"Regret III"

485 26 6
                                    

Isang linggo na ng mangyari iyon, isang linggo ko na ring hindi nakikita si Becky. Sila Irin lang kasi ang pumunta rito minsan pero sabi naman ni Nam ay busy daw ito sa trabaho kaya hindi siya nakakasabay sa kanila.

Andito ako ngayon sa cafe busy sa pag aasikaso ng mga order ng mga customer. Sa kalagitnaan ng aking pag iintertain ng mga customer ay may napansin akong dalawang babae na pumasok sa cafe at nakilala ko sila, si Becky at Friend. Nang makita ko sila ay may naramdaman akong kirot sa dib² ko na hindi ko alam kaya nung nakita nila ako ay agad rin akong umiwas ng tingin. Nang maka upo sila sa may bakanting pwesto ay buti nalang lumapit si Lina isa rin siyang waitress kagaya ko.

Habang busy ako ay napapansin ko rin na pasulyap-sulyap ng tingin si Becky sa akin ganun din si Friend pero hindi ko sila pinapansin sa tuwing nagtatawag sila ng waitress ay hindi ko sila nilalapitan at pasimple ko nalang sinisinyasan si Lina kaya ngumiti lang ito sa akin. Mabait si Lina, mas matanda lang siya kaysa sa akin, ikakasal narin ito sa longterm boyfriend niya. Inimbitahan niya nga ako sa kasal nila kaya pumayag ako.

Nagtagal sila Becky at Friend dito sa cafe hanggang sa matapos sila. Umalis sila na magkasabay hindi ko alam kong saan sila susunod na pupunta... "Hay naku.. bakit ko pa ba ito iniisip. Ano bang pakialam ko sa kanila, kung nagkabalikan sila, edi okay!. haysstt... Babalik na nga lang sa trabaho.."

......

Gabi na at tapos narin ang working hours ko, inasikaso ko naman ang anak ko na inaantok na. Habang hinihintay ko si Nam at pinapatulog si Maive, may pumarada na namang sasakyan sa harapan ko at alam ko kung sino to.. si BECKY!!!😒🙄

"Get in!

"Hindi na! Kung hindi rin lang si Nam ang susundo, magtataxi nalang kami!

"Inutusan ako ni Nam na sunduin ka.. huwag nang matigas ang ulo Freen! Pumasok kana at para maka uwi na ako!

"Edi umuwi ka.. problema ba yun?

"Bakit sa tingin mo ginusto ko itong inutos sa akin ni Nam!

"Ano bang problema mo Becky? Kung gusto mong umuwi, umuwi kana! Hindi ko na napigilan ang mainis. Hindi naman sana ako magkakaganito dahil sa nakita ko kanina.. hay ewan ko ba, bakit ako nakaramdam ng ganito!

Napansin kong padabog itong bumaba at lumapit sa akin at aakma na sana niya akong hilahin pa pasok ng kotse ay nagmatigas ako! Nang lumapit na naman siya sa akin ay doon ko napansin na namumungay ang mga mata nito tsaka naamoy ko ang alak sa bibig nito.

"You're drunk, Becky! Umuwi kana at magpahinga!

"Hindi ako lasing! Nakainom lang ako! Kaya pumasok ka na at huwag mo ng patigasin ang ulo mo!

"Ayoko!

"Ano bang problema mo Freen!? Pumasok ka na sa kotse at para mahatid ko na kayo!

"Ayoko nga! Umuwi ka na... Ayaw kong magpahatid sayo dahil naka inom ka! At ayaw kong manghinala ang girlfriend mo!

"Yan! Alam ko na kung anong problema mo! Kaya ka nagkakaganyan dahil nagseselos ka! Hahaha....

BeckFreen (One SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon