CHAPTER TWO

8 0 0
                                    

The day started smooth, not until I got home from school. Wala namang bago, lagi nalang ganito dinadatnan ko. Tanggap ko na, matagal na.

Why would I risk myself upon believing every lies? They decieved me. That's it. It's like I'm digging my own graveyard upon believing all those lies.

Behind those innocent eyes has the devilish attitude no one would ever want to encounter.

Bakit pa ba kasi ako pinanganak? Wala namang anak ang naghahangad ng magulang hindi ba? Sila ang may kagustuhan nito.

But,

Every people have different perspectives in lives. The thoughts, the mindset, the way  every person thinks. I can't even imagine how ridiculous some of them just so they could get what they want.

Napalunok ako at ilang beses kumurap kurap. Umiikot ang paningin ko pero pinilit kong tumayo. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako. Sa dami ng mga pinagdaanan ko, mga masasakit na karanasan at mga araw na nais ko nalang lumisan, maglaho, at mawala na parang bula.

Pero heto parin ako, pinanganak na sana ay hindi nalang. Sa bawat bigkas ng bibig ko na pagod na ako ay siyang pagliwanag sa utak ko na lahat ng ito ay pawang walang hangganan. Lahat ay hindi pang habang buhay. Walang magtatagal sa mundong ito.

Pangarap? Marami ako pero ang pinaka hinahangad ko ay sana oras ko naman. Sana bawiin na ang buhay na pinahiram sa akin. At sana sa susunod na buhay kung bibigyan pa ako ng pagkakataon ay sana hindi ganito.

I stood up and hold at the railings before tracing the way to the door. I cannot open my eyes yet, it's swollen not from crying but from the bitterness of being hit by my own father.

It's always like this, nothing's new, none of it has a progress. Just like this.

I heaved a sigh, just as I was about to open the door, when the door open itself for me. Or maybe someone is behind that door before me.

My vision is blurry, I can't see anyone rather more likely a fogs. Before I could step out, someone grabbed me. I couldn't utter a word. I'm too exhausted and tired.

Nagpatianod ako hanggang sa huminto  kami. I know his scent so well, who wouldn't? Ako lang naman ang taga laba kaya alam na alam ko ang bawat amoy nila.

"Kuya." I almost collapsed just by stating a one word.

"Shut up Haiel." Yun lang ang sinabi niya at agad na tumahimik ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, if my memory serves me right, nasa labas na kami ng bahay. Alam na alam ko ang pasikot sikot sa bahay kaya kahit hindi ako tumingin sa daang tatahakin sa loob ng bahay ay malalaman ko. Pati paa ko alam na alam ang nilalakaran ko.

"I'm taking you to aunt Emilia, doon ka muna, ako nang bahala magpaliwanag kela mama at papa." Sabi nito na ikinatigil ko. Saglit lang naman dahil hinatak na niya akong muli.

"Kuya, mapapahamak ka. Baka pati ikaw saktan ni papa pag nalaman niya 'tong ginagawa mo. Bumalik nalang tayo kuya, dibale nang ako nalang saktan ni papa wag lang kayo."

"Yan ka na naman Haielley." Napakunot ang noo ko.

Huminto siya sa paglalakad at binitawan ako. Siguro ay magkaharap kami ngayon pero yumuko lang ako. Nakakahiya sa kanyang makita akong ganito. I always locked myself inside my room after being hit. This is the first time someone saw me in this situation. Worse is, it's my brother who witnessed it.

"Inaangkin mo lagi Haielley, ikaw nalang lagi. Bakit ka ba ganyan?" Naguguluhan akong tumingkayad. Ngayon ay may nakikita na akong kunting liwanag. I saw him, my brother standing in front of me. Gritting his teeth.

"Kuya.."

"No." Pagputol niya sa sasabihin ko.

"Lagi mong inaangkin ang kasalanang hindi mo ginawa, bakit haielley? Bakit ka ganyan? You always saved us from our fathers grip. Why?" Tanong nito na nagpakunot lalo sa noo ko.

