Chapter 13

152 10 2
                                    

Hi guys... Nabasa niyo na ba ang last chapter ko? Well, i hope yes para masundan niyo ang buong story.


By the way, best regards to all my followers sa Wattpad. And to all the readers at mga nag-add ng stories ko sa reading list nila. Tulad ni @_itsmehpatch_, @XoxoPiaPia, @Fanghurling, @justmemajoy, @pisces10, @sanimi06, @Lyly08, @XiangsterMLP, @Mariekay12, @akosimissmababaw @jamillesiguenza, @ justmeistine, and @NicaTancuan, @claudy55 , and @JeanNicolle. salamat sa pagbabasa at pagboto.

Sa mga bagong tagasubaybay ko, tulad ni at sa lahat na hindi ko na maalala. At sa mga nag-add ng story ko sa reading list nila, tulad nila @jazminetoralba, @mhia2000, @marizjaytabujara, @IvySumayang, @BuenalenLeyson and @ItsJaiLeNash06 ... salamat.



SHIRLEY's POV


Nakita ko ang pagsundo ni Damuho kay Angel. And yes! I admit, nasaktan ako. Kung bakit, marahil alam ko na ang totoo. Pero hindi ko gustong hayaang magpatuloy ito. Dahil posibleng masaktan lang ako at makasakit din ako ng mga taong mahal ko.


O anak. Bakit parang tulala ka diyan? Tanong ni Nanay naghahanda na para sa pagpasok niya.

Wala ho Nay! May iniisip lang po. Sagot ko.

Sigurado ka bang wala kang problema? Muli ay tanong nito.

Nay, alam mo naman na kahit pa magkaroon ako ng problema ay kayang - kaya ko. Muli ring sagot ko.


Pero hindi ito nakuntento at nilapitan ako.


Shirley, anak... alam mo ba... minsan iniisip ko. Gaano ba kita pinabayaan at ganyan ka na katatag. Na kapag may rpoblema kayo ni Clark ay madalas na ikaw na ang gumagawa ng paraan. Na hindi ka na nagsasabi pa sa akin... litanya ni Nanay.

Nay... putol ko sa sabihin pa niya.


Nais ko pa sana siyang biruin ng, "Naku Nay nagda-drama ka lang eh" Kaso alam kong iba ito. Dahil hinawakan niya ang braso ko at alam kong gusto niyang hayaan ko siyang magsalita. At ganun nga ang ginawa ko.


Naging abala ako kung paano ko ba kayo bubuhaying magkapatid simula ng mawala na ang tatay niyo. Pero mukhang nalimutan ko na kung paano maging Nanay niyo. Maluha-luhang saad nito.

Nay, wika ko. Nagpapasalamat nga po kami ni Clark sa inyo kaya po kami ganito. At sa abot ng aming makakaya ay pilit naming ginagawang magaan ang pasanin niyo. Sa ganung paraan ay makatulong kami sa inyo. Dahil alam naman natin na tayong tatlo lang ang magtutulungan di ba? Kaya please Nay, wag po kayong nag-iisip ng ganyan. Paliwanag ko.

Salamat anak! Sabay yakap sa akin. Salamat din sa DIYOS at binigyan niya ako ng mga anak na tulad niyo.

Kami ang nagpapasalamat sa KANYA. Kasi binigyan NIYA kami ng isang inang inako ang lahat para buhayin at maging maganda ang buhay namin. Sagot ko.


Ilang sandali pang nasa ganung pwesto kami ni Nanay. Maya - maya ay kumalas ito at nagpaalam na. Kahit sandali nawala sa isip ko ang tungkol sa lalaking iyon.

Fated to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon