamtamang taas, maganda ang pangangatawan palibhasa'y atleta. At guwapo namang talaga. Kung si Benjie ang boyfriend niya'y napakaganda nilang parehas. Hindi nakakahiyang aminin sa lahat dahil natitiyak niyang walang maipipintas dito ang sinuman, being the campus heartthrob.
Samantalang si Jason ay puro pintas ang naririnig niya mula sa mga kaibigan at kahit sa ibang tao. Of course, they could not have anything against him. Nagkataon lang na hindi ang tulad ni Jason ang inaasahan ng mga taong maging boyfriend niya.
But Jason the nerd was thoughtful and a gentleman. At pasensiyoso. Kahapong basta na lang niya ito iniwan sa kotse ay wala siyang narinig na paninita mula rito. He even called that night to say hello at kung lumipas na ang sumpong niya.
And Jason was generous to a fault. Hindi pa ito dumating sa kanila na walang dalang pasalubong. Mumurahin man o mamahalin. Magmula sa nilagang mani, o inihaw na mais, hanggang sa mamahaling chocolates.
And Jason showered her with little gifts. From computer made cards—kahit walang okasyon—to little stuff toys. And of course, flowers—lahat ng klaseng bulaklak kahit na pinitas lang sa tabi ng daan o bulaklak ng damo.
"Don't you dare pick that flower!" sansala niya kay Jason nang huminto ito at sandaling tinitigan ang pink at maliit na bulaklak ng makahiyang nasa daan.
He laughed. "It's still a flower, sweetheart. Pero kung ayaw mo ay di huwag. Makakakita rin ako ng bulaklak ng birds of paradise diyan. Pipitasin ko at isasabit ko sa leeg mo."
Inirapan niya ito pero lihim siyang nangingiti. And she didn't think him cheap at all. For her it was cute and unique.
Any flower but roses. Jason never gave her roses.
Iniisip marahil ni Jason na kapag rose ang ibinigay nito sa kanya ay maaalala niya si Benjie.
Ang nasa isip niya'y nag-materialize sa harap niya nang hindi niya namamalayan. Ipinitik pa nito ang daliri sa harap niya. Napapitlag siya nang bahagya.
"H-hello..." aniya.
"Nakatitig ka sa akin magmula nang pumasok ako sa pinto ng canteen pero natitiyak kong hindi mo ako nakikita," ani Jason na bahagyang kumunot ang noo. "Nakita kong galing dito si Benjie. Did he bother you?"
Mabilis siyang umiling. "No. As a matter of fact, I invited him to my debut party."
"You did?" Lumalim ang kunot ng noo nito.
Tumango siya. Pagkuwa'y tumayo at hinila sa kabilang silya ang backpack. "Punta na ako sa room ko..."
Naiwan si Jason na sinusundan siya ng nagtatakang tingin. Pagkuwa'y bumuntong-hininga.
HAPON at pasakay na si Charlize sa kotse ni Jason nang tawagin siya ng isa sa barkada ni Benjie. Patakbo itong lumapit at sa kamay nito'y tatlong red roses at inabot sa kanya.
"Galing kay Benjie," humihingal pang sabi nito. At bago ito tumalikod ay isang nakakalokong ngiti ang ipinukol kay Jason.
May note na kasama ang bulaklak.
Dear Charlize,
I hope these roses will be appreciated this time. Thank you for accepting my friendship.
Benjie
Bahagya siyang napangiti.
"What is in that note that you find so amusing?" tanong ni Jason nang nanatili siyang nakangiti habang nakatitig sa note at sa mga bulaklak.
Napatingin si Charlize sa nobyo. Sandali niyang nakalimutang naroon ito. Ipinasok niya sa bulsa ng uniporme niya ang note ni Benjie.
"Nothing." Umikot siya sa passenger's seat at sumakay.
Pinaandar na ni Jason ang kotse. Tahimik itong nagmamaneho palabas ng campus. At nanatiling walang kibo sa buong biyahe hanggang sa maihatid ang dalagita sa bahay ng mga dela Serna.
Hindi rin alam ni Charlize kung ano ang sasabihin o kung kailangan ba niyang magpaliwanag. Nakikipagpayapaan sa kanya si Benjie at nakikipagkaibigan, wala siyang makitang masama roon.
Nang ipara ni Jason ang sasakyan sa tapat ng gate ay nilinga ni Charlize ang binata nang hindi ito kumikilos matapos abutin ang lock ng kotse sa bahagi niya at buksan iyon.
"H-hindi ka ba bababa?"
"Do you want me to?" he asked. Nasa tinig ang insecurity.
"Of course. Bakit ganyan ang tanong mo?"
A hesitant smile came out his lips. "Some other time, sweetheart," wika nito. "Pero may gusto akong ibigay sa iyo..." Dumukwang ito upang buksan ang glove compartment sa harap ng upuan niya. Mula roon ay may inilabas na parihabang cajeta. Iniabot iyon sa kanya. "Para sa iyo."