"I don't understand, can you.." Hindi pa man ako tapos mag salita nang putulin niya na naman ito.

"Nung nabasag ko ang baso, ako ang may gawa nun, we were just kids back then. Pero inako mo Haielley, inako mo! sinabi mong ikaw ang may kasalanan! Akala ko ay papaluin ka lang ni papa pero kitang kita ng dalawang mata ko kung paano ka niya pinaluhod at linatigo ng paulit ulit. Tangina ganun ba kamahal ang baso na yun para parusahan ka ng ganun? If only I knew na ganun ang mangyayari edi sana ako! ako nalang sana pero inako mo Haielley. Ano bang iniisip mo? Can't you think about yourself for once?" His last statement hit me so hard. But I can't.

"No."

"Haielley."

"Ayuko! Ayukong makitang nasasaktan kayo! Ayukong dumapo ang kamay ni papa sa inyo! Dibaleng ako nalang kuya, ako nalang! Wag lang kayo!" Gusto kong umiyak pero walang luha ang lumabas sa mata ko. Tila pati luha ko ay nilisan narin ako.

"Is that how selfish you are?" Tanong niyang muli.

Tangina!

"Selfish ba yung iniisip ko lang kapakanan niyo? Selfish ba na kayo lang ang iniisip ko? Selfish ba na. na.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. Parang mas bumigat ang pakiramdam ko sa yakap niya. Wala akong maramdamang awa mula sa kanya.

What is this? Another lie? I'm tired and sick of being lied by someone I cared the most! Pinagkait na sakin ang kagandahan ng mundo bakit pati pamilya ko?

"Ikaw ang umako ng kasalanan ko nung muntikan ng sumabog ang opisina ni papa. Nasa likod ako ng aparador niya noon at ikaw ang naabutan niya. Alam mong ako ang nandoon bago ka pero anong ginawa mo? Sinabi mong ikaw ang may kagagawan!" Sigaw nito sa akin.

"Ikaw rin ang umako sa kasalanan ko haielley." Napalingon ako at nakita ko si ate na umiiyak at nakasunod sakanya si veilk na umiiyak na rin.

"What do you mean by that, Ershel?" Nagtatakang tanong ni kuya. Umiling ako kay ate, ayukong malaman ni kuya yun.

"I did push you kuya! Ako ang may gawa nun hindi si haielley! Dapat ako ang kinagalitan mo hindi siya." No. This isn't t happening.

"Can you enlighten me?" Tila naguguluhan parin si kuya.

"A..ate." my voice broke. And for the first time, I felt afraid, scared. No, this is just a dream and hopefully by tomorrow I will woke up like nothing happened.

"I did push you kuya, ako dapat ang parusahan ni papa dahil sa pagtulak sa'yo. Kaya ka nabunggo ng sasakyan noon. Hi..hindi si haielley, wala siyang kasalanan. Siya lang ang napagbuntongan ni papa ng galit, lasing si papa nung umuwi siya ng gabing 'yon. Mom is nowhere out of sight too. I think that's also the time dad found out mom's betrayal towards him. We we're all exhausted and problematic that time. Ginusto kong maglaho dahil sa paulit ulit nalang na problema na dumating sa buhay natin. Pero hindi ko sinadya kuya."

Napaluhod si ate habang humahagulgol ng iyak. Parang natuod ako sa kinatatayuan at hindi na nakapag salita. Tanging pag iling nalang ang nagawa ko. And then there's veilk standing right next to her, confused is plastered all over his face.

Umuwi kaming apat sa bahay at madilim na mukha ni papa ang bumungad sa amin. Lahat kami napahinto at napatitig sa kanya.

Ilang beses akong umatras at sa pagkakataong ito alam ko na ang kahihinatnan ko.

I'm doomed!

What did I do now?

Alone In The Dark Makes My Tears UnworthyWhere stories live. Discover now