Chapter 14

2.4K 53 4
                                    

"Kay Allen ka sasabay," ani ni Kelly ng makarating kami sa parking lot.

Hinila ko kasi ang braso nito para pigilan siya sa pagtangkang pagpasok sa loob ng kotse ni Jackson. Nauna na si Allen sa kotse niya, nagpaalam akong kakausapin lang saglit si Kelly.

"Baliw, alam ko. May sasabihin lang ako sa 'yo." Hinila ko siya palayo na ilang hakbang lang ang layo sa kotse ni Jackson.

"Ano ba sasabihin mo, girl?" tanong niya.

"May extra ka ba diyan? Nakalimutan kong magdala. Sumasakit kasi iyong puson ko, baka magkaro'n ako now," saad ko sa kanya na napahawak pa ako sa tiyan ko.

"Shit, girl. W-Wala rin, e. Pero hayaan mo pagdating natin doon bili tayo samahan kita. Sobrang sakit ba ng puson mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Medyo lang 'tsaka may dala naman akong gamot, iyong panakip lang talaga wala," sagot ko.

"Wait, kunin ko lang 'yong jacket ko. Itali mo diyan sa baywang mo kung magkaro'n ka man para may pangtakip ka."

Tumango lang ako sa sinabi niya kaya mabilis itong inilang hakbang ang tungo sa kotse ni Jackson.

"Here. Sige na, baka naiinip na 'yon si Allen." Nagpasalamat lang ako sa kanya at nagsimula na rin maglakad tungo sa kotse ni Allen.

Wala na iyong kotse ng iba. Sasakyan na lang ni Allen at ni Jackson ang naririto.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse ni Allen bago maingat na umupo. Ramdam ko pa rin iyong sakit ng puson ko pero hindi ko 'to hinawakan para hindi mapansin ni Allen na may iniinda ako.

Baka kasi itakbo ako nito sa hospital. Baka lang naman.

"Love, are you okay?"

Nilingon ko siya sabay tumango. Hanggat maari kailangan kong magpanggap na okay sa harap niya at walang iniinda.

"You sure? You look pale, love," muling tanong niya.

"O-Oo," pagsisinungaling ko.
"T-Tara na. Tayo na lang naiwan, o." Ininguso ko pa iyong harapan na wala na rin iyong kotse ni Jackson.

Pinakatitigan niya ako na parang binabasa kaya ngumiti ako ng pilit. Mahina siyang napabuntong hininga bago lumapit sa 'kin at hinila ang seatbelt na nasa gilid ko para ikabit. Saglit niya pang inayos ito. He pat my head pagkatapos bumalik sa pwesto niya.

Sa buong byahe nagce-cellphone lang ako at paminsan minsan napapakagat sa ibabang labi dahil parang meron na nga ako. Ramdam kong may tumulo, e. Sana lang hindi malagyan iyong upuan ng kotse ni Allen. Nakakahiya naman pag gano'n.

Ka-message ko si Kelly na kanina pa nagmamara kolyo kung nasa'n na raw ba kami ni Allen. Sa entrance na lang daw kami magkita-kita.

Minessage ko na rin si Mama para magpaalam buti na lang at pinayagan ako. Actually mas nauna na raw si Allen nag paalam sa kanya. Tinext daw siya nito.

Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang number ng isa't isa pero bahala na.

Pansin ko naman na ang bagal nang pagpapatakbo ni Allen sa totoo lang. Napansin ko nga rin kanina pa siya lingon nang lingon sa akin.

"Where here, love."

Umangat naman ang tingin ko sa labas ng bintana. Nandito na nga kami. Agad kong kinalas ang soot kong seatbelt nang bubuksan ko na sana iyong pinto pero pinigilan ako ni Allen.

"Bakit?" Nilingon ko siya.

"Stay here, baby. I'll open the door for you."

Kahit nagtataka tumango na lang ako sa kanya. Nang makalabas siya dali-dali akong bahagyang tumayo para makita iyong upuan ng kotse niya kung may pulang marka ba. Mabilis akong umupo at napabuga ng hangin ng walang kahit anong dumi sa upuan ng kotse niya.

Dating Allen GomezOnde histórias criam vida. Descubra agora