Alanganing inabot ng dalagita ang parihabang black velvet box. Gusto niyang hulaan ang laman niyon subalit ayaw gumana ang isip niya.
"Another gift?" Alanganing ngiti ang ibinigay niya sa kasintahan. "And three days before my birthday?"
He smiled but his eyes looked so sad. Hindi matiyak ni Charlize kung imahinasyon lang niya ang nakitang lungkot sa mga mata nito.
"Instead of a wedding ring..." He grinned boyishly, sandaling natabunan ang lungkot sa mga mata. "... iyan ang gusto kong ibigay sa iyo, sweetheart. And at the same time, my birthday gift."
"Ahh, nagtitipid ka, Jason Jacinto?" nakangiting tukso niya. Tuluyang nakalimutan sa isip na kanina lang ay nag-aalinlangan siya sa relasyon nila.
"I want to give you the world, if I could, Charlize. Pero sa dalawang magkasunod na okasyon, I prefer to give you that. May sentimental value ang laman ng kahong iyan. Buksan mo," he urged.
"Sa birthday ko na..."
"Please..." he insisted.
"Okay," pahinuhod niya. "What is this? An expensive Parker or a Cross pen?" panghuhula niya habang unti-unting iniaangat ang lid ng cajeta.
Then a soft gasp came out of her lips nang mahantad sa mga mata ang laman niyon. Anak siya ng isa sa mayayamang tao sa bayang iyon at marami rin naman siyang mamahaling alahas na regalo ng mga magulang sa bawat okasyon ng buhay niya. Pero hindi tulad ng nakikita niyang laman ng kahon.
Sa harap niya'y isang medium size white gold omega choker na ang pendant ay genuine ruby in diamond cut. Not too big and not too small.
Her mother had a ruby set in emerald cut. Mas malalaki at may nakapalamuting mga brilyante. At hindi ang mga iyon tulad ng nasa harap niya. Walang ibang mamahaling bato na aagaw sa atensiyon ng ruby. Yet it was so exquisite in its simplicity.
Her parents never thought of giving her genuine precious stones dahil hindi raw bagay sa edad niya. What she had in her possession were gold and diamonds, though expensive, they were in small sizes.
"I—I don't know what to say, Jason." Nilingon niya ang kasintahan who was watching her intently. "H-hindi ko rin alam kung tatanggapin ko ito. This is too expensive. My mom told me never to accept expensive gifts from... from—"
"From a man," he supplied, smiling faintly. "But I am not just another man, sweetheart. I am your boy—husband..." Nagtawa ito sa bahaging iyon.
Charlize made a face.
"Had I not promised your father that you should finish your studies first, I would have claimed you as my fiancée."
"Fiancée..." she murmured and pouted prettily. "May trabaho ka ba?"
Isang halakhak ang isinagot ni Jason doon.
Napangiti na rin siya at ibinalik ang pansin sa ruby. She lifted the chain from the box at bahagyang itinaas. At sa reflection ng panghapong araw ay tila nag-aapoy ang bato.
"Do you like it?" tanong ni Jason.
Bumaling siya sa kasintahan. "It's... it's exquisite, Jason. And of course, I like it!"
Tinitigan siya ni Jason na tila hinahanap ang katotohanan ng sinabi sa mga mata niya, then smiled in relief.
"I was afraid you wouldn't like it. It's an old gemstone. Pinalitan ko ang dating chain niyan dahil mahaba. Ipina-reset ko iyan sa omega para hindi mag-alangan sa edad mo."
"T-thank you..." she said sincerely. Maingat na ibinalik sa kahon ang kuwintas.
"I love you, Charlize," Jason declared emotionally. "At mananatili kitang mahal hanggang sa mawala ang kulay ng batong iyan."
Nagsikip ang dibdib niyang nag-angat ng paningin. Through his glasses, nakikita niya ang katotohanan ng sinasabi ni Jason sa mga mata nito. And she couldn't decide whether it was joy or pain that she felt in her heart.
At alam niyang naghihintay ng sagot ang binata mula sa kanya. Subalit hindi niya magawang iusal ang gustong marinig nito. And she couldn't just sit there saying nothing. She raised her face and thought of kissing him fast on his lips.
But the moment her lips touched his, hindi niya magawang bawiin agad iyon. She heard him gasped softly, she could feel his breathing against her mouth. And for the life of her, she wanted him to kiss her... really kiss her. Hindi katulad ng halik na una nitong iginawad sa kanya.
Then she felt his hands on her shoulders... then his lips moved against hers. In a kiss that was a bit shy, a bit shaky. At bago pa niya makuhang lunurin ang sarili sa halik na iyon ay bumitaw si Jason.
Mahigpit siyang niyakap. "Sweetheart..." he murmured in an uneven tone. "I—I wish I could kiss you more..."
Me, too! her mind shouted and was shocked by her own admission. Mabilis siyang kumawala mula sa mga bisig nito at binuksan ang pinto ng sasakyan.
"B-bye... I'll see you..."

Mananatili kitang mahal - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now