The Return of Sangg're Lira

93 7 4
                                    

What if after the Last War of Encantadia. Mulawin decided to ask help to the Encantadia. And Lira decided to help them defeat the Ravena's. And after 1 Decade of her Adventure's at Avila. She's back!
≈≈≈≈≈≈≈

NAKANGITI si Lira habang lumilipad sa himpapawid. Nagagalak siya sapagkat makalipas ang Isang Dekada. Muli na siyang makakaapak ng Lireo. Umabot ng Isang Dekada ang pakikipaglaban ng mga Mulawin sa Ravena. Tinulungan ni Sangg're Lira ang mga Mulawin sa kanilang pakikipaglaban kahit lubusan itong tinutulan ng lahat lalo na ng kanyang Ama.

Ngunit ng dahil kay Bathalumang Cassiope-a ay natulungan niya ang mga Mulawin. Ayon kay Mata nasa tadhana niya ng tulungan ang mga Mulawin. At ngayong nagkasundo na ang Dalawang Lahi. Malaya ng bumalik sa Encantadia si Lira. At bilang pabuya sa kanya ni Diyosang Sandawa. Binigyan niya ang Sangg're ng isang kwintas at siyempre ng isang plawta. Ang plawta ng mga Mulawin na para lamang sa Sangg're.

Lalong napangiti si Lira ng matanaw niya na ang Lireo. Hindi alam ng kanyang mga kaanak na ngayon siya babalik. Marahan niyang pinagaspas ang kanyang mga pakpak at lumapag sa Balkonahe ng Lireo. Nagulat man ang mga nagbabantay na Kawal Diwata ngunit agad silang nagbigay pugay.

(Image of Lira having a wings. Just imagine that it was Mulawin wing's and it was Lira. Her wings is pure white because hindi pa siya tumadaan sa "paglulugon" that every Mulawin Experince. Here wings was given by Diyosang Sandawa. One of her pabuya for helping the Mulawin)

"AVISALA LIREO!". Masayang sambit ng Sangg're.

Marahan siyang naglakad papasok ng Lireo. Tinitignan ni Lira ang palasyo at napagtanto niya halos wala itong pinagbago.

"Katulad ng Lireo na iniwanan ko. Katulad ng Encantadia, payapa pa rin ito". Nakangiting sambit ni Lira at nagpatuloy siya sa paglalakad.

Tinatahak niya ang daan patungong silid hapagkainnan. Alam niyang naroon ang kanyang mga kaanak. Maaaring nagtatanghalian.

"Sangg're Lira nagbalik na kayo". Masayang bati ni Mashna Muros ng masalubong niya ang Sangg're at agad siyang nagbigay pugay.

"Avisala Kuya Muros! Matanong ko lamang po pala. Asaan po pala sila Ashti Alena?". Nakangiting tanong ni Lira sa Mashna ng Lireo.

"Nasa hapagkainan sila Mahal na Sangg're. Nais niyo bang samahan ko kayo patungo roon?". Nakangiting tanong ng Mashna kay Lira.

"Maaari po ba kung hindi po ako nakakaabala. Baka po maligaw rin ako. Sampung Taon rin po ako nawala sa Lireo". Natatawang tugon ni Lira kaya natawa rin si Muros.

"Isang malaking karangalan na gabayan kayo Mahal na Sangg're". Nakangiting tugon ni Mashna Muros.

Tumango nalang si Lira at nauna ng naglakad. Sinabayan naman siya ni Mashna Muros. Nakangiti si Lira habang naglalakad. At bawat Dama, Kawal o Mapa-Ordinaryong Diwata kanyang nadadaanan ay napapahinto para magbigay pugay sa kanya. Lahat ng kanyang nakakasalubong ay nagulat sa kanyang pagbabalik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Encantadia One Shot StoryWhere stories live. Discover now