Numb Vocalist

492 3 0
                                    

I'm Jein, isa akong lead vocalist ng Despot Band, nag-iisang babae sa grupo at ako ang pinaka matino. Dale is our drummer, at sya ang lalaking nagpatunay sa akin na gaano ka man ka-showy sa tao pero kung manhid naman, wala lang ring magbabago.

Nagsimula ng tumgtog si Jacob, gitarista ng banda. Naghintay lang ako saglit ng tiempo at sumabay na rin sa tugtog.

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapasa'yo

Di ko alam sa sarili ko pero lumingon ako kay Dale, nakatingin din sya sa akin kaya umiwas na agad ako ng tingin. Humarap ako sa mga tao. Fiesta sa amin kaya naimbitahan kaming tumugtog sa variety show.

Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko
'Asan nga ba ako? 'Andiyan pa ba sa iyo?

Nahihilo (nahihilo), nalilito

Si Jacob naman ang nag-se-second voice.

'Asan ba 'ko sa 'yo? Aasa ba 'ko sa 'yo?

Napatingin naman ako kay Jacob nang biglang lumakas ang pagkaskas nya sa gitara. Pero isinawalang bahala ko na lang.

Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman 'yung totoo
'Yung tipong ang sagot ay 'di rin isang tanong

Napalingon naman ako sa likod kung nasaan si Dale dahil lumalakas na rin ang kanyang paghampas sa drums. Humarap agad ako sa mga audience nang marinig kong sumasabay na rin sila sa kanta.

Nahihilo (nahihilo), nalilito
'Asan ba 'ko sa 'yo? 'Asan ba 'ko sa 'yo?
Nahihilo (nahihilo), nalilito
'Asan ba 'ko sa 'yo? Aasa ba 'ko sa 'yo?

Damang-dama ko ang kanta. Naalala ko naman ang sinabi ng tatay ko noon. "Kapag masaya ka, na-e-enjoy mo ang kanta, pero kapag malungkot ka, maiintindihan mo ang bawat liriko ng musika" ramdam ko ang sakit na pinapahiwatig ng kantang inaawit ko.

Dahil 'di na makatulog (makatulog)
Hindi na makakain (makakain)
Dahil hindi na makatawa (makatawa)
Dahil hindi na

Totoong hindi na ako makatulog, kakaisip sa mga nangyayari.

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito na lang ako

Di ko napansing tumutulo na pala ang aking luha.

Nahihilo (nahihilo), nalilito
'Asan ba 'ko sa 'yo? 'Asan ba 'ko sa 'yo?
Nahihilo (nahihilo), nalilito
'Asan ba 'ko sa 'yo? Aasa ba 'ko sa 'yo?

Hindi ko nasabayan ang tono, at buti na lang ay nasalo ni Jacob ang kanta.

Nahihilo
Nahihilo
Nalilito

Napatingin ako kay Jacob at napailing na lang sya. Nag-bow kami at bumaba na sa stage. "Jein" pagtawag sa akin ni Dale pero hinila na ako ni Jacob. Hay salamat, ayaw ko rin naman sya'ng makausap.

"Kung gusto mo naman pala ng may label, edi tayo na lang. Matagal na kitang gusto Jein, pero para kang tinurukan ng anesthesia sa pagkamanhid" nagulat ako sa sinabi ni Jacob.

"Oh eto Neurobeon, gamot sa mga manhid" sabi nya at inabot sa akin ang gamot. Napangiti naman ako. Nanlaki ang mata ko nang hawakan nya ang pisngi ko at halikan ang aking labi, agad naman akong tumugon. Hingal na huminto kami sa paghahalikan. "Hmmm... Hindi naman pala manhid" wika nya at inakbayan pa ako.

A Compilation of Oneshot Stories Where stories live. Discover now