Chapter 16

13 2 0
                                    

NANG makitang masama ang tingin sa kanya ni Leon ay napaingos siya dito, sapagkat nang bigla itong ngumisi ay pinigilan niya agad ito sa sasabihin sa pamamaraan ng pagdikit ng kanyang hintuturo sa labi nito.

"I know what you're going to say. You will say 'Do you want me to do it for you, baby?'" wika ni Claire habang ginagaya ang tono nito. "If you are just going to say that, stop. I don't want you to do it for me and you will never do that to me so stop asking me from now on."

Walang emosyon na hinayaan lamang nito ang kanyang hintuturo sa labi bago pabiro na ngumiti. "You're not sure though."

Napapantastikuhan na napalingon siya kay Leon at pinandilatan ito ng mga mata. "Ano?"

"Nothing. Just hurry to try them on and we'll have a chemistry test after eating lunch," wika ni Leon at lumabas na sa fitting room.

"Chemistry test?" tanong ni Claire sa sarili at naikiling ang ulo habang hawak niya ang mamahaling damit. "Bakit kailangan pa ng Chemistry test?"

"So that we will know if we already look together or not? In that way, it will tell us what to improve to make my parents believe our pretend relationship," sagot ni Leon mula sa labas ng fitting room. "I heard you from here, Claire. Keep your voice down. Naturingang babae pero ang lakas ng boses. Daig mo pa ang announcer na gamit ang megaphone."

Dahil sa gigil sa pang-iinsulto ni Leon ay inambahan ni Claire3 ang kurtina ng suntok kasabay ng pag-ungol na walang tunog. Kahit kailan talaga ay hindi nakalimutan ni Leon ang manudyo at mang-insulto. Hanggang tumatagal ay palala nang palala na ang mga sinasabi nito sa kanya. Kahit pa man gusto niyang sanayin ang sarili, hindi niya pa rin mapigilan ang hinding manggigil dito. Siguro dahil tama ang sinabi nito na malakas nga ang kanyang boses, at batid niya iyon, o dahil sa katotohanan na masyado itong perpekto kaya hindi siya makaganti dito na mamintas.

She has always been that humble and patient type of person, but with Leon insulting and teasing her every now and then, she couldn't help but be vicious as him. Umuusbong na ang kagustuhan na tirisin ito. Naapektuhan nito ang kanyang pagiging mabuting tao.

"You can punch me later, Claire, I will let you. Just try the dresses so we can go home now, I don't want to eat outside. I want Tinola," saad nito para mapatalima na siya sa pagsukat ng mga damit na tila ba mas mahal pa sa kanyang pagkatao.

Pagktapos ng tatlong oras na pamimili ng kanyang mga gagamitin ay kinakalkula ni Claire ang mga nagastos ni Leon. Ninety thousand pesos? Napailing-iling si Claire dahil anim na damit lamang iyon sa Manuel's Botique. One hundred thousand pesos? Napaisip si Claire at napatango-tango ngunit kalaunan ay napailing-iling nang maalalang binilhan din siya ni Leon ng bagong latest cell phone, relo, alahas, at kung ano-anong mga pang kolorete sa mukha.

"One fifty thousand pesos..." bulong ni Claire nang sa tingin niya nakuha niya na ang tamang presyo na nagastos ni Leon sa tatlong oras na iyon.

"One sixty thousand five hundred twenty one pesos," pagtatama ni Leon para gulat na mapatingin siya dito.

"O-One sixty thousand?" pag-uulit niya pagkatapos ay muntikan pang matisod sa gamit niyang takong.

"You liked the diffuser so much, so I bought it for you for one thousand and five hundred pesos," wika ni Leon habang naglalakad sa kanyang tabi. "I suggest the ten thousand pesos worth diffuser but you choose the cheap one instead."

Dahil sa mga narinig niya kay Leon ang nanuyo ang kanyang lalamunan. Leon has uttered the money as if it was just a small amount which is not for someone as poor as her. Napalingon siya sa dalawang bodyguard na ngayon ay hindi na makakumahog sa mga pagbitbit sa kanilang mga pinamili.

Marriage and MaintainabilityWhere stories live. Discover now