Lagot!

1.7K 104 10
                                    

"Huy may nakita ako" sabi ko sakanya at may ngiting mapangasar. Nandito kami ngayon sa Cafeteria at nagmemeryenda.

"Ano na naman ba yun?" aniya na naiinis na naman. Nakakunot na naman noo neto! Ganyan naman siya palagi eh..

"Wag na nga! Ayaw mo naman eh" patampong sabi ko at tumalikod nalang. Nanatili akong tahimik at hinintay ko siyang magsalita.

"Tungkol na naman ba yan kay Blake?" rinig kong sabi niya habang nakatalikod ako na kunwaring nagtatampo.

"Tungkol sa inyo!" Sakanilang dalawa ng kaibigan ko na si Angel. Nagkakilala kami lahat noong third year high school. Doon nagsimula ang pangaasar ko sakanila ni Angel. Totoo naman na bagay sila. Lahat nagsasabi na dapat maging sila in the future. Kaya itong si Brent, nagkagusto kay Angel pero ayaw pa umamin kahit huling huli na. Si Angel naman ay umamin sa amin na may gusto siya kay Brent kaso di pa siya sigurado dahil may nagugustuhan siyang iba.

Eto ako ngayon taga-advice ni Brent at siya din ay taga advice ko. Bale nagbibigay kami ng advice sa bawat isa. Pero alam niyo ba na, di kami magkaibigan niyan. Well, Frienemies kami. Oo yun. 51% na magkaaway at 49% na magkaibigan.

Akala ko noon imposibleng magkagusto ako sakanya. Masungit. Suplado. Not Gentleman. Inaaway ako. May pagka-bipolar. Lahat na ata ng ayaw ko sa lalaki nasa kanya na. Imbis na siya yung mag bigay ng kanyang jacket tuwing nilalamig ako. Hinihiram niya pa yung akin. Baliktad noh? Imbis na, payungan niya ako tuwing umuulan, ako pa yung nagpapayong sakanya. Pero bakit tuwing nakikita ko siya natutuwa ang puso ko, namumula ang mukha ko at pinagpapawisan ng malamig.

Oo gusto ko siya at pinagtutulakan ko siya sa kaibigan ko dahil alam kong imposible maging kami dahil alam kong di kami bagay. Hindi kami bagay dahil ako boyish at hindi matalino. Kabaligtaran ko si Angel na maganda, matalino, girly at maayos manamit. Tyaka masaya na akong makita siyang masaya sa piling ng iba.

"Oh ano yun?" kalmadong sabi niya. Tignan mo ito basta sakanila ni Angel kalmado magsalita pero pag sa amin na ni Blake, sobrang sungit. Si Blake ay ang ex boyfriend ko na kaibigan ni Brent. Minahal namin ang isa't isa sa loob ng dalawang taon pero nagising siya isang araw na di niya na ako mahal. Hindi naging maayos ang paghihiwalay namin kaya awkward pa rin sa aming dalawa. Dahil din sa paghiwalay namin ni Blake kung bakit naging frienemies kami nitong si Brent pero bago yun enemies kami. Dahil nung araw na yun, si Brent ang nagsundo sakin sa park at nakita niyang nasasaktan ako.

"Kayo ah~ Kayo na ba? Ayieee!" nangaasar kong sambit. Alam ko deep inside kahit sinasabi ko yan nasasaktan ako kahit na masaya ako sakanila ni Angel. Ako kaya ang #1 na tagasuporta nila.

"Paano mo naman nasabi?" takang tanong niya.

"Kasi kanina nakita ko kaya kayo na nagtitigan ng matagal" Sagot ko sakanya. Kaninang lunch nahuli ko sila na nagtitigan. Kita ko sa mata nila na mahal nila ang isa't isa.

"Ugh yun lang ba? Ge alis na ko" Gusto ko pa siyang makausap kaso alam ko na gusto na niyang umuwi dahil maguusap sila ni Angel sa telepono.

"Teka Brent" pagpipigil ko sakanya bago siya tumalikod paalis.

"Ano na naman?" naasar na sabi niya. Sumusungit na naman siya. Normal na yan sakanya at sanay na din ako. Ako lang naman ang sinusungitan niya ng ganyan. Sa ibang tao, ang bait niya pero sa akin ang sungit sungit niya.

"Ah-eh wala. Nevermind. Go alis na" yumuko nalang ako at naiwang nakatayo sa cafeteria ng Academy. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko siyang tumatakbo palayo sa akin. Yumuko at pumikit nalang muna ako para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Lagot! [One-shot]Where stories live. Discover now