Chapter 1

62 2 2
                                    

"Papá! Hindi ako magpapakasal sa lalaking 'yun! 'Ni hindi ko nga kilala ang poncho pilato na 'yun!"



Ani ni Clara.



"Clara, sumunod ka sa sinasabi ng iyong ama! Ito ay para sa iyong kabutihan at iyong kinabukasan."



Saad naman ng asawa ng kanyang ama.



"Hindi ko tinatanong ang opinyon mo! Huwag kang makisali dito!"


Sagot ni Clara sa babae.


Kitang kita niya ang galit at panggagalait sa mga mata nito sa ginawa niyang pabalang na pagsagot.




"Rodolfo, mahal ko! Narinig mo ba ang naging pagsagot saakin ng ating anak?"


Paiyak na pagsusumbong nito sa kanyang ama.



"Clara!! Kailan ka pa natutong sumagot ng bastos sa iyong ina?! Hindi kita pinalaki para bastusin mo lang kami ng iyong ina! Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang nangyayari sayo at naging suwail ka na?!"


"Pwede ba?? Kahit kelan hindi ko gagalangin yang oportunistang babaeng yan at hindi ko sya ina! At kahit kelan hinding hindi ko sya ituturing na ina!!"


Pasigaw na sagot ni Clara.





Isang malakas na sampal ang lumipad sa pisngi ni Clara mula kay Don Rodolfo.
Bumagsak siya sa sahig sa lakas ng hampas nito at napahawak siya sa kanyang pisngi sa sakit.





"Clara, ano bang nagawa kong mali sa iyong mga mata at ganyan na lamang ang galit mo sa akin?? Bakit hindi mo ako kayang tanggapin bilang ina? Lahat naman ng pagmamahal at pag-unawa ay ibinigay ko saiyo-"



"Pwede ba tigilan mo'ko sa drama mo! Alam kong may kinalaman ka sa pagkamatay ni Manuel!"

Pagputol niya sa babae.



"Mag-ingat ka riyan sa mga ibinibintang mo Clara!! Namatay si Manuel dahil sa mga masasamang loob na nagkalat sa bayang ito- Ohh Rodolfo! Hindi ko na kinakaya ang kabastusan ng iyong anak. Patawarin ka sana ng mahabaging Diyos, Clara."


Lumakad ito papalayo at kunwaring nagapahid ng luha saka umalis. Pero alam naman ni Clara na peke ang iyak nito.


"Ano nangyayari sayo bata ka?? Para bang hindi na ikaw ang mabait at masunuring Clara na pinalaki ko? Sa ayaw o sa gusto mo, magpapakasal ka sa anak ni Don Tiburcio- Nakapangako na ako sa  kanya at maaari bang huwag mong binabanggit ang pangalan ng lalaking iyon dito sa pamamahay ko. Ano na lamang ang kahahantungan ng iyong kinabukasan kung sumama ka sa lalaking iyon. Marapat lang sa lalaking iyong ang kanyang kinahinatnan-"


"Papá!! Paano po ninyo nagagawang sabihin iyan?? Hindi ba ninyo napapansin na nilalason ng babaeng iyon ang inyong isip?! Kayamanan lang ninyo ang habol niya! Maniwala kayo saakin papá, masamang babae-"

"Tama na Clara!!!"

Pagsaway sa kanya ng ama.



"Huwag mong pagsalitaan ng masama ang asawa ko! Kung hindi mo matanggap na siya na ang bago mong mamá ay wala ka nang nagagawa kung hindi sundin ang gusto ko dahil ako parin ang iyong ama at ako pa rin ang masusunod sa pamamahay na ito!"



Matigas na salaysay ni Don Rodolfo kay Clara.



"Ising!! Ising!!


Isang matandang babae ang sumulpot sa pintuan ng kwarto  na agad lumapit sa kanyang ama. Bahagyang yumukod ito at pahilim na tumingin sa kanya. Aninag niya mula sa kanyang kinasasalpakan ang awa sa mga mata nito.


"Don Rodolfo."



"Manang Ising, pakidala nga sa kanyang kwarto ang suwail na batang ito. Ikandado mo ang pinto at huwag na huwag mo siyang palalabasin. Hindi rin siyang maghahapunan ngayong gabi."



"Pero Senior, huwag pakainin?? Maawa naman po kayo kay seniorita Clara."


"Susuwayin mo rin ba ang utos ko kagaya ni Clara?? O gusto mo pati ikaw ay maparusan! Magmadali ka at dalhin mo na siya sa kanyang kwarto!!"


Galit na sabi nito sa matandang babae.

Lumapit sa kanya ang matanda at inalalayan siyang tumayo.


"Tara na seniorita Clara.."

Nang madala siya nito sa kanyang silid ay pinaupo siya nito sa kanyang kama at sinipat ang kanyang namamagang pisngi.



"Patawarin mo ako seniorita Clara.."


Mahinang usal nito. Umangat ang tingin niya sa matandang babae. Hindi niya alam kung bakit nagsosorry ito sa kanya. Baka siguro naaawa ito sa nangyari sa kanya.


"Wala naman po kayong kasalanan saakin Manang Ising. Ayos lang po ako. Hindi naman po kayo ang sumampal sakin eh.."


Pagbibiro niya.




"Oh seniorita.."

Pagtangis nito.



"Huwag po kayong mag-alala. Wala lang sakin iyon. Hindi na ako papayag at magiging sunod-sunuran sa mga gusto nila. Buhay ko na'to at ako ang masusunod sa magiging buhay ko."

"Kung buhay lang ang Donya Constansía. Hinding hindi mangyayari ang mga ganito. Tignan mo, pulang pula ang iyong pisngi binibini. Dapat mapahupa natin ang pamamaga, sandali lamang at kukuha ako ng basang bimpo para sa iyong mukha.."


"Sige po Manang Ising.. Salamat po."





Madaling lumabas ang matanda sa kanyang kwarto. Narinig pa niya ang pagkandado ng pinto.







Sinipat niya ang sarili sa katapat na salamin.


"Tang-in4 ang sakit ng sampal na yun ah! Hindi na ako magtataka kung bakit mo nagawa sa sarili mo yun Clara. Tsk!..


Nabuhay ka nga ulit, pangteleserye naman ampot4.

Parehas lang din pala tayo. Parehas fuck3d up ang buhay. Tsk!'"




Pabagsak na nahiga si Klay sa kanyang kama at hinilot ang kanyang sintido.



"Yaan mo Clara. Hindi ko hahayaang masunod ang gusto nila. Simula ngayon, mamumuhay ako ng walang sino man ang nagdidikta sakin o sayo. Hindi ko hahayaang maipakasal ako sa lalaking gusto nila. Hindi ko papayagan na masunod ang kagustuhan ng madrasta mong chararat. Simula ngayon, tayo ang masusunod sa kung ano ang gusto natin at hindi sila."

Saad niya sa sarili.



Ipinatong ni Klay ang braso sa kanyang noo at ipinikit na ang mga mata. Pinigilan niya ang sarili sa pag-iyak.

Ayaw na niyang umiyak pa.

Tama na.

Hanggang dito pa rin ba ay matutulog siyang umiiyak?


Kinalma niya ang sarili at maya-maya pa ay nakatulog na siya. Hindi na ramdam ang hapdi sa kanyang namumulang pisngi.

O' kay ganda mo ginooWhere stories live. Discover